Prejudiced Love 35

8.4K 132 22
                                    


"We're here. Welcome to Singapore!" Sean said. My eyes roam over to the beautiful and vibrant looking of Singapore. It's a city of contrast that is full of beauty and grace. What a great destination.

Of course, our first stop is the Marina Bay Sands. For sure dadamihan ko ang take ng picture naming family. Ang mga gamit naman namin ay dinala na nung inutusan ni Sean sa hotel kung saan kami mag-stay.

"Sobrang ganda rito, nanay!" Tuwang-tuwa na sabi ni Shine.

"Gusto ko po mag-take ng picture sa Merlion, nanay!" Sabi naman ni Shawn. Ang kanilang ama ay nakikinig lang sa mga pinagsasabi nung dalawa.

"Then... let's go there?" Lagi talagang pinagbibigyan ni Sean ang mga anak niya. Wala naman ako magagawa dahil sa tingin ko ay iyon ang paraan niya upang makabawi sa dalawa niyang anak.

Malapit na mag-gabi kaya naman sobrang ganda ng tanawin namin. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Merlion Park. Pagkarating namin ay agad na tumakbo ang kambal kaya naman napatakbo rin si Sean. Kitang-kita sa mga mata at ngiti ng kambal kung gaano sila kasaya na narito kami.

Habang nagkakasiyahan ang mag-aama ay kinuhanan ko sila ng picture para remembrance nila. Ang saya pala talaga sa pakiramdam kapag buo ang pamilya mo. Walang katumbas.

"Cess! Come here! Let's take a picture." Sigaw ni Sean. Agad naman akong lumapit sa kanila. Nag-selfie muna kami at pagkatapos ay nakisuyo ako sa isang tourist din na kuhanan kaming pamilya.

Kung ganito kasaya sa pakiramdam ang mag-travel kasama ang buong pamilya ay lagi kong pipilitin na gawin namin ito. Nang ibigay nung kumuha nung picture namin ang camera ay agad kong tiningnan ang nga pictures.

Grabe... ang gaganda nung mga kuha. Kitang-kita rin kung gaano kasaya ang pamilya namin. Hindi ko namalayan na nakatingin din pala si Sean sa camera.

"It's beautiful..." Narinig kong bulong niya.

"Masaya ka ba na kasama mo kami rito?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin ako sa picture.

"Oo naman. Masaya akong kasama ko kayong pamilya ko. Walang halong pagpapanggap ito." Para akong nabunutan ng tinik. Talagang may character development si Sean. Good for him.

"Anyway... pakuha rin tayong dalawa para may remembrance tayo." Sabi niya. Kinuha niya sa akin ang camera at saka ibinigay kay Shine upang kuhanan kaming dalawa.

"Kiss!" Pang-aasar ni Shine. Tinaasan ko ng kilay si Shine dahil sa sinabi nito pero tinawanan lang ako.

"Kiss daw sabi ng anak natin." Dahil sa sinabi ni Sean ay para akong na-estatwa. Kiss kami?

"Kiss ka d'yan! Tumigil ka." Sabi ko rito. Akala ko ay titigil na ang loko pero iniharap niya ako sa kaniya at saka ako kiniss sa lips. The nerve! Itutulak ko sana siya pero masyado siyang malakas.

"Okay na po, daddy!" Kinikilig na sabi ni Shine. Napailing na lang ako.

"Bakit mo naman ginawa 'yon? Nasisiraan ka na ba?" Tanong ko after niya ako halikan.

"Cess... kung magalit ka naman... e higit pa nga ang ginawa natin sa Hong Kong kaysa rito." Natatawang sabi ng loko. Sabagay tama naman siya pero hindi naman kami para halikan niya ako basta-basta! Marupok pa naman ako.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon nang walang consent!" Para siyang bata na um-agree sa sinabi ko.

Ilang saglit lang ang itinagal namin dahil nagugutom na ang dalawang bata. Sa isang fine dining kami dinala ni Sean. Wala naman akong reklamo kasi siya naman magbabayad. Kung ako kasi ang magbabayad sa mga stalls ko lang sila papakainin. Hindi ko pa afford ulit ang mga fine dining.

Nang ma-serve ang foods namin ay siyempre kumain na kami dahil nakakagutom talaga ang mamasyal. Sa taste naman ng food ay wala akong masabi dahil masarap ang mga sinerve sa amin. The blend of flavors are divine and sublime.

"How's the food?" Sean asked. Magkatabi kaming dalawa sa table at ang kambal ay katapat namin.

"The best! Pero sa susunod try natin 'yung mga stalls." Suggest ko kay Sean and tumango naman ito. Mukha siyang sugar daddy sa trip na ito.

"Kayo mga anak anong gusto niyo i-try?" Tanong ko sa dalawa na busy kumain.

"Any local delicacies po, nanay." Si Shawn ang unang nagsalita habang si Shine ay nag-agree sa sinabi ng kapatid. Nagmukhang spokesperson ang baby boy ko.

"Saan niyo naman gusto magpunta after natin kumain?" Si Sean naman ang nagtanong. This is their trip kaya naman sila dapat ang masusunod and mas mag-enjoy.

"Shopping!" Parehas na sabi nung kambal. Panigurado maraming laruan ang iuuwi namin sa Pilipinas. Pinagbibigyan ko sila dahil hindi nila 'yon naranasan ng ilang taon. Kaya naman ni Sean bayaran kaya bakit ko pipigilan? Rights naman nila 'yon.

"Finish niyo mabuti 'yang foods niyo para makapag-shopping kayo." Sabi ng ama nila. Dahil sa narinig ay tuwang-tuwa na naman ang dalawa. Habang tinitingnan ko ang mga ngiti nila ay sobrang natutuwa ang puso ko. They deserve that happiness. Ohh... I love them so much.

Nang matapos kami kumain ay dumiretso na kami mag-shopping. Inuna muna namin ang mga damit ay sapatos nung dalawa bago namin sila dalhin sa toy store. Mukha naman okay sa kanila na iyon ang unahin dahil hindi sila umangal at masaya naman silang kumuha ng mga damit and such.

Habang busy sila sa kakapili, pumunta ako sa adult section para ipili at ikuha si Sean. Gumagana ang pagka-mother and wife material ko. Ilang piraso lang ang nagustuhan ko kaya naman bumalik din ako agad sa puwesto nila.

"Wow. Kinuha mo talaga ako? How about you?" Sabi ni Sean pagkakita sa akin. Kinuha niya agad ang mga bitbit ko at saka niya nilagay sa cart.

"Wala ako nagustuhan." Magsasalita pa sana siya nang bumalik na ang kambal. Tapos na yata mamili.

"Done na po, daddy. Bayaran niyo na po para makabili na kami ng toys." Sabi ni Shine sa kaniyang ama. Para talagang sugar daddy ang lagay ni Sean.

Si Shawn ay sumama sa kaniyang ama upang magbayad habang si Shine ay nanatili sa tabi ko.

"Nanay, sana ganito rin tayo kapag umuwi na tayo ng Philippines." Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot dahil sa sinabi ni Shine. Napaluhod ako para mapantayan siya at saka ko ito niyakap nang mahigpit.

"Promise ni nanay... ganito rin tayo kapag nasa Philippines na tayo. Lagi na tayong may family day tuwing weekends."

"Thank you, nanay... I love you po." Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon.

"Mahal din kita, anak, pati rin ang kapatid mo. Mahal na mahal ko kayo." Mas lalo ko pang hinigpitan ang mga yakap ko sa kaniya. Kung wala lang kami sa public place ay panigurado umiiyak na ako.

"Daya niyo naman. Sali kami ni Daddy." Narinig kong sabi ni Shawn. Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Shine para mayakap ko si Shawn. Si Sean naman ay lumuhod din para mapantayan kami. Mabilis lang ang pagyayakap namin dahil nasa public place kami.

"Yay! Toys na!" Excited na sabi ni Shine. Papunta na kasi kami sa bilihan ng mga laruan. Habang naglalakad ay bigla kong naramdaman na hinawakan ni Sean ang isa kong kamay. Napataas tuloy ang kilay ko sa ginawa niya. Holding hands while walking?

"Pagbigyan mo na ako." Bulong nito sa akin. Hinayaan ko na lang siya kasya awayin ko pa. Sa totoo lang ay kinikilig na ako sa mga simpleng ganito niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako kukunin.

Nauna na pumasok ang magkapatid sa toy store at samantala kaming dalawa ni Sean ay nahuli na dahil ang bagal maglakad nitong kasama ko.

"Cess..." Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko ay tumigil ito sa paglalakad. Anong trip nito?

"Oh?"

"I'm beyond grateful. Thank you." Para na naman akong na-estatwa sa sinabi niya. Parang gusto ko rin umiyak. Ang emotional ko naman! This is not me.

"For what?" Med'yo humina ang pagkakasabi ko dahil sa mixed emotions na nararamdaman ko as of the moment.

"You have given so much of yourself and made so many sacrifices for our family. I am truly grateful for everything you have done." Ohh... Sean... Queen Elsa, itabi mo, sobra na akong natutunaw.

Prejudiced LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon