Tatawagan ko sana si Shun kaso naisip ko huwag na lang. Ayaw kong maka-istorbo sa kaniya. Mas okay na rin ang mag-isa ako para naman makapag-isip ako nang maayos.Kailan kaya matatahimik muli ang buhay ko? Kapag talaga kasama ko si Sean, 'di na naging peaceful.
Dahil sumasakit na ang paa ko kakalakad, napagdesisyonan kong bumalik na lang sa hotel. Bakit ba ako ang nag-walk out? Si Sophia dapat 'yon!
Nang makabalik ako sa room ay laking gulat ko nang makita ko si Sean! All this time akala ko kasama niya si Sophia. Nasanay ako na roon siya lagi sumasama.
"Frincess..." he said, tiningnan at saka ko siya tinitigan.
"Bakit wala ka kay Sophia?" tanong ko sa kaniya. After kong sabihin 'yon ay dumiretso na ako sa kama at saka umupo. Lakad ka kasi nang lakad, Cess! Ayan tuloy ang sakit ng paa mo.
"I sent her home. Alam ko na rin ang totoong nangyari. Sinabi sa akin nung totoong nakakita." Saan kayang home sinasabi nito?
"Mas lalong magagalit sa akin 'yon sa ginawa mo ngayon." Sabi ko rito. Kilalang-kilala ko na 'yung bruhang 'yon. Sa akin na naman ibubuhos ang galit niya.
"I'm very sorry, Cess. And please... huwag ka mag-walk out basta-basta. I'm worried about you and our baby." Ano ba 'yan! Ang love language ko yata ay words of affirmation. Hindi naman ako si Queen Elsa na yelo 'no! Natutunaw din ako.
"Sean..." Tawag ko rito, may naisip kasi akong scenario sa utak ko. I'm curious sa answer niya.
"Yes? Do you want or need something?"
"What if... parehas kaming need ng emergency ni Sophia... anong gagawin mo? Sino una mong pupuntahan at tutulungan?" Umiwas ako ng tingin dito dahil ayaw ko makita ang mukha niya. Bakit ko ba tinanong pa 'yon? Mukhang natigilan siya sa tanong ko.
"Huwag mo na lang pala sagutin." Ang tagal niya mag-isip. Naiinip ako sa kakaintay. Saka biglang nagbago ang isip ko, ayaw ko marinig ang sagot niya.
"Nagugutom ka ba? Baka may gusto kang kainin." Tanong ni Sean sa akin. Nagugutom ba ako? May gusto ba ako kainin? Mukha naman walang cravings ang baby ko. Gusto ko lang mahiga at matulog nang matulog.
"Wala naman." Pagkasabi ko ay humiga na ako sa kama. Tumango lang siya at humiga na rin sa tabi ko.
Sa ilang minuto na tahimik kaming dalawa ay biglang nag-ring ang phone nito. Nang kinuha niya ang phone niya ay sumilip ako ng patago para tingnan kung sino ang tumawag sa kaniya. Pagkabasa ko sa name nung caller ay napairap ako.
"Sagutin mo na agad. Naririndi ako sa ingay." Sabi ko kay Sean. Ano na naman kaya kailangan nung bruha kay Sean?
"Ohh... I'm sorry." After niyang sabihin 'yon ay sinagot na niya ang tawag. Ni hindi man lang umalis sa puwesto niya. Aware ba siyang maaari kong marinig 'yung usapan nila?
"Hello? Why did you call, Sop?" Napairap na naman ako. Kung gusto niya pala si Sean edi sana hindi niya pinakawalan, ginamit at hindi humanap ng iba noon! Ang tanga lang!
Dahil nakakaramdam ako ng inis tumagilid ako sa pagkakahiga at kumuha ng unan para takpan ang isa kong ear. Ayaw kong marinig ang usapan nila!
Habang hinihintay kong matapos ang pag-uusap nung dalawa, nakatulugan ko na ang paghihintay. Nagising na lang ako na magka-cuddle kaming dalawa ni Sean! Hindi pala siya umalis.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Roman d'amourCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...