Prejudiced Love 31

10.7K 191 38
                                    


Nung makarating kami sa bahay ay hindi ako mapakali. Simula nung umalis kami sa restaurant at hanggang ngayon ay umiiyak ako. Napakahirap at ang sakit na naman sa pakiramdam.

Losing a child is heartbreaking...

Nakaramdam ako nang panghihina nung nakita ko na ang urn. Nang makalapit ako roon ay agad kong niyakap ang urn at humagulgol.

"Cess..." Tawag ni Sean sa akin. Lumapit ito sa akin at saka niya ako niyakap. Habang nakayakap ay hinahaplos niya ang buhok ko.

"Anak, kailan mo gustong ilibing sa mausoleum si baby?" Tanong ni Mommy sa akin.

"Gusto ko po three days ang kaniyang wake." Sagot ko kay Mommy. Patuloy pa rin ako sa pagluha. Nayakap pa rin ako sa urn at pati na rin si Sean sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas at saka ko tinanggal ang pagkakayakap sa urn. Pagkatapos kong yakapin 'yon ay tinanggal na rin ni Sean ang pagkakayakap sa akin.

"Kami na ang bahala sa pag-ayos ng kaniyang burial, anak." Sabi nung Daddy ni Sean, ang father-in-law ko. Tinanguan ko na lang ito at saka umalis doon. Dumiretso ako sa kusina ulang uminom dahil nakakaramdam ako nang pagka-uhaw.

Nang makakuha ako ng tubig ay agad ko rin ininom. After ko uminom ay napansin kong ubos na ubos ko 'yung tubig na inilagay ko sa malaking baso. Sa sobrang pag-iyak ko siguro kaya uhaw na uhaw ako.

Habang mag-isa ako rito sa kusina ay ang dami rin pumapasok sa isipan ko. Huwag sana akong bumalik sa dati. Ayaw ko na ulit maging unfair sa kambal ko since hindi nila deserve 'yung gano'n.

"A penny for your thoughts?" Napabalik ang pag-iisip ko sa realidad nang magsalita si Sean.

"H-huh? Wala ito..." Pagkasabi ko no'n ay nagsalin ulit ako ng tubig sa baso at saka uminom ulit.

"You know you can always talk to me about anything. You're not alone in this battle, Cess." To be honest I can feel his sincerity. This is the Sean that I've fallen in love.

"I'm tired. I think I just need some rest." I said and tumango ito.

"Hatid na kita sa room." Hindi na ako nagreklamo pa dahil nga pagod na rin ako.

"Nasaan nga pala 'yung kambal?" Tanong ko kay Sean habang naglalakad kami.

"Dinala muna ni Manang sa kanilang playroom." Simula kasi nung iniwan namin ang kambal dito, ang isang guest room ay ginawa nila Mommy and Daddy bilang playroom nung dalawa. Nung makarating kami sa kuwarto ay nahiga agad ako at pumikit.

Nagising ako dahil sa ingay ng kambal. Nakatulog pala agad ako nung nahiga ako. Pagmulat na pagmulat ko ay ang kambal agad ang tiningnan ko, masayang-masaya sila na naglalaro.

Napansin ng kambal na nakatingin ako sa kanila kaya naman dali-dali silang tumakbo sa higaan at iniwan ang kanilang nilalaro.

"Nanay! Good morning po." Sabi ni Shine na agad yumakap sa akin.

"Good morning po." Yumakap din agad si Shawn after bumati sa akin. Niyakap ko naman sila nang mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam nung yakap nila.

"Good morning mga anak..." Sabi ko sa dalawa habang yakap ko pa rin sila.

"Nanay, kanina ka pa po namin hinihintay! Nasa baba po si Daddy naghahanda po nung foods natin." Talagang pinagsisilbihan kami ni Sean. Wala ba siyang trabaho?

"Kung gano'n ay bumaba na tayo." Tumango naman ang dalawa. Tumayo na ako at nagpunta muna sa bathroom para mag-ayos.

Pagkatapos ko ay bumaba na kami mag-iina. Habang naglalakad ay kapit nung dalawa ang kamay ko, tig-isa sila. Pagpasok namin sa kusina ay amoy na amoy ang niluto ni Sean.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon