Ayaw ko muna umuwi sa mga magulang ko kasi baka mahanap ako ni Sean at makilala na niya ang mga anak namin. Miss na miss ko na si Mommy and Daddy pero hindi ko pa talaga kaya magpakita. I'm too scared. There's too many what if's running on my mind.Bakit gano'n? Kahit anong takbo ko, pilit na pinaglalapit pa rin kami ng tadhana? Kailan kaya ako makakalaya sa kaniya? 'Yung talagang free na free na ako. Kapag ba namatay ako saka lang ako makaka-alis?
Malakas kasi pakiramdam ko na hanggang ngayon ay tila ba ayaw ako pakawalan ni Sean. Para bang pakiramdam ko nakatali pa rin ako sa kaniya. Parang anytime babalik ay babalik ako.
Pero kahit anong sabihin ko alam ko naman ang dahilan, gusto niya lang ako parusahan ng mabuti. Dahil lang sa kinuha ko ang freedom niya? Ba't hindi 'yung ama niya ang parusahan niya? Tutal 'yung ama niya naman ang may kagustuhan ng lahat! Nakakagigil. Gusto ko maghiganti pero naiisip ko na hindi ako gagaya sa kaniya.
Lagi ko tinatandaan na hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na gumanti, pinalaki ako ng magulang ko na 'wag magtatanim ng galit. Pero ano magagawa ko? Kahit ayoko magalit, nagagalit ako. Dahil sa kaniya natuto ako magalit ng ganito!
Selfish na kung selfish kung pinagkaitan ko ng ama ang mga anak ko. Ano magagawa ko kung puro negative ang napasok sa utak ko? Saka siya naman may sabi na ayaw niya kung sakali magkaka-anak kami.
Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa labas ng company. Pamilyar pa rin sa akin ang lugar na ito.
How can I forget this building? It used to be ours.
Ginala ko ang paningin ko at may nahagilap ang mga mata ko na pamilyar sa akin. Ang sakit isipin na itong kinatatayuan ko ngayon ay kung saan nakatayo ang dati naming kumpanya. Ang kumpanya na kinuha sa pamilya ko. Nakakalungkot at ang sakit talaga isipin na hindi na namin ito pagmamay-ari.
Ang kumpanya namin ay parang lovelife ko lang. Dati ako ang asawa ay may karapatan ako tapos ngayon pagmamay-ari na ata ng iba ang lalaking minahal at pinakasalan ko.
Habang pinagmamasdan ko nang tingin. ang paligid ay bigla kong namimiss sila Mommy at Daddy. Miss na miss ko na talaga silang kasama dahil mahigit limang taon ko sila huling nakita.
Naisip ko na naman si Sean. Gusto ko maranasan ng mga anak ko na may ama pero tuwing naiisip ko na napakasama ng ugali ng ama nila... huwag na lang. Tinataas ko ang pride ko kapag naiisip ko iyon. Ba't gano'n? May time na ang rupok-rupok ko. 'Di ko na talaga maintindihan sarili ko.
"Huwag kang umasa na mamahalin kita. Always keep in mind that you are just my wife on papers. Kaya 'wag mo akong pakialaman sa mga gusto kong gawin. I don't give you some rights." Sabi ni Sean sa akin at palabas na ito ng bahay namin ngunit pinigilan ko ito.
Magpapalamig siguro ng ulo 'to kaya lalabas ulit siya. Lagi naman gano'n ang ginagawa niya e.
"No... Huwag ka naman ganiyan, Sean..." pagmamaka-awa ko sa kaniya. Halos lumuhod na ako sa pagmamaka-awa ko. Kahit kailan hindi ako lumuhod at nagmaka-awa ng ganito. Hindi ito 'yung Frincess na kilala ko. Nagbago na nga ata ako. Ang pagmamahal... babaguhin ka nito sa paraan na hindi mo aasahan.
"Lumayas ka sa harapan ko. Ayaw kong masaktan kita ng pisikal kaya nakikiusap ako sa'yo. Leave me alone." Para akong si Cinderella kaso kabaligtaran nga lang niya kasi ang Prince Charming ko pa ang nananakit sa akin. Hindi pisikal pero ang sakit kaya niya magsalita. Nakaka-inggit 'yung mga swerte sa lovelife.
Bakit gano'n? Sa fairytales lang ang may happily ever after. Totoo nga siguro 'yung kasabihan na, kapag ikinasal ka ay hindi pa 'yon ang happily ever after. Nagkakamali tayo sa paniniwala na 'yon dahil ang kasal ay 'yon palang ang kauna-unahang kabanata.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...