Prejudiced Love 16

11.7K 168 6
                                    


Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Gusto ko pa sana matulog kaso nagising na ang diwa ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at pagmulat ko ng tuluyan ay nagulat ako sa nakita ko.

Tangina. Seryoso ba talaga 'to?

Kaya pala ang bigat sa may tiyan ko dahil may brasong nakalagay dito! Pagtingin ko sa gilid ko ay may natutulog akong katabi at parehas pa kaming nakahubad. Gusto ko na lang mawala bigla!

Dahil ayaw kong magising siya na ganito ang lagay ko ay dahan-dahan kong tinanggal 'yung braso niya sa tiyan ko at dahan-dahan din ako tumayo. Buti na lang ay hindi siya nagising.

Shit. Bakit ang sakit?!

Hindi na talaga ako mag-iinom kahit kailan! Pinahamak ako ng alak!

Maingat kong kinuha 'yung mga damit kong nagkalat at saka ako dumiretso sa bathroom. Dito pala sa condo niya kami tumuloy. Ano bang pumasok sa isipan ko at nauwi kami sa sex?

Paano ko siya haharapin ngayon? Hindi naman puwede na taguan ko siya dahil magsasama ulit kami sa iisang bahay! Siguro kakausapin ko na lang siya mamaya na kalimutan na lang namin 'to.

Nang matapos ako maligo ay hindi ko magawang lumabas agad. Gising na kaya 'yon? Bahala na nga. Paika-ika akong lumakad dahil sa pagkakatanda ko nakailang rounds din kami.

Paglabas ko ng bathroom ay napatingin ako sa orasan. Late na ako sa work! Okay naman siguro na malate or umabsent ako dahil boss ko naman ang kasama ko. Kasalanan niya rin naman kung bakit ako late or absent.

Normalize blaming Sean Villa Loxin!

Pagbalik ko sa may kama niya ay gising na siya. Pinagmasdan ko siya at ang gago mukhang sarap na sarap sa pagkakahiga.

"Uuwi na ako at papasok pa ako." sabi ko sa kaniya habang iniiwas ang tingin ko.

"Wait for me. Breakfast tayo at ihahatid kita." Luh. Hindi ganito inaasahan ko. Ang inaasahan kong gagawin niya ay pababayaan na ako.

"Huh?"

"Sabi ko intayin mo ako." pagkasabi niya ay tumaya na siya at dumiretso sa bathroom. Do I have a choice?

Habang inaantay ko siya ay inayos ko na muna ang sarili ko. Tiningnan ko na rin ang phone ko at ang daming message ni Kyle at Mia!

From: Kyle

Gaga ka! Asan ka?

Bak8 naman iniwan mo kami dito ng walang paalam?

May nakakita raw sa'yo na may kasamang lalaki!

One night strand ba ang bet mo?

Text back ka kapag nabasa mo na 'to.

From: Mia

Nag-aalala kami sa'yo.

Yari ka sa amin bukas!

Mag-ingat ka.

Wear some protection pls.

Nang mabasa ko ang message nila ay nagreply agad ako. Nakonsensya tuloy ako. Hindi na talaga ako uulit.

Panigurado kanina pa ako inaantay nung kambal. Magpapadaan na lang siguro ako kay Sean sa madadaanan namin na puwede kong ipasalubong sa dalawa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin si Sean. Lumabas siya sa bathroom ng naka towel lang. Ang hot niyang tingnan!

"Gusto mo ulit?" nakangiting sabi ni Sean habang ibinabalandra ang kaniyang katawan sa harapan ko.

"Oo— ha? Hindi! Pinagsasabi mo d'yan." Ang lakas talaga ng topak niya!

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon