Prejudiced Love 40

6.8K 75 5
                                    


We're now heading to Osaka's Universal Studios. Super excited ulit ang kambal dahil favorite talaga nila ang kahit anong amusement park. Pati ako ay na-e-excite dahil naandito ang harry potter theme. Bago nga kami pumunta rito ay pinapanuod ko ang kambal ng ilang film ng harry potter, mukha naman nagustuhan nila.

Sabi nga sa nabasa ko noon, if you want to bring the wizarding world to life, Osaka's Universal Studios is a must visit. Excited din ako tikman ulit ang famous butterbeer. Habang tinitingnan ko ang kambal ay napapangiti ako nang sobra-sobra. Iba talaga ang saya kapag anak mo ang kasama sa ganitong moments.

Kung totoo man ang other life, sana ako pa rin ang nanay nila.

"Cess!" Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala kami. Nauna na bumaba ang mag-aama. Hindi na mapigilan ang pagka-excited ng mga anak ko. Kung hindi pa ako tinawag ni Sean, hindi ko pa mapapansin.

Nauna na maglakad sila Sean samantala ako ay nagpapahuli para makuhanan sila ng mga litrato. I'll print this when we return back to the Philippines. Nang may magandang picture spot akong nakita ay nagpa-picture kaming pamilya. Buti na lang isinama ni Sean ang isa sa katulong. Panigurado sobra kaming mahihirapan mag-alaga kapag sinumpong ng kakulitan ang magkapatid.

"Harry Potter muna tayo." Sabi ni Sean at pagkatapos no'n ay hinawakan niya ang kamay ko. Mga galawan talaga.

Para talagang bumabalik ako sa pagkabata kapag nasa ganitong lugar ako. Sobra talaga ako nagpapasalamat na nadala ko ang kambal dito. Deserve ng mga anak ko na maranasan ito. So far hindi ako nagsisisi na ipinakilala ko ang kambal sa ama nila. Buti na lang ay hindi gaano kasamang tao si Sean. Nanaig pa rin ang kabutihan sa puso niya.

Habang pinagmamasdan ko ang Hogwarts Castle ay hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa ganda nito. Kapag naandito ka ay feeling mo belong ka rito. Dapat pala ay ibinili ko ang pamilya ko ng harry potter theme na damit. Ang paligid ay mukhang may magic.

Nang makapasok kami sa loob ay mas lalong natuwa ang kambal. Una nilang napansin ang sinasabi nilang main attraction which is 'yung Harry Potter and the Forbidden Journey.

"Nanay, gusto po namin ni Shawn i-try 'yung ride na 'yon." Sabi ni Shine habang nagpapa-cute sa aming dalawa ni Sean.

"Bawal pa yata kayo ro'n" Eight pataas daw kasi ang allowed sa ride na 'yon.

"Nanay, p'wede po kami kasi nasa 48 inches naman po kami ni Shine." Sabi naman ni Shawn sa amin. Kapag talaga may gusto ang magkapatid ay nagtutulungan ito.

Wala na akong nagawa nung pumayag ang ama nila. Ano pa nga ba choice ko? Eh 'di ang samahan sila.

Nang matapos namin ang Harry Potter and the Forbidden Journey ay sa Hogsmeade Village naman kami nagpunta. Ito talaga inaabangan ko. Kung noong nakaraan ay ang kambal ang maraming binibili, panigurado ngayong araw, ako ang maraming bitbitin. Ollivanders Wand Shop talaga ang isa sa ni-lo-look forward ko ngayon. Gusto kong bilhan ang sarili ko at ang kambal ng wand. Para kapag pinanuod na ulit nila ang Harry Potter movies, ma-feel nila.

Habang naglalakad at nagtitingin kami sa iba't-ibang shop na nadadaanan namin, magkahawak-kamay pa rin kami ni Sean. Si Shawn ay nakahawak sa kabila kong kamay samantalang si Shine ay sa ama niya nakahawak.

Pagkatapos namin sa Harry Potter world ay pinuntahan at sinakyan na namin ang iba't-ibang klase ng rides na naandito sa Universal Studios. Nakapanuod din kami ng iba't-ibang performance rito. Kaya naman nung mag-night na ay pinagbigyan namin ang kambal na manuod ng fireworks display.

"Thank you, nanay and daddy!" Sabay na sabi ng kambal. Niyapos naman namin ni Sean silang dalawa at kiniss na rin sa cheeks nila.

Hindi naman kami nahirapan umuwi dahil may binook si Sean na malapit na hotel dito sa Universal Studios. Hindi ko na tinanong kung magkano dahil wala naman akong pambayad doon. Trophy wife ang peg ko ngayon.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon