Finally! A day without my grumpy boss a.k.a Sean Miguel Villa Loxin. It's my day off today kaya naman sobrang saya ko. Balak kong igala ang aking dalawang anak. Ilang araw na lang ay pasukan na nila kaya naman igagala ko sila. Deserve nila 'yon.Habang tulog pa 'yung dalawa ay nagluto na ako ng aming agahan. Ang niluto ko ay hotdog, chicken nuggets, egg, and fried rice. Ang aking baby boy kasi nag request kagabi nung favorite niyang ulam na hotdog habang si Shine ang request niya ay 'yung favorite niyang chicken nuggets. 'Yung bantay naman nung dalawa kapag nasa work ako ay wala ngayon dahil andito naman ako.
Ihahain ko na sana 'yung food na niluto ko sa table namin nang biglang may nag doorbell. May tao sa labas... sino kaya 'yon? Huwag naman sana si Sean.
Dali-dali akong pumunta sa may bintana para tingnan kung sino ba 'yon. Omg! Bigla ako naiyak sa nakita ko...
It's my mom and dad. I missed them!
Tumakbo agad ako sa may pintuan namin para pagbuksan sila. Ang tagal ko silang hindi nakita. Ang sama kong anak dahil hindi agad ako nagpakita sa kanila dahil sa takot ko na malaman ni Sean!
"Mommy! Daddy!" sigaw ko sa kanila pagkabukas ko ng pintuan. Pagtingin ko sa kanila ay umiiyak na rin sila kaya naman lumapit ako at niyakap sila nang mahigpit.
"Sorry, mommy... sorry, daddy..." I said while my mom is caressing my hair.
"Don't be sorry, anak. We understand you since it's for your own sake." sabi ni Daddy sa akin.
"How's your life, anak? Is it good or bad?" tanong naman ni Mommy sa akin.
"So far it's okay, Mom, and uhm.. let's continue our chitchat in the kitchen." Ang pangit naman kasing tingnan kung sa labas kami mag-uusap. Saka gising na rin siguro ang kambal.
"Nagbreakfast na po ba kayo?"
"Yes, anak."
"Okay po. Wait niyo po ako rito... may ipapakilala po ako sa inyo." Marahil nagtataka siguro ang parent ko dahil tatlong plate ang nakahain sa table.
After ko magpaalam sa dalawa ay pumunta na agad ako sa kwarto ng kambal. Tama nga ako na gising na sila.
"Good morning, twins!"
"Good morning, nanay!" sabay na sabi nung twins.
"Nagwash na ba kayo?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila.
"May ipapakilala si nanay sa inyong dalawa. Please be good mga anak."
"Sino po 'yon, nanay? 'Yung tatay na po ba namin ang ipapakilala niyo?" tanong ni Shine. Nagulat naman ako sa tanong niya.
"Sorry, Shine... our visitor is my mom and dad, your grand ma and grand pa."
"Don't be sorry, nanay! Okay lang po. Asan po sila?" Halatang nalungkot si Shine na hindi ang ama nila ang bisita namin pero ngumiti naman agad nang malaman na lolo and lola nila ang bisita namin.
"Let's go?"
Magkahawak-kamay kaming tatlo nang pumunta kami sa kusina. Natigilan si Mommy and Daddy nang makita kung sino ang kasama ko.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
Roman d'amourCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...