It's been one week simula nung nag-start kami magtrabaho. Naloloka ako rito! Mas gusto ko pa sa Pilipinas dahil hindi masyadong marami ang trabaho ko roon compared dito.Dahil sa sobrang busy namin ni Sean, hindi na muli naulit 'yung ginawa namin sa bathroom. Speaking of bathroom— tangina... 'yung pills!
Simula nung may nangyayari sa amin dito sa Hong Kong ay wala akong nainom na pills. Shit.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at saka ko tiningnan ang laman. Binaliktad ko na lahat-lahat wala akong pills na nahanap! Sana nasa luggage ko 'yung pills. Hindi tuloy ako mapakali.
Dahil hindi ako mapakali, chineck ko 'yung period tracker ko sa phone. Sana hindi ako fertile nung day na 'yon.
Putangina.
High chances of getting pregnant.
Anak ka ng tatay mo! Baka naman puwede pa akong uminom ng pills. Please, have mercy on me.
Nag-search ako sa Google at naloloka ako sa lumabas na result! It says here that if you've missed three or more days or it has been longer than 48 hours since you took a pill, you are no longer protected against pregnancy.
"You okay?" Tanong ni Sean pagkapasok niya sa office. Naandito ako ngayon sa office niya kasi may inaayos ako sa mga papers niya.
"Why?" Sasabihin ko ba sa kaniya? Natatakot ako.
"You seem tense." Gano'n na ba kahalata?
"Sean... what if you get me pregnant again? Will you accept it this time?" Kabado kong tanong sa kaniya. Natigilan siya sa ginagawa niya at tumitig sa akin.
"You're pregnant?" Parang gusto niyang ngumiti pero ayaw niya ipahalata.
"N-no..! I'm just asking." Natatakot ako sa sasabihin niya. Bakit ba kasi sa lahat nang kakalimutan ko pills pa!
"Of course. That's my child." Tumango na lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
Ibang-iba na siya sa Sean noon. Grabe talaga maglaro ang tadhana. Kung sino pa 'yung ayaw niya noon na maging nanay ng mga anak niya, 'yon pa ang naging nanay.
"Mamaya nga pala hindi tayo sabay uuwi." Sabi niya sa akin habang may inaasikaso rin na papel.
"Okay," Sabi ko rito. Bakit ba siya nagpapaalam?
"Hindi mo ako tatanungin kung bakit hindi tayo sabay?" Sasabihin ko sana asawa niya ba ako para tanungin ko siya no'n. Asawa ko pa rin nga pala siya.
"Nope. I'm your secretary as of the moment, Sir." Hindi dapat namin pinaghahalo ang personal na buhay at ang work. Dahil sa sinabi ko ay tumango lang ito sa akin.
After ko mag-out napagdesisyonan ko na gumala rito. Para kasing may gusto ako kainin na food dito. Medyo natagalan ako makalabas kasi biglang dumating 'yung Architect sa project na 'to.
Saan kaya ako puwede makakain nung gusto ko? May gusto ako pero hindi ko matukoy kung ano 'yon.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong stall na nagtitinda ng food. Mukhang masarap! Dahil natatakam ako ay umorder ako. Sana masarap kasi 'yung itsura nung food parang sobrang sarap.
Pagkaluto ay ibinigay na sa akin nung nagtitinda nung food. Pagkatikim ko ay halos gusto ko isuka. Tangina. Napaka-scam nung mukhang masarap!
Kahit masuka-suka ako kinain ko pa rin. Ayaw ko naman magtapon ng pagkain. Nang matapos ako ay naglakad-lakad pa ako hanggang sa ginabi na ako kakalakad.
Sa paglalakad ko ay may mga nabili akong gamit ko at ni Sean. Para talaga akong asawa na namimili ng gamit niya! Mag-asawa kami sa batas pero hindi naman kami 'yung normal na mag-asawa.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomantiekCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...