This is the day I don't want to come the most. Ito na kasi 'yung huling araw ni baby dahil ilalagay na namin ito sa museleo slash inurnment. Ang hirap pa rin niyang pakawalan. Mahirap pero kailangan. Mahirap pero kakayanin."We need to let her go." Sean said and then tumango ako sa kaniya. Wala na ako mailuha ngayon. Naubos na yata kakaiyak ko nung nakaraang mga araw.
"Naniniwala ka ba na... the smallest coffins are the heaviest?" Tanong ko kay Sean. Naramdaman kong hinawakan niya ang isa kong kamay. Kailan ba ako masasanay sa ganitong gawain ni Sean?
"Of course. The death of our child is the most heartbreaking..." Naramdaman kong medyo humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Hindi man niya ipakita o sabihin, ramdam ko na pati siya ay sobrang nasasaktan sa nangyari.
"We're going to be okay." I said. Not now but soon. Hopefully.
Naandito na kami ngayon sa cemetery. Mabilis lang kami nakarating dahil malapit lang naman ito sa amin. 'Yung puso ko parang napupunit. Akala ko kakayanin ko... pero hindi pa rin pala.
My baby Amiera...
Akala ko wala na akong iluluha pero mayroon pa rin. Nakatayo ako habang nakatingin sa jar kung nasaan ang anak ko. Habang nakatingin ako roon ay naramdaman ko ang kamay ni Sean sa baywang ko. Nararamdaman ko ngayon ay ang sobrang pagod ng katawan ko... my mental health too...
Maya-maya pa ay nanlambot na ako at biglang nagdilim ang paningin ko. Pero bago 'yon ay narinig ko pa ang mga sigawan.
"Nanay!"
"I love you, nanay..."
"I'm okay, nanay... Amiera is happy!"
I keep hearing those voices but all I see is darkness...
Amiera? My baby... where are you? Mommy is here.
Kahit madilim ay hinahanap ko pa rin kung saan nanggagaling ang boses na narinig ko.
"I love my ate, kuya, and daddy too!"
Anak, magpakita ka sa akin, please.
Hug your nanay... I want your hug, anak.
"Nanay, gising ka na... love na love ka namin ni Shawn." Habang hinahanap ko kung saan galing ang boses ni Amiera ay narinig ko naman si Shine.
"I love you, nanay..." Pagkarinig ko no'n ay naimulat ko na rin sa wakas ang aking mga mata. Ang ilaw ang una kong nakita.
"Cess..." Agad na sabi ni Sean nang makita niyang gising na ako. Naandito pala siya.
"Tatawag ako ng Doctor." Sabi pa niya.
"Nanay, akala po namin iiwan mo rin kami." Daldal ni Shine sa akin. Pinilit kong tumayo sa pagkakahiga at agad ko siyang niyakap pati na rin ang kapatid niya na nasa likod niya.
"I'm sorry mga anak. Hindi ko kayo iiwan... pangako ko 'yan." Kailangan kong maging maayos physically and mentally dahil may mga anak pa akong natitira.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin agad ang Doctor at agad ako chineck. Dahil daw sa stress at nalipasan ako ng gutom kaya ako nahimatay. Sinabi rin nito na mabuting ipagpatuloy ko ang therapy na ginagawa ko.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Sean after makalabas nung Doctor. Ano nga baang gusto ko? Wala ako sa mood kumain pero kailangan.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...