Hinabilin ko muna 'yung dalawa kong anak kay Shanai. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ngayon ang interview namin sa Seacess Wines. Sana naman matanggap ako. Naalala ko na naman kung bakit wala ako masyado alam sa ibang company. Masyado kasi ako nagpakatanga kay Sean. Kay Sean umiikot ang mundo ko noon. Mas ginusto ko ang maging housewife kaysa magtrabaho sa kompanya namin.Hindi pa rin ulit ako nagpapakita sa mga magulang ko. Miss na miss ko na sila. Nasaan na kaya sila ngayon? Baka nasa ibang bansa pa rin sila.
Based sa research ko sa google kagabi, ang Seacess Wines ay ipinangalan daw nung CEO sa asawa niya. Ang swerte naman nung asawa niya kasi sigurado mahal na mahal siya nung asawa niya ang kaso si girl iniwan daw si Mr. CEO. Grabe, buti nga siya ipinangalan sa kanya ang company samantala 'yung sa akin? Kinuha! I wonder kung nakarma na ba sila.
"Next, Ms. Amber Bartolome" sabi nung nag-aassist sa interview. Hindi na ako comfortable gamitin 'yung Frincess kaya 'yung ibang name ko ang ginagamit ko right now.
Kaya mo yan, Cess! Fighting! Para sa kinabukasan ng mga anak mo.
Inhale. Exhale.
"Good Morning po, Ma'am!" bati ko, ayoko naman maging rude. Ngumiti naman ito sa akin. Medyo uncomfortable lang ako sa tingin nito sa akin. Kung makatingin kasi para bang kilalang-kilala ako.
"Likewise, Misis— I mean Miss Bartolome. Isa lang naman tanong ko. Bakit sayo dapat mapapunta ang posisyon bilang secretary ng CEO?" Kaya ko ito. Para sa mga anak ko. Ang dali-dali lang naman pala ng tanong. Pero she looks suspicious. Impossible na isa lang itatanong niya.
"Kasi po may dalawa po akong anak, maliliit pa po sila. Ayoko naman po nila maranasan maghirap. Naaawa po ako sa kanila. Ayoko po nakitang nahihirapan sila. Nag-aalala din po ako sa kalusugan nilang dalawa... ayoko naman pong magkasakit sila. Masakit bilang isang ina kapag nakikita mong nahihirapan ang iyong anak. Okay lang po ako ang maghirap 'wag lamang po sila. Gusto ko pong makuha ang posisyon bilang secretary kasi po single mother po ako. Wala po akong asawa dahil matagal na po kaming hiwalay. Ayoko naman po madamay ang mga anak ko kaya po umalis ako at naghanap ng magandang trabaho. Nag-aaral na rin po ang mga anak ko kaya ito na lang po talaga ang pag-asa ko. Sorry ang drama ko po masyado." naiyak kong sabi. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ayaw ko magdrama pero hindi ko maiwasan. Hindi naman sa pagmamaka-awa na tanggapin ako pero I really need this job.
"Nakaka-touch ang sagot mo, Miss Bartolome. You're already hired. Sana huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito." Medyo uncomfortable ako right now kasi feeling ko kilala niya ako! Eh ngayon palang naman kami nagkakilala.
"Nako! Maraming salamat po Ma'am. Hulog po kayo ng langit."
"Wala 'yon. Sa isang araw ka na nga pala magsisimula tapos kinabukasan non ay mami-meet mo na ang CEO. Busy lang ngayon dahil may hinahanap kasi ito. Oo nga pala, minsan ay pagpasensyahan mo nalang 'yung ugali ng CEO natin." Siguro 'yung asawa nito ang hinahanap. Sana all nalang. Ako kaya? Ano ba, Cess! Move on. Pass na 'yon. Tapos na 'yon.
"Okay po, Ma'am." Shit. Kinakabahan ang beauty ko! Bakit pakiramdam ko may mangyayari or baka masyadong paranoid lang talaga ako.
After nung interview ay umuwi agad ako. Miss na miss ko na agad 'yung mga anak ko. Habang pauwi ay napaisip ako na bakit gano'n lang 'yung tinanong sa akin? Saka hindi na masyado binasa 'yung resume ko. Suspicious talaga. Anyway, hayaan ko na lang. At least may work na ako.
Nang makauwi ako ay sinalubong ako ng aking mga anak.
"Nay! Tanggap po ba kayo? Nay, pwede po ba tayo kain sa Jabi? Or kaya po roon sa clown!" Sabi ni Shine pagkadating na pagkadating ko. Hindi ko mapigilan matawa sa pinagsasabi ng anak ko. Kapag talaga naka luwag-luwag na ako talagang babawi ako sa mga anak ko. Sisikapin ko na bigyan sila ng magandang buhay.
"Anong clown, Shine?" tanong ko sa kaniya.
"Oy, Shawn! Ano nga ba uli pangalan non? M-m.." tanong ni Shine kay Shawn.
"McDonalds po 'yon, nanay." Sabi ni Shawn. Ang daming alam ni Shine! Clown? Sabagay clown nga naman si McDo. Sa dalawang magkapatid ay mas matalino si Shawn kaysa kay Shine.
"Naaaay!" Malakas na tawag ni Shine. 'Di ba uso sa anak ko ang pagiging mahinhin? Tapos ang boses akala mo ay nakalunok ito ng megaphone.
"Bakit, anak?"
"Ano po 'yung tanga?" inosenteng tanong ni Shine. Jusko po! Saan niya yan nakukuha? Matutuyo ang dugo ko sa anak ko. Ni minsan hindi ako nagsalita ng mga bad words sa harapan nila. Hindi ko rin naman tinuruan.
"Shine! You're so ingay!" Sabi ni Shawn at hinampas ang braso ng kapatid.
"Shawn, bakit mo naman pinalo ang kapatid mo? Ikaw naman Shine, saan mo natutunan 'yon? Bad 'yon, anak." Saan ba nila natutunan 'yan? Mapapalo ko sila kapag narinig ko pa sa kanila 'yon. Ayaw ko matutunan nila 'yung mga gano'n na salita.
"I'm sorry, nay. Narinig ko po 'yon kay Aling Santita 'yung word po na 'yon." pagpapaliwanag ni Dark. What the hell! Si Aling Santita talaga! 'Yung bunganga niya! Hindi naman siguro namamana 'yon sa ama nilang palamura. Pero kahit na. Hindi dapat nila matutunan 'yon. Naiinis ako! Gusto ko sugurin si Aling Santita.
"Anak, please... ayoko naririnig ko kayo na ginagaya niyo iyong salita ni Aling Santita, okay? Bad 'yon! Kapag narinig ko kayo nagsalita non? Ilalambitin ko kayo patiwarik sa puno ng mangga! Mapapalo ko pati kayo. Maliwanag?"
Natanggap naman ako sa trabaho pero ang mga anak ko naman. Nagsasalita ng masasamang salita. Ayoko na!
"Sorry po, nanay. Hindi na po mauulit. I love you po." sabi ni Shine at niyakap ako.
"Mahal na mahal ko kayong dalawa mga anak."
"Nanay, hindi pa rin po babalik dito si Tatay?" tanong ni Shine. Tinitigan ko ito at halata sa mukha niya nangungulila siya sa ama.
Sorry, mga anak. Sorry kung hindi ko kayo kayang mabigyan ng isang masaya at buong pamilya. If only your father loves me, we will have an amazing and complete family.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...