Prejudiced Love 44

6.3K 89 6
                                    


Babalitaan na lang daw ako ni Sean kapag nakapag-decide na siya kung ano bang work ang gagawin ko. Gustong-gusto talaga niya na magkasama kami sa work. Hinayaan ko na lang.

Ngayong umaga ay ako lang at ang ilang kasambahay na kinuha ni Sean. Ang kambal ay pumasok na sa kanilang school at ang kanilang ama ang naghatid.

Naalala ko noong hindi pa nila kilala si Sean... naririnig kong naiinggit ang dalawa sa kanilang classmate na hinahatid ng kanilang ama. Tanda ko pa kung gaano ako umiyak nung narinig ko 'yon.

Lagi ako nagdadasal sa Diyos na sana pagdating ng araw, maranasan din iyon ng kambal at hindi naman ako nabigo. Hindi talaga lahat ng gusto mo makukuha agad-agad.

Dahil bored na bored na ako sa bahay ni Sean, dadaan muna ako sa bahay ng parents ko at saka ko pupuntahan ang company kung nasaan si Sean. Hinahanap na talaga ng katawan ko ang trabaho. Sa ilang taon na nawala ako ay puro trabaho inaasikaso ko. Kung hindi ako magtatrabaho noon, wala ako ipapakain sa kambal.

Habang inaalala ko ang nakaraan, bigla ko tuloy namiss si Mia at Kyla sa umaga. Ang tagal na rin kasi nung huli ko sila nakasama. Kumusta na kaya ang dalawang iyon?

Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa bahay ni Sean kaya agad ako nakarating. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng katulong at agad na sinabi sa akin na maaga raw umalis sila Mommy. Sana pala ay nag-message muna ako bago ako pumunta rito.

"Naku, ma'am! May emergency raw po kasi sa isa niyong business kaya sobrang busy ng Mommy at Daddy mo po." Sabi ni Manang sa akin.

"Pakisabi na lang po na dumaan ako rito." After no'n ay nagpaalam na ako at bumalik na muli sa sasakyan. Habang papunta sa company kung nasaan si Sean ay bigla ako nakaramdam ng kaba. Sana naman wala masyadong mangyari.

Habang nasa byahe ako biglang nag-ring ang phone ko. Hindi ko naman masasagot iyon dahil nasa loob pa ng bag ko at saka hindi rin naka-connect sa sasakyan. Mamaya ko na lang tatawagan kung sino man ang natawag na iyon. Sana lang ay hindi iyon emergency.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa aking pupuntahan. Buti na lang walang traffic sa dinaanan ko. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tiningnan kung sino ang tumawag. Isang call galing kay Sean at ang isang missed call ay galing sa isang unknown number. Sino naman kaya iyon?

Papasok sana ako ng company nung may humigit sa braso ko. Pagtingin ko kung sino— walang iba kung hindi si Sophia. Ano na naman kaya kailangan nito sa akin? Akala ko naman tapos na ang encounter naming dalawa!

"Yes?" Sabi ko habang kinakaladkad niya ako kung saan.

"Let's talk." Talk? Sure bang talk? Talk or away?

"P'wede tayong mag-usap na hindi mo ako kinakaladkad." Pagkasabi ko no'n ay agad niya ako binitawan. Nasa isang sulok kami ng parking lot. Kaya ba ako kinakabahan dahil dito? Para naman akong nasa isang drama!

"Ano ba gusto mong sabihin?" Chill kong sabi kahit deep inside me kinakabahan ako.

"Ibalik mo na sa akin si Sean." Ibalik? Tama ba itong naririnig ko?

"Bakit ko ibabalik sa'yo ang asawa ko?" Kung naririnig lang ito ni Sean baka grabe na ang pagkatuwa no'n. Baliw na baliw na sa akin 'yon e.

"Hindi mo na siya asawa! Ibalik mo na sa akin si Sean! Ibalik mo na siya! Akin lang siya." Pag-tantrums ni Sophia. Hindi ako nakakaramdam ng galit sa kaniya. Awa ang nararamdaman ko.

"Hindi mo pag-aari si Sean. Stop being desperate." Kalmado ko pa rin na sabi. Sa ganitong situation, natuto ako na hindi ko dapat sinasabayan ang init ng ulo niya.

"Ganito ka rin kadesperada noon baka nakakalimutan mo! Ibigay mo na sa akin si Sean. Kailangan namin siya ng anak ko. Akin na lang si Sean..." Naiiyak niyang sabi.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon