Prejudiced Love 48

5.7K 68 3
                                        


Kakatapos lang ng check up ko sa aking psychiatrist. Everything is okay. Malaking tulong ang environment na mayroon ako ngayon. Wala ako kasama dahil gusto kong mapag-isa. Self time, self date.

Pagkalabas ko ng clinic ay agad akong pumara ng taxi. Request ko kay Sean na gusto ko mapag-isa ngayong araw at buti pumayag siya. Wala rin naman siyang choice kung hindi pumayag. Ang kambal naman ay maagang pumasok sa school.

Napagdesisyonan kong magpa-spa para ma-relax naman ako kahit papaano. Na-miss ko na rin kasi ang ganitong gawain. Ilang taon ko na itong hindi nagagawa.

Nang makarating ako ay agad akong inasikaso ng mga staffs. Buti na lang p'wede ang walk-in dito. Kakapasok ko pa lang pero parang na-re-relax na ako. Ang ganda ng ambiance rito sa napili kong spa.

Ilang oras din ang tinagal ko dahil marami akong inavail na services. Deserve ko talaga 'to! Sisiguraduhin kong lagi akong may spa time. Sana pala noon ko pa ito ginawa. Tunay na nakakawala ng stress ang pag-spa. Stress free na, relaxing pa.

Nang matapos ang agenda ko sa spa ay dumiretso na ako sa mall na malapit doon. Nag-taxi ulit ako para less hassle, med'yo malayo rin kapag nilakad ko. Hindi na sana ako mag-mall kaso nakaramdam ako ng gutom. Habang nasa byahe ay nag-crave ako ng ramen. Nakaka-miss tuloy ang Japan.

Busy ako sa pagtingin sa mga building na nadadaanan ng may nag-text sa akin. Agad ko naman kinuha ang phone ko sa bag.

From: Sean

Kumusta? Don't skip your lunch. Take care & i miss you so much na.

Grabe! Miss niya na agad ako? Ilang oras pa lang naman kami hindi magkasama. Sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, lumalala ang pagiging clingy ni Sean.

To: Sean

Otw na me sa mall to eat my lunch. Ikaw rin kain ka na!!

Isang minuto pa lang ay nakapag-reply na agad ang loko. Napatingin ako bigla sa orasan ,unch time na nga pala kaya may time ito na lumandi.

From: Sean

Where's my i miss you too?

To: Sean

Bakit? Miss ba kita?

After ko mag-reply ay saktong nakarating na ako sa mall. Nilagay ko muna sa bag ko ang phone at saka nagbayad na sa taxi na sinakyan ko. Grabe na talaga ang presyo sa panahon na ito. Super mahal na! Mamaya ay mag-Grab na ako.

Pagpasok ko ng mall ay agad ko na pinuntahan 'yung sikat na kainan dito ng ramen. Ang rami kong gustong kainin! Mamaya ay mag-food trip ako. Malakas loob ko gumastos dahil hawak ko ang ilang cards ni Sean. Ayaw niya pagastos 'yung mga inipon ko. Pakiramdam ko talaga isa siyang sugar daddy.

Nang makarating ako sa ramen restaurant ay agad akong umorder. Ilang minuto lang yata hinintay ko nang i-serve nila ang food ko. 'Yung amoy ng ramen ay tinatakam talaga ako! Nag-pray muna ako bago ako kumain. Pagkatikim ko... tama nga ang judgement kong masarap ang ramen nila. Pero mas masarap pa rin talaga 'yung kinain namin sa Japan.

Pagkatapos ko sa ramen ay agad ako dumiretso sa bilihan ng mango shake. Bigla kasi ako natakam nung may nakasalubong ako na umiinom. Grabe talaga ang cravings ko ngayong araw.

Nag-ikot-ikot muna ako at saka inubos 'yung mango shake bago ako pumasok sa mga store. Inuna kong pinuntahan 'yung Hermes. May nagustuhan kasi akong slippers.

Nagtanong muna ako kung available ba 'yung gusto kong item at saka ako nagtingin-tingin kung may gusto pa ba akong idagdag. Ilang sandali lang ay bumalik na 'yung pinagtanungan ko bitbit 'yung item. Buti na lang ay available pa 'yung gusto ko.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon