Nung pinayagan ako ng doctor ko rito ay umuwi agad kami ng Pilipinas. Perks of being rich... hindi mo na kailangan pang maghintay."Welcome back to the Philippines, nanay!" Masayang sabi ni Shine sa akin after nung makalabas na kami ng airport. Hindi ko magawang maging masaya na narito na ulit ako dahil naiisip ko ang nawala kong baby.
Ramdam kong nasa Pilipinas na talaga ako nung naramdaman ko na ang init ng paligid, hinihintay kasi namin 'yung sundo.
Habang naghihintay kami ay may napansin akong mag-ina. Hawak nung babae ang newborn baby niya. Dahil doon ay nagiging emotional ako. Ang daming what if's na naman ang naiisip ko.
Sobrang hirap mamatayan ng anak. Nang dahil sa nakita ko kanina ay napaluha ako. Napansin naman agad 'yon ni Sean kaya naman agad din niyang pinunasan ang mga luha ko. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko hanggang sa makarating na ang sundo namin. Inalalayan naman ako ni Sean.
Habang papunta kami sa sasakyan ay kinausap ko si Sean sa gusto kong mangyari.
"Gusto ko sa bahay ng magulang ko." Sabi ko rito. Natigilan siya saglit bago pumayag sa gusto ko.
"If that's what you want." Hindi ko na ulit siya pinansin at saka ako pumasok ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi na siya nakipagtalo pa. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Nakatulala rin akong pinagmamasdan ang dinadaanan namin.
Ang kambal naman ay dinadaldal ang kanilang ama. Ewan ko ba at bigla akong nawalan nang gana makipag-usap kahit kanino... kahit sa kambal ko...
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kami bago nakarating sa bahay. Pakiramdam ko ngayon ay para akong isang robot. Hindi masyado aware sa nangyayari sa paligid.
Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at saka humiga. Naiwan sa baba ang pamilya ko. Habang nakahiga ay yakap-yakap ko ang isang unan. Para akong mababaliw sa nararamdaman kong sakit. Tumutulo na naman ang mga luha sa mata ko. Tila ba hindi napapagod ang mga mata ko kakaluha.
Gustong-gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa... tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko.
Bakit ba kasi sa akin nangyari 'to? Bakit ako? Hindi pa ba sapat ang mga paghihirap ko noon? Bakit ba kailangan dagdagan pa ang problema ko sa buhay? Wala na ba akong karapatan sumaya man lang?
Tangina! Ang sakit-sakit!
Ilang sandali ay narinig kong kumakatok sa pinto si Sean. Ano naman ang kailangan niya?
"Cess? I'm going in." Hindi ako sumagot dito dahil wala talaga akong courage na kumausap ng kahit sino.
Pagpasok ni Sean ay nakita ko itong may dala-dalang pagkain. Naalala ko hindi pa nga pala ako kumakain. Hindi rin naman kasi ako nakakaramdam nang gutom. Wala akong gana kumain.
"Kumain ka kahit kaunti." Sabi ni Sean nang makarating siya sa tabi ko. Tiningnan ko siya ay umiling ako.
"Cess, maawa ka naman sa sarili mo... huwag mong pabayaan ang health mo. Dala ko na rin nga pala 'yung gamot mo."
"Wala akong gana." Tanging sabi ko rito at saka ko ipinikit ang mga maya ko. Yakap-yakap ko pa rin ang unan.
"Para mo namang pinapatay sarili mo n'yan. Kumain ka kahit kaunti, please..." Dumilat ako at muli ko itong tiningnan.
"Ayaw ko nga!" Naiirita kong sabi.
"Okay, hahayaan ko na lang muna itong pagkain mo rito sa table. Kainin mo na lang kapag nagutom ka." Pagkasabi niya ay naramdaman ko na lang na humiga ito sa tabi ko.
"A...anong ginagawa mo? Bakit ka humiga d'yan?" Gulat kong tanong dahil sa ginawa niya.
"Babantayan kita. Balak ko na rito rin tumira." Natigilan ako sa sinabi niya. Siya? Tama ba ang narinig ko? Rito siya titira?
"Gusto kitang alagaan, Cess." Dagdag pa nito.
"Bakit mo 'to ginagawa? Bakit ba gusto mo akong alagaan?" Tanong ko rito. Kanina ayaw ko makipag-usap pero ngayon nakikipag-usap na ako sa kaniya! Hindi ko na maintindihan sarili ko.
"Dahil gusto ko. I'm falling, Cess..." He's falling? Siguro kung noon niya 'yan sinabi matutuwa ako. Wala akong maramdaman sa sinabi niya. Walang tuwa o ano.
"Hindi ako si Sophia." Iyon lang ang tangi kong nasabi.
"I know this is not the right time to say this but i'm starting to fall in love with you day by day."
"Kabag lang 'yan. Akala mo lang 'yan." Hindi ko pa kayang maniwala sa mga pinagsasabi niya. Pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako.
"Maniwala ka man o hindi... totoo ang sinasabi ko sa'yo." Pagkasabi niya ay naramdaman kong niyakap niya ako kahit na nakatalikod ako sa kaniya.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay napaluha na naman ako. Walang katapusan na pagluha! Tangina naman!
"Shh.. Stop crying... I'm here, Cess." Narinig kong sabi ni Sean. Mas hinigpitan niya ang pagkayakap niya sa akin.
"Grief never ends..." Mahina kong sabi habang naiyak.
"It ends... we should not lock ourselves in grief. Grief is not a place to stay. Life moves on and so should we." Dahil sa sinabi niya ay natauhan ako. Mas lalo ako napaiyak sa naiisip ko.
"Lalabas lang ako saglit. I'll be back." Pagkasabi niya ay tinanggal na niya ang pagkayakap sa akin at lumabas. Pero bago siya makalabas ay may sinabi pa ito na narinig ko rin.
In order to be free, we must learn how to let go.
Saktong paglabas niya ay ang pagpasok naman ni Shine. Pagtingin ko sa anak kong babae ay napansin ko ang lungkot sa mata niya. Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya agad ako.
"Nanay... miss na miss na po kita. Ang lapit-lapit niyo nga po pero pakiramdam po namin ni Shawn ang layo-layo niyo po." After nung sinabi ni Shine ay umiyak ito. Niyakap ko naman ito pabalik. Naiyak na naman ako!
"I'm sorry... I'm sorry, anak..." Ang sama-sama kong ina. Masyado akong nalulunod sa nararamdaman ko dahil sa nangyari sa akin at dahil doon nawawalan ako ng oras sa dalawa ko pang anak.
"Babawi si nanay."
"Love na love po namin ikaw, nanay." Dahil sa ginagawa ko hindi ko namamalayan na nasasaktan ko na pala ang dalawa kong anak. Nagagalit ako ngayon sa sarili ko. Ang pabaya kong ina.
Napagdesisyonan kong aayusin ko na ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...