"Ma'am?" Tawag sa akin ng isang nurse. Nagising ako dahil sa pagtawag niya."Good day, Ma'am! I'm nurse Rosie and I'm sorry for disturbing you."
"Okay lang— I mean it's okay." Nakalimutan kong wala nga pala ako sa Pilipinas.
"Pinay rin po pala kayo. Buti na lang hindi ako masyado mahihirapan. Anyway, may ibabalita po pala ako sa inyo."
"Hmm..?" Wala akong lakas magsalita dahil siguro pagod na pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Wala na bang katapusan ang mga 'to?
"Ma'am... alam ko pong bawal kayong mai-stress kaso si baby po—" Huh? Ano ba ang nangyayari sa anak ko? Hindi ko yata kakayanin pa kung may mangyayaring masama sa bago kong silang na anak.
"Anong nangyari sa anak ko?" Sigaw ko sa kaniya at tila natakot ang nurse sa ginawa ko.
Natatakot ako... ayaw kong mawalan ng anak.
Ayaw ko na ulit. Ayaw ko maramdaman ulit 'yung sakit na naramdaman ko nung nakunan ako.
"Ma'am, nag-fifty-fifty po ngayon si baby..." Jusko! Para akong sinasaksak ngayon sa puso ko.
Nasaan na ba ang asawa ko? Kailangan ko siya ngayon. Siya ang gusto kong sandalan sa mga oras na ito. Sa kaniya ko gusto kumuha nang lakas.
"Ano? Nasaan ang baby ko ngayon? Rosie, 'yung asawa ko tawagan mo! Pakisabi 'yung baby namin!" Humahagulgol kong sabi rito. Dali-dali naman lumabas si Rosie
Hindi ko kaya kapag nawala ang anak ko. Hindi ko kakayanin ang sakit.
Sean... kailangan kita. Nasaan ka ba?
Kahit hindi kami normal na mag-asawa ay kailangan ko pa rin ngayon 'yung asawa ko...
"Ma'am... cannot be reach po si Sir—"
"Gāisǐ de! Call him! 'Wag mong tigilan hanggang hindi niya sinasagot!" Sigaw ko ulit sa kaniya habang naiyak. Tangina, Sean... Nasaan ka na ba? Nanghihina na naman ako dahil sa nangyayari. Tila ba nawawalan ako ng paki sa paligid. Damn it!
"Ma'am, kumalma po kayo. Bawal po kayong guman'yan at baka po bumuka ang tahi niyo. Maawa naman po kayo sa sarili niyo." Pagkasabi niya ay niyakap niya ako kaya mas lalo ako napaiyak.
"Please... Nakikiusap ako sa iyo, Rosie. Gawin mo lahat ng iyong makakaya matawagan mo lang siya at sabihin sa kaniya ang kalagayan ng baby namin." Pagmamakaawa ko sa Nurse.
"Sige po, Ma'am." Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya at pagkatapos ay lumabas na siya para siguro tawagan ang missing in action kong asawa.
Ilang minuto lang ang nakalipas at bumalik na rin ang nurse, "Ma'am... sabi po kasi ni Sir Sean hindi pa raw po siya makakabalik kasi hindi pa raw po okay 'yung Sophia."
Hanggang ngayon ba si Sophia pa rin, Sean? Hindi ka pa rin pala nagbabago. Akala ko okay na tayo. Akala ko lang pala. Hindi lang pala talaga ako ang tanga... maging ikaw rin, Sean...
"Ahh okay... xièxiè, Rosie." Malumanay kong saad. Sa nangyayari ngayon ay parang ako pa ang kabit at si Sophia ang tunay na asawa.
Anak, sana lumaban ka. Hindi ko talaga kaya na mawawala ka amin.
Hindi ko namalayan na lumabas pala kanina si nurse Rosie. Ngayon ko lang napansin dahil pumasok ulit si nurse Rosie sa aking room.
"Hello po ulit, Ma'am." Bati niya sa akin pagkapasok na pagkapasok niya.
"Hello, nurse Rosie. Wèishéme? What happened?" Why?
"Ma'am... lumalaban po si baby." Nakangiti niyang sabi sa akin na tanging ngiti lang ang aking naging sagot.
BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomanceCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...