Three weeks simula nung inihatid ako ni Shun. After no'n ay hindi ko na siya muli pa nakita. Sobrang busy ko sa tatlong linggo na dumaan. Nasa site kami ngayon kung saan ginagawa 'yung project kung bakit naandito kami sa Hong Kong ngayon. Dahil miss na miss ko na ang mga anak ko ay tinawagan ko sila. Medyo napahaba ang kwentuhan namin dahil ang dami nilang kwento tungkol sa school nila.Hindi na ako makapaghintay na makarating din sila rito. Dadalhin ko talaga sila sa Disneyland.
After nung tawag ko sa kambal ay ipinagpatuloy ko rin agad ang trabaho ko. Habang busy ako sa pag-type ay tinawag ako ni Sean. Ano kaya kailangan no'n?
"Bakit po, Sir?" I really don't want to mix my personal life to my work. Dapat professional ako.
"Magpa-reserve ka sa any restaurant, may business meeting tayo na pupuntahan. Makiki-ayos na rin nung mga contract na pinapagawa ko sa'yo." He said. Hindi niya ako magawang tingnan dahil busy siya sa kaka-type.
"What time 'yung meeting?"
"Lunch." Tumango ako sa kaniya kahit hindi niya kita.
"Iyon lang po ba?" Nung tumango siya ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Dali-dali kong inayos lahat nang pinapagawa niya. Nagpa-reserve rin agad ako sa isang restaurant. Pagkatapos ko gawin lahat ay nakaramdam ako ng hilo. Pakiramdam ko gustong-gusto ko na lang matulog nang matulog.
Baka siguro malapit na ako magkaroon. Speaking of menstruation... dali-dali kong tiningnan 'yung period tracker ko. Pagtingin ko, late na ako ng dalaw! Tanginang sperm 'yan!
Ugh. Bakit ba kasi nakalimutan ko uminom ng pills noon? Buti na lang tapos ko na 'yung pinapagawa ni Sean kaya naman puwede ako tumunganga.
"You okay?" Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakatulala. Kung hindi pa siguro lumapit at nagtanong si Sean ay nakatulala pa rin ako.
"Medyo nahilo ako kanina. Aalis na ba tayo?"
"Yep. Mas mabuting maaga tayo kaysa naman late. Nakakahiya sa ka-meeting natin." Pagtayo ko ay nahilo na naman ako. Muntikan na ako matumba buti na lang nasalo ako ni Sean.
"Umuwi ka na lang kaya muna?" Sabi nito sa akin.
"Kaya ko naman. Tara na." Sabay kami halos maglakad ni Sean. Ang kamay niya ay nasa waist ko.
"Daan ka sa any drugstore rito. May bibilhin lang ako." Sabi ko sa kaniya pagkasakay namin sa sasakyan niya.
Sinunod naman niya ang request ko. Kaya naman nang makarating kami sa drugstore ay dali-dali ako bumaba para bumili ng pregnancy test. Pagkabili ko ay itinago ko muna ito sa bag ko. Mamaya ko na lang gagamitin.
Pagbalik ko sa sasakyan ay itinanong ni Sean kung ano ba raw ang binili ko. "Pregnancy test..." Mahina kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.
"What? Masyadong mahina hindi ko marinig."
"Gamot sa sakit ng ulo." Tumango siya at nag-focus na ulit sa pag-drive. Ayaw kong sabihin hanggang hindi ako sigurado. Kung may mabuo man... tanggap na naman niya siguro 'no?
After ng ilang minutes ay nakarating na kami sa restaurant. Pagkapasok namin ay agad sumalubong sa akin ang amoy nito. Gusto kong masuka! Hindi ko gusto ang amoy.
"Sir, punta lang po ako sa restroom." Paalam ko kay Sean, tiningnan muna ako nito bago tumango. Kaya naman dali-dali kong pinuntahan 'yung restroom at pagkarating ko roon ay agad akong sumuka.
Parang naririnig ko tuloy 'yung lyrics sa kanta ni Taylor Swift na Exile, "I think I've seen this film before..."
Dahil naandito na rin naman ako sa restroom, gagamitin ko na 'yung binili ko kanina. Kung ano man ang result na lumabas ay tatanggapin ko. Sana gano'n din si Sean.

BINABASA MO ANG
Prejudiced Love
RomansaCOMPLETE Former Title: My Boss Is My Ex Husband Revised Version | Martyr Girl's #2 - Frincess Amber Sheen Bartolome & Sean Miguel Villa Loxin I fought my love for him knowing he loves someone else. Disclaimer: Masyadong martyr ang bida. So expect na...