May pasok na naman ako kaya naman maaga akong gumising. I look around, and it still doesn't sink in that I'm back in my room at my parents' house. Nothing much has changed in the things I have here. I missed this place. I remembered several things that happened here. This is the place where I cry and laugh the most.How did I get back here? Well... after igala nila Daddy ang twins ay umuwi kami sa apartment namin para lang kuhanin 'yung mga gamit namin doon since dito na ulit kami titira. Buti na lang kaunti lang gamit namin.
"Nanay! Are you awake na po?" Narinig kong sabi ni Shawn habang kumakatok sa pintuan ng room ko.
"Yes, anak. I'm off to work now." Pagkasabi ko ay pumunta na ako sa may pintuan at inopen ito.
"Did you eat your breakfast na po?" Sabi naman ni Shine. Halatang antok pa ang baby girl ko.
"Hindi pa mga anak. Bakit naman ang aga niyong gumising?" Hindi ko sila katabi dahil nag request ang twins sa Lola and Lolo nila na hiwalay silang room sa akin dahil malalaki na raw sila.
"Gusto po namin sabay-sabay po tayo kumain!" Ang inaantok na mukha ni Shine ay nawala at napalitan na ito nang pagiging hyper.
"Ginising niyo na ba sila Lolo and Lola niyo?" tanong ko sa kanila habang papunta kami sa kitchen. Nakakamiss din pala tumira sa malaking bahay. Pero mas pipiliin ko pa rin 'yung sakto lang dahil ang hirap maglinis ng ganitong kalaking bahay. Kapag talaga naranasan mo ang pagiging mayaman at mahirap magbabago talaga preference mo. Maaappreciate mo lahat kahit maliliit na bagay.
"Sila po ang nagluluto, nanay. Tinulungan nga po namin sila." sabi ni Shawn.
"Ang bait at ang sipag naman ng babies ko. Pahug and kiss nga si nanay." Agad naman nilang ginawa ang sinabi ko.
After namin kumain ay nagmadali na ako umalis ng bahay dahil ayaw kong malate. Ang pangit naman tingnan kung mas mauuna pa sa akin ang boss ko.
Binigyan din pala ako ni Daddy ng car para gamitin kong service papunta sa work. Actually puwedeng-puwede na ako hindi magwork kaso ayaw ko naman umasa sa magulang ko.
After ilang minutes lang ay nakarating na ako sa company. Hindi naman kasi masyado malayo 'yung bahay namin dito. Binati ko 'yung mga guard at ilang workmates kong nakakasalubong.
Pansin ko sa mga nagwowork dito ay kaunti lang ang mga late dahil takot ang mga ito sa boss namin. Ako nga na dating asawa takot na takot, sila pa kaya?
"Ms. Sheen nauna na nga pala sa'yo si Sir Sean. Ang aga niyang pumasok ngayon." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Guard. Ano kayang trip ni Sean at napakaaga naman pumasok?
"Ahh... gano'n po ba? Thank you po sa pag-inform."
Nang makarating ako sa aking desk ay inayos ko muna ang aking mga gamit na dala. Bago ako natulog kagabi ay inayos ko na 'yung whole day schedule ni Sean. Ang dami niya nga meeting ngayon. Iyon pa naman pinakaayaw ko, 'yung nalabas kasama siya. Mas gugustuhin ko pa mag encode kaysa kasama siya 'no.
Habang busy ako sa ginagawa ko ay lumabas si Sean sa kaniyang office. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya.
Ang guwapo niya talaga... kamukhang kamukha niya si Shawn.
"Are you done looking at me, Ms. Secretary?" Napaiwas agad ako dahil sa sinabi niya. Nakakahiya!
"Sinong may sabing tinitingnan kita?" Hindi tuloy ako makatingin ulit sa kaniya dahil sa kahihiyan.
"If you say so... anyway, kindly cancel all my meetings this morning."
"Uhm.. noted, Sir. Ano pa po ipapagawa niyo?"
"Wala na." Buti naman. Ang dami-dami niyang pinagawa nung nakaraan buti na lang natapos ko rin. Papasok na ulit siya sa kaniyang office nang magdecide ako na iopen ang topic about sa mga anak namin.
"Sir!" tawag ko rito. Wala na 'tong atrasan! Kaya ko naman siguro 'to. Bahala na sa mangyayari after nito.
"Yes, Ms. Secretary?" Kinakabahan ako! Parang gusto kong umatras.
Isipin mo na lang na para sa mga anak mo 'tong gagawin mo, Cess.
"Kailan niyo po gusto makilala sa personal ang mga anak ko?" Habang sinasabi ko 'yon ay kung saan-saan ako nakatingin.
"Why did you suddenly change your mind? And it's not 'anak mo', it's supposed to be 'anak natin', hindi lang ikaw mag-isa gumawa sa mga bata." Nakakainis talaga siya madalas.
"Why don't you just answer me?" Nagtatanong ako tapos sasagutin niya ako ng tanong din?
"After work I want to meet them." Tumango na lang ako sa kaniya at bumalik na sa ginagawa ko. Papaano pa kaya ako makakapagfocus nito?
Okay, Cess, wala na 'tong atrasan!
Paano kaya gagawin ni Sean after nila magmeet ng mga anak namin? Hay nako! Dapat mag-usap muna kami ni Sean kung ano mga plano niya!
"Uy, Sheen!" Lumingon ako doon sa tumawag sa akin nang mapansin kong si Mia pala 'yon. Ano kaya kailangan niya?
"Kung chismis 'yan mamaya na lang sa lunch." Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Loka! Gusto ko lang iinform ka at sabihin mo kay Sir Sean na papunta na 'yung Daddy niya dito sa office." Si Dad— este si Tito?! Jusko! Ano ang mukhang ihaharap ko sa kaniya?
"Bakit hindi na lang ikaw magsabi n'yan kay Sir Sean?"
"Andito ka naman e. Saka ikaw ang secretary niya. Ikaw na bahala ha. Bye!" Si Mia talaga!
Dahil nakaalis na si Mia, wala na akong choice kaya ako na magsasabi kay Sean. Sana naman huwag awkward sa loob.
Kakatok sana ako nang mapansin kong hindi masyado nakasarado ang pinto. Hindi ko sinasadyang mapasilip sa loob... may kausap si Sean at medyo rinig ko ang sinasabi niya.
"What else do you want? Of course, I'll buy it for you."
"I'll call you later. I love you." Ouch. 'Di naman masakit sa heart. Panigurado si Sophia 'yon. Sa kaniya lang naman masaya si Sean e. She's the reason why he is happy and motivated.
"Stop hurting yourself, iha." Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod ko. Pagharap ko ay si Tito pala 'yon!
"Tito..."
"Kumusta ka, Cess? Long time no see." nakangiting tanong ni Tito. Carbon copy niya si Sean. Kung ilalapit sa kanila si Shawn aakalain mong anak din siya ni Tito.
"I'm good, Tito. Kumusta po kayo?"
"I'm good, too. Cess, I want to grab this moment to say sorry sa ginawa ko sa past. Hindi ko naman 'yon totoong ginawa pero gusto ko mag sorry dahil alam kong may emotional damage ito sa'yo."
"Pinapatawad ko na po kayo doon, Tito. Sinabi na rin po nila Mommy sa akin 'yung naging plano niyo. Tito... if you don't mind po... alam po ba ni Sean 'yon?" Isa si Tito sa kilala ko na mabait. Ewan ko lang bakit gano'n 'yung anak niya.
"He doesn't know, iha. Sobrang lapit nung traydor sa kaniya." Malapit? Sino naman?
"Sino po ba 'yung sinasabi niyo?" Ang chismosa mo, Cess! Bigla ko tuloy gustong bawiin ang tanong ko.
"Mas mabuti pang hindi mo alam, iha." Magsasalita sana ako nang biglang buksan lalo ni Sean ang pinto. Narinig kaya niya usapan namin ni Tito?
"Dad, andito ka na pala. Bakit hindi kayo pumasok agad?" Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya kaya todo iwas ako ngayon.
"Kinausap ko lang si Cess." nakangiting sabi ni Tito habang tinatap ang isang shoulder ni Sean.
Dahil mukhang may pag-uusapan 'yung dalawa kaya naman nagpaalam na ako sa kanila at lumabas.
Habang pabalik ako sa desk ko ay hindi ko maiwasan isipin ang narinig ko kanina.
Si Sophia pa rin kahit ilang taon na ang lumipas. Aware naman ako noon na si Sophia ang mahal niya. Ang hindi ko lang sure kung nagkikita ba talaga sila habang kasal at magkasama kami sa iisang bahay ni Sean. Feeling ko kasi nagkikita sila.
Hanggang co-parenting na nga lang siguro kami ni Sean. Sa narinig ko, impossible na talagang mabigyan ko ng isang buong pamilya ang twins. Wala kami sa isang libro kung saan kapag tinaguan ng anak tapos pagbalik mo mahal na mahal ka na niya.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...