Prejudiced Love 10

13.5K 209 29
                                    


I'm busy fixing the schedule of my boss when suddenly someone called me, it's Mia. My goodness! I thought it's my husband!

Wait, what? Did I just say my husband?

"What is it? I'm busy, Mia." 'Yung magaling kong boss kasi sinasadya ata na marami akong gawin. Pagkatapos nung ginawa niya para bang may balak siyang pahirapan ako. Paano ba naman 'yung pinapagawa sa akin ay hindi ko naman gawain.

"Give me a minute. Easy ka lang, Sheen. Hindi ako ang kalaban mo. Andito ako para sabihin sa iyo na pakisabi kay Sir na may event siyang pupuntahan later. Ito nga pala 'yung invitation. Si Mrs. Buenaventura kamo ang nagpadala n'yan. Thanks!" Kaloka! Bakit ngayon lang binigay? Dapat ahead of time nila sinasabi.

Pagod na pagod agad ako kahit hindi pa hapon. Paano ba naman tatlong oras lang ang tulog ko. Hindi kasi mawala sa utak ko 'yung nangyari kahapon.

Alam na niyang may anak siya sa'kin...

Naghalikan kami...

Naghalikan kami! Puta. Naalala ko na naman.

I remember how soft his lips are... His kisses that makes me weak...

Shit! Stop daydreaming, Cess. Kalmahan mo. Ang dapat isipin ko 'yung mangyayari sa mga anak ko at hindi 'yung mga halik niya.

Bigla ko tuloy namiss 'yung kambal ko. I should call them bago ako pumunta sa napakabait kong boss. Nakailang ring lang ay sinagot na agad ang tawag ko.

"Nay!" Narinig kong sigaw ni Shine. Nakakalungkot lang na kapag umaalis ako sa bahay ay hindi ko sila naabutan nang gising. Kapag umuuwi naman ako ay naabutan ko naman silang tulog na. Babawi talaga ako sa kanila kapag day off ko.

"Huwag ka nga sumigaw d'yan, Shine. Kapag nabingi si nanay ikaw ang may kasalanan."

"Sorry, Shawn. Hi, nanay! Bakit ka po napatawag?" Sabi ni Shine.

"Nanay, hindi ka po ulit namin naabutan. Miss ko na po kayo ihug sa morning po tapos 'yung sabay-sabay po tayong kakain." Sabi naman ni Shawn.

"Tumawag ako kasi gusto ko kayong icheck kung kumain na ba kayo. Saka miss ko na rin kayo ihug at kasama sa breakfast."

"Nay, 'wag po kayo magpagod kasi baka po magkasakit ikaw. Baka hindi mo po ako mabilhan ng barbie." Akala ko concern sa'kin 'yun naman pala para sa barbie doll niya.

Magsasalita sana ako nang magsalita ulit si Shy, "Nay, joke lang po! S'yempre po love ko po ikaw. I mean love ka po namin ni Shawn." Hindi man ako mahal ng lalaking mahal ko at least meron akong mga anak na mapagmahal.

"Mahal din kayo ni nanay. Pakabait kayo d'yan. Bibilhan ko kayo nung favorite niyo na food mamaya."

"Donut po ba 'yan?" sabay nilang sabi. Favorite na favorite nila ang donut. Parang 'yon ang comfort food nila.

"Opo, Oh siya ibababa ko na 'tong call. Pupunta pa ako sa boss ko. Bye, kids!"

"Bye, nanay!" sabay na sabi nung kambal and then I ended the call.

After nung call ay dumiretso na ako sa office ni Sean. Habang papalapit ako ay naaalala ko na naman ang nangyari kahapon. Feel ko namumula ang cheeks ko ngayon. Pagkarating ko ay kumatok muna ako. As usual.

"Sir?" Siyempre dapat bago ako pumasok ay iintayin ko ang approval niya.

"Yes? Come in." Dahil masunurin ako ay binuksan ko na ang pinto at saka ako pumasok.

"Ito nga po pala 'yung schedule niyo for today. Tapos may nagpadala po ng invitation sa inyo kanina. Invited po kayo sa 23rd Anniversary ng
Buenaventura's Company. Here's the invitation. Si Mrs. Buenaventura raw mismo po ang nagpadala po n'yan and they're expecting you to come. That's all, sir."

"Thanks." 'Yun lang ang sinabi niya kaya naman tumalikod na ako para lumabas. Ganiyan naman 'yan eh. He is acting not normal. Char.

"Frincess," tawag niya sa akin kaya naman napatigil ako sa paglabas.

"Bakit po, Sir? Do you need anything?" Bigla na naman akong kinabahan. Huwag naman sana niya itanong 'yung tungkol sa mga anak namin.

"How are my children?" Sabi na e!

"Children? Ayos naman sila." Cool kong sabi kahit kabado na ako rito.

"I want to meet them." Dahil sa sinabi niya ay nagulat ako. Siya? Gusto niyang makilala ang mga anak namin?

"Sure ka?" Tanong ko sa kaniya. Grabe! things change nga!

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yo?" Pagkasabi niya ay tinaasan niya ako ng kilay. Ahitin ko kaya kilay niya!

"Paano kung ayaw ko?" Pahirapan ko muna siya bago niya makilala ang mga anak niya. Pang bawi ko lang sa pagiging gago niya noon.

"Let's meet in court then." Wow! Ang kapal niya!

"Bakit ba gusto mo makilala ang mga anak ko? Sa tingin mo ba makukuha mo sila sa akin? Mamamatay muna ako bago mo sila makuha 'no. Saka may anak ka naman kay Sophia bakit makikihati ka pa sa akin?"

"Updated ka pa rin sa akin? Why? Do you still love me?"

"Saan ka kumukuha nang kakapalan ng mukha? Ano ka gold? I don't love you anymore 'no." Siyempre 'yung sinabi ko kabaliktaran. Hindi ko aaminin sa kaniya 'no. Baka itake advantage na naman niya 'yung feelings ko sa kaniya.

"I know you're still in love with me." Ang kapal talaga ng mukha niya. Dahil napipikon na ako at ayoko magpatalo... lumapit ako sa kaniya at umupo sa lap niya.

"What are you doing?" He asked. Hulaan mo.

I cupped his face, put my face near to his ear, and then I whispered something to him. I really want to tease him. It's surprising na hindi niya ako tinulak sa ginagawa ko ngayon.

"You are really exhausting my patience, huh?"

"You think so?" Pagkasabi ko ay lalo kong idiniin ang pagkakaupo ko sa kaniya. Naramdaman ko ang kaniyang mabibigat na paghinga. Ako lang 'to, Sean.

"Let's talk, Frincess." Akmang papatayuin na niya ako pero hindi rin natuloy dahil hindi ko hinahayaan.

"We are talking already, Sir. What kind of talk are you referring?" 'Yung mga nababasa at napapanuod ko pa naman ay ibang talk ang ginagawa.

"Stop on what you're doing." Dahil makulit ako, hindi ko siya sinusunod. For sure gusto niya rin ang ginagawa ko. In denial lang siya.

"Sure ka? Bakit nararamdaman ko na may nabuhay down there." Nakangiti at nang-aasar kong sabi sa kaniya. Kaloka! Ramdam na ramdam ko right now.

"Why do I feel like you want to repeat what happened yesterday?" Kaloka siya! Pinaalala na naman niya.

"Really? Baka ikaw 'yon." Naglalabanan kami nang tingin habang nakaupo pa rin ako sa lap niya.

"Tell me, Sean... do you want a re-enactment? Hmm...?" I said sweetly but I make sure na mukhang seductive rin ako. Mukhang effective naman ang ginagawa ko sa kaniya. Ang galing ko talaga. Dahil sa ginagawa ko ay naiwasan namin ang topic tungkol sa mga anak namin.

"No." He said. Pinapatawa niya ako sa sagot niya. In denial talaga.

"Are you sure? It seems that your body is telling otherwise. But sad to say... we won't do that." After kong sabihin ang mga pang-aasar ko sa kaniya ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kaniya.

"Anyway kay Sophia mo gawin ang re-enactment." Huling sabi ko bago lumabas sa kaniyang office.

Shit! Hindi ko siya maasar nang gano'n noong kasal pa kami kasi under ako. Takot ako sa kaniya pero ngayon may lakas loob na ako.

Sana sa ginawa ko sa kaniya ay huwag akong mawalan nang trabaho.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon