Andito ako ngayon sa Manila kasama si Mommy dahil sasamahan ko siya sa agency. Balak kasi ni Mommy mag-ibang bansa kasama si Daddy tapos kapag okay na 'yung magiging buhay namin doon susunod ako kasama ang anak ko. Baka pagkapanganak ko ay susunod na agad kami roon.Nagtext sa akin nung nakaraan si Tria. After pala namin umalis ng Manila ay nalaman pala ni Sean na buntis ako. Walang hiya talaga. Paano naman nalaman ni Sean?
"Mommy magmall muna tayo. Please? Matagal pa naman ikaw d'yan." sabi ko kay Mommy.
"Sige 'nak. Malapit lang naman ang mall dito. Namimiss ko na rin magmall dito. Alam mo naman masyado tayong naging busy."
"Sa babies section lang po ako ha," Excited na ako mamili ng mga gamit para sa baby ko. Kukuha nalang ako ng pera sa bank account namin ni Sean. Parehas naman namin pagmamay-ari 'yon kaya puwede kong galawin. Ang tanga ko naman kasi. Sa lahat ng maiiwanan ko sa bahay namin ni Sean ay 'yung sarili ko pang ATM card.
All white muna ang bibilhin ko, hindi ko pa rin kasi alam gender. Habang nagti-tingin ako may nakabunggo ako. Shit. Muntik na akong matumba buti nalang napakapit ako sa nakabangga sa'kin.
"Sorry po, sir." I said, alam kong lalaki ang nabangga ko gawa naamoy ko 'yung pabango niya. Kagaya ng pabango ni Sean. Hay nako, si Sean na naman!
"Sir, sa susunod mag-ingat naman po kayo. Paano po kapag may nangyaring masama sa anak ko— Sean?" What the hell? Sa dinami dami ng makakabangga ko bakit siya pa? Bakit siya? Ayoko na siyang makita! Naiirita ako. Ang dami-daming mall bakit ito pa ang napili niya?
"Hindi ko kasalanan kung hindi ka rin tumitingin sa dinadaanan mo. Sa susunod mag-ingat ka." pagkasabi niya ay umalis agad siya at bigla ako na-out of balance kay napa-upo ako ng malakas. Shitt! Biglang kumirot puson ko. Pagtingin ko sa mga hita ko ay may mga dugo.
Ang anak ko!
"Tulong! Sean... help me..." tinatawag ko siya ngunit nakalayo na pala siya. Hindi niya ata ako narinig or wala talaga siyang balak tulungan ako?
"Kapag may nangyari masama anak ko pagsisisihan mo ito!" naiiyak kong sigaw sa kanya. Ayoko ulit mawalan na naman ng anak. Ayaw ko na ulit maranasan 'yung sakit na naranasan ko dati.
Alam ko sa sarili ko na narinig niya ako pero hindi man lang siya tumigil para balikan ako para dalhin ako sa ospital. Pero bago ako mawalan ng malay alam kong may nagbuhat sa akin.
'Wag mo munang iwan si mommy, anak please.
"Mommy, I Love Youu!"
"Mommy, let's play!"
"I love you always, Mommy"
"I'm sorry, Mommy"
"Love ko po kayo ni Daddy."
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" hindi ko maimulat ang mga mata ko pero naririnig ko ang mga nangyayari sa paligid ko.
"Ako po nanay niya. Kumusta po ang anak ko?"
"Yung asawa po ng pasyente andito po ba?" wala niisa ang sumagot sa tanong nung Doctor. I guess he's not here.
""Uhm... Ma'am, Sir, I'm sorry... Our team did our very best to save your baby but the baby didn't survive. Maraming dugo ang nawala sa asawa mo dahil natagalan pa bago niyo na-isugod dito kaya maraming dugo ang nawala at hindi mahigpit kapit ng bata. Ihanda niyo nalang po mga sarili niyo pagkagising ng pasyente. Sorry and condolence." A-ano? Dahil sa narinig ko ay tuluyan na ako nakamulat. Sino kaya ang tumulong sa akin?
"Ang anak ko!" sigaw ko. Napatingin ako sa may sofa at doon nakaupo si Sean. Anong ginagawa niya dito? Tangina, ayaw ko siya makita. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Akala ko wala siya rito pero siya pa ang una kong makikita.
"Anong ginagawa mo rito?! Ang baby ko?!" galit kong sigaw sa kanya.
Baby, 'di ba naandito ka pa sa tummy ni mommy?
"I'm sorry, Frincess. Patay na raw ang baby." Sean said. No! My baby is still alive! He's a liar!
Hayup! Tangina! Bakit sa'kin lagi nangyayari 'yung ganito? Bakit ang anak ko pa?
"Get out! Nang dahil sa iyo nawala anak ko! Kung hindi dahil sa kasamaan ng ugali mo hindi mawawala ang anak ko! Ano masaya ka na?! Ito oh! Gulong-gulo na ang buhay ko! Tangina, Sean! Ginawa ko naman lahat ah?! Bakit ganito?! Bakit ginagawa sa akin ito?! Ang anak ko! Get out! Demonyo ka ! Demonyo ka!" sigaw ko. Ang baby ko! Hindi ba sabi ko sa iyo baby 'wag mo munang iwan si Mommy? Kung ganito lang ang mangyayari sana sumunod nalang ako sa iyo. Ikaw na lang ang pinakukunan ko ng lakas anak. Ngayong wala ka na ano pa ang silbi ng buhay ko?
Gusto ko umalis dito. Ayoko muna bumalik. Magpapa-alis lang ako ng sakit ng nararamdaman at kapag okay na ako ay babalik din agad ako. Pagbalik ko magtatrabaho ako para may mai-tulong ako sa parents ko pero hindi muna sa ngayon. Nagluluksa pa rin ako. Sino bang gustong mawalan ng anak? I don't want to see some bloods from now on because it will reminds me of how I lost my unborn child.
I love you baby. Mommy loves you so much.
Na andito ako ngayon sa lapida ng aking first baby. Pagkalabas ko ng hospital ay dito ako dumaretsyo.
Baby Villa Loxin
Born: March 16 20**
Died: March 16 20**Labag sa loob ko ngayon na Villa Loxin ang nakalagay dito. Wala na akong magagawa dahil nakalagay na ito. After all Villa Loxin naman talaga siya at dugo ng Villa Loxin ang dumadaloy sa kanya eh. Hindi naman kasi ako ganoon kasama, hindi gaya nung tatay niya.
Good bye from now my babies... babalik din si Mommy. Pangako... I'll never forget you.
My two unborn babies... sana iguide niyo si Mommy ha. Damay niyo na rin ang daddy niyo. Sana maging anghel na 'yon pagbalik ko.
Babalik din ako ngunit hindi ko lang alam kung kailan. Siguro kapag buo na muli ang puso ko.
Ang pagmamahal ko sa daddy niyo ay unti-unti nang nawawala. Nagf-fade na kung baga. Pero may parte pa rin siya sa puso ko.
Good bye, babies. Lagi ko kayong ipagdarasal. Sayang at hindi niyo man lang nakita itong mundo. I love you, my children.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...