Prejudiced Love 27

10K 154 6
                                    


Naririnig ko na ang paligid ko pero hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko. Amoy ko na rin ang lugar kung nasaan ako— amoy ng hospital.

Ilang saglit ang nakalipas at saka ko pa lang naimulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Sean. Gusto kong tanungin kung ano ang nangyari ngunit hindi ko magawang makapagsalita. Para ba akong napipi.

"Cess..." Tawag ni Sean sa akin pero hindi ko siya pinansin. Agad kong hinawakan ang t'yan ko at saka tiningnan. Wala na ang umbok dito.

"W-what happened?" Nanghihina kong tanong kay Sean. Tumutulo na rin ang mga luha ko.

"Kinakailangan ilabas agad si baby. Sobrang stress at nag-highblood ka raw kaya gano'n. Buti na lang sumunod agad ako sa'yo dahil kung hindi agad ako nakasunod sa'yo baka wala na ang baby natin." Mas lalo ako napaluha sa narinig ko. My baby doesn't deserve what happened. Lumapit sa akin si Sean at saka niya ako niyakap.

"Where's our baby?" Tanong ko rito habang nakayakap pa rin.

"Incubator... the doctor said she was premature." Patuloy pa rin ang pagluha ko sa mga sinasabi ni Sean. My poor baby...

"I want to see her." Tumango naman si Sean. Tinanggal ko ang yakap ko sa kaniya para tawagin niya ang nurse na p'wedeng mag-assist sa amin.

Nang dumating ang nurse ay may dala itong wheelchair para sa akin. Hindi ko pa kayang maglakad.

Buti na lang ay hindi kalayuan ang NICU. Pagkarating namin doon ay napaluha na naman ako. Nadudurog ang puso kong makita na nasa loob ng incubator ang baby ko.

"Hi, Mommy and Daddy, that's your baby girl." Sabi sa amin ng nurse roon.

"She's so beautiful, Sean. She looks like you." Kung p'wede ko lang talaga yakapin ang baby namin niyakap ko na siya nang mahigpit.

"I want to name her Amiera." Sabi ni Sean habang nakatingin din sa anak namin.

"Amiera? Saan mo naman napulot 'yan?"

"It is an Arabic-derived name. Amiera's definition is princess." Amiera... what a beautiful name.

"I love it. Gusto ko rin sana dagdagan pa ng name na ang meaning ay miracle or blessing." Sa loob ng eight months ay hindi ko napaghandaan ang pangalan ng baby namin!

"What about Gia, it means God's gracious gift or
Ayah, a miracle one." Gia? Ayah? Parehas maganda. Hindi ako makapili sa dalawa!

"Ang hirap naman mamili..."

"Pagsamahin na lang natin. Let's name her Amiera Giayah." Wow. I'm speechless. Ganito pala pakiramdam kapag sabay niyong pinag-iisipan ang pangalan ng anak niyo.

"Amiera Giayah... it's so perfect, Sean!" She is as beautiful as her name.

"Xièxiè nǐ gěi wǒ yīgè piàoliang de nǚ'ér, Sean." Nagulat yata si Sean sa bigla kong pagsasalita ng Chinese. Thank you for giving me a beautiful daughter, Sean.

"Bù, wǒ cái shì yīnggāi duì nǐ shuō nà jù huà de rén." Napangiti naman ako sa sinabi niya. No, I'm the one who should saying that to you.

Ilang minuto pa kami nag-stay bago ako nag-aya bumalik sa room. Kahit ayaw kong iwanan ang anak ko roon, wala naman ako magagawa.

"Cess..." Tawag ni Sean after kong makahiga sa hospital bed.

"Wèishéme?" Why?

Lumapit si Sean sa akin. Inilapit niya rin ang mukha niya sa mukha ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang labi niya sa mga labi ko. Hahalikan ko sana siya pabalik nang biglang magbukas ang pinto kaya naman naitulak ko si Sean.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon