Dalawang araw na simula nung nakabalik kami rito sa Pilipinas. Nakakapanibago ang klima kahit ilang araw lang kami nawala. Nagpahinga kami sa dalawang araw na 'yon at ngayong araw back to normal na kami.Ang dalawang bata ay papasok na pati na rin si Sean. Sinabi ko kay Sean na gusto ko rin bumalik sa trabaho pero pag-iisipan pa raw niya. Pagalingin ko raw muna ang mental health ko. Kaya ito ako ngayon papunta sa doctor ko.
Hindi rin pala namin napagusapan ang tungkol sa pagpapakasal ulit. Hindi rin naman kasi niya ino-open.
Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso na ako sa office ni Doc. Sa nakalipas na mga araw, nakatulong ang paggala namin family dahil hindi ko na masyado nadadamdam ang pagkawala ng anak ko.
Naiisip ko siya bago matulog pero hindi na katulad nung dati na sobrang sakit na kailangan kong mawalan ng gana sa lahat. Hindi ko na napapabayaan ang sila Shine at Shawn.
Pagkarating ko ay sinabi ko kay Doc lahat ng naramdaman ko. Gusto ko na talagang gumaling. Gusto ko maging mabuting ina sa mga anak ko. Ayaw ko silang bigyan ng trauma na dadalhin nila sa pagtanda.
"Pero bakit gano'n, Doc... Mahal ko pa rin naman ang asawa ko pero hindi ako handa magpakasal ulit. Pakiramdam ko mas masaya ako na mag-co-parent kaming dalawa ngayon."
"Siguro dahil mas gusto mo mag-build ng strong and healthy sa relationship niyo dahil na rin sa nangyari sa inyo sa past. Other reason din is you need to prioritize yourself na hindi mo nagawa noon, napabayaan mo ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo sa past. Okay lang na hindi ka pa ready magpakasal muli. Every person has their own timeline for big life decisions such as marriage. Hindi kailangan magmadali. You need to give yourself time and space to make such commitments. Your reason is valid. Your feelings are valid." That makes me cry but at the same time... it comforts me.
"Thank you..." Sabi ko rito after nung mga sinabi niya. May ilan pa kaming pinag-usapan. After no'n ay umuwi na ako. Wala rin naman ako gustong puntahan.
Nang makauwi ako sa bahay ni Sean ay agad ako dumiretso sa kwarto namin. Wala naman ako masyado ginagawa pero parang pagod na pagod ako. Tutulog sana ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko ay may nag-text.
From: Sean
Let's date later. Sa mga Mommy raw tutulog ang kambal.
Date? Talagang ginagamot niya ang teenage heart ko. Pinaparamdam niya talaga na bumabawi siya. Sana 'wag na ulit siya magbabago or bumalik sa dating ugali niya nung newlyweds pa kami.
To: Sean
Okay.
Pagka-send ko ay binitawan ko na ang phone ko at napagdesisyonan kong mag-shower muna bago matulog. Hindi na muna siguro ako kakain ng lunch dahil hindi pa naman ako nagugutom. Saka na lang ako kakain kapag nagutom ako.
Habang inaayos ko ang sarili ko, hindi ko mapigilan isipin na okay rin pala na magkaroon ng me time paminsan-minsan.
Pagkatapos ko ay agad akong humiga sa kama at tiningnan ang phone ko kung may mga message ba. Pagtingin ko mayroon nga, galing kay Sean at Tria. Una ko muna binuksan 'yung kay Sean.
From: Sean
Cold mo naman.
Miss na agad kita. I'll see you later.From: Tria
Bonding tayo bukas tatlo. mwa mwa
Sineen ko lang 'yung message ni Sean tapos nag-okay naman ako kay Tria. Miss ko na rin ang dalawang best friend ko. Ang tagal na rin nung nagkita-kita kami ng buo.
Hay, life...
"Cess... babe... wake up." Agad akong nagising ng maramdaman kong may gumigising sa akin. Pagmulat ko ay mukha agad ni Sean nakita ko.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Любовные романыCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...