Chapter 1 - Tisoy

8.7K 165 7
                                    

"Mai-mai ano ba? Naglolokohan ba tayong dalawa?" galit na tanong ni Denden.  "Ewan ko sa yo Den ang dami mong drama.  Boyfriend naman kita, what else do you want from me?"  Naiinis na sagot ni Mai-mai.  "Yun na nga eh, boyfriend mo ako.  Bakit kung kani-kanino ka sumasama?" Nayayamot na sabi ni Denden.  "Niyaya kita, hindi ka pwede. Eh gusto kong pumunta sa party eh di nagyaya ako ng iba.  May mali ba don?" Sarcastic na sagot ni Mai-mai. "Hindi ba dapat kung hindi ako pwede, hindi ka din pupunta o kaya naman kaibigang babae ang isama mo hindi kung sino-sinong lalaki?", sagot ni Denden na sinusubukang pakalmahin ang sarili.  "Bakit naman hindi ako pupunta eh gusto ko ngang umattend ng party.  Hindi ka lang kasama, magmumukmok na din ako? That's unfair.  Besides kaibigan ko lang naman si Dexter eh."  Mahabang paliwanag ni Maimai.

Suko na si Denden, hindi na niya alam kung anong paliwanag pa ang sasabihin niya sa kasintahan para maintindihan nito na nasasaktan siya sa ginagawa nito.  "Alam mo Mai, mahal na mahal kita eh pero ikaw hindi ko alam kung mahal mo nga ba ako o sinagot mo lang ako dahil ayaw mong maging boyfriend ako ng iba.  Hindi ko kasi nararamdaman eh.  O baka lang talagang magkaiba para sa atin ang ibig sabihin ng pakikipagrelasyon.  Ako kasi kahit gusto kong pumunta kahit saan kung hindi ikaw ang kasama hindi bale na lang dahil hindi naman ako magiging masaya.  Pero ikaw iba eh." Malungkot na sabi ni Denden "You're so melodramatic Den, hindi na uso sa panahon ngayon yung laging magkadikit ang magbf, women are more independent now. If you can't accept that, wala akong magagawa. We can go our separate ways."  Nagulat si Denden, hinawakan ang kamay ni Mai-mai, "Mai, ganon lang yon? Hindi ba natin susubukang ayusin to?  Magiisang taon na tayo, sasayangin lang natin yon?" Pagsusumamo ni Denden. "I'm sorry Den, I cannot take your emotions anymore. Nasasakal ako sa yo eh. Break na tayo!"  Hinila nito ang kamay at  tumalikod na.  Hinabol ito ni Denden, pinigilan pero umalis pa din... "Mai... maaaiiiiii... maaaaaiiiiiii...

Sam:  Tisoy! Tisoy!  Huy! Gumising ka nga!

Napabalikwas si Tisoy ng marinig ang boses ng kaibigan.

Sam:  Potah pare, ilang taon na hanggang ngayon ba naman napapanaginipan mo pa rin siya?  Sigaw ka ng sigaw at tinatawag mo siya eh.

Tisoy:  Panaginip???  Bangungot!!! Isang malaking bangungot sa buhay ko ang babaing yon!!!

Sam:  Tulog ka kasi ng tulog eh. Yan tuloy binabangungot ka.  Marami ng turista, halika na at mag - aalas diyes na.

Tumayo si Tisoy, may maliit na bote at suklay na dinukot sa bulsa ng maong na kupas na at punit-punit pa.  Nakasports shirt na asul at nakarubber shoes. Binuksan ang maliit na bote nagpatak ng kaunti ng pabango sa kamay ikinalat ipinahid sa pisngi, leeg at damit ang kamay at nagsuklay.

Tisoy:  Ok ready na bro... 

Makikita itong nakatambay sa airport ng Tagbilaran, nagaalok ng tour at transient houses sa mga turistang dumarating.  Madalas na nilalapitan ng mga babae, dahil mestiso, gwapo at may dimples, patok na patok sa mga kababaihan. Magaling ding mag-english kahit hindi nakatapos ng College dahil matalino naman at mahilig magbasa. Kabisado niya ang mga tourist spots sa  Bohol.  Si Sam naman, inaanak ng mayari ng Van na ginagamit nila at ng transient house na iniaalok nila.  Bestfriend ni Tisoy.

Wala pang kinse minutos na nagaalok si Tisoy, nakakuha na ito agad ng customer - korean, dalawang babae at dalawang lalake, magkakasama ang mga ito.  Hinatid na ni Sam sa Van ang mga ito. May isang grupo ang nakita ni Tisoy, mukhang mga taga Maynila at mayayaman. Nagbubulungan ang mga babae ng makita siya. Tumalikod ito, sinalubong ni Sam.

Sam:  Oh saan ka pupunta?  Ayun na eh oh, nakatingin na nga sa yo.  Bro, malaking grupo yan.

Tisoy:  Potah pare alam mong ayoko ng mga taga-Maynila. 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon