Chapter 15 - Friends

2.3K 145 11
                                    

Masaya naman ang mga araw nila sa BISU.  Araw-araw pagkagaling sa airport sa Roma's ibinababa ni Sam si Tisoy bandang alas nueve. Sabay-sabay sila Tisoy, Maine, Vinz at Julia  na naglalakad papasok,  nagla-lunchbreak sa Roma's,  sabay-sabay silang bumabalik sa school at umuuwi pagdating ng alas sais ng gabi.  Nakasanayan na din ni Tisoy na magpakawaiter habang lunchbreak nila at doon na ito tumatambay para magaral pagkatapos ng klase pero kapag may customer na dumadating  siya ang nagaasikaso.  Madalas din na doon na si Maine nagaaral para natutulungan ang Ina sa pagluluto.  Kapag weekend tinutulungan naman ni Tisoy si Mang Arturo sa pagkakarpintero.  Ginawa nila ang mga lamesa para sa internet shop ni Mang Kanor at ang vegetable cabinet ni Aling Mameng.  At si Julia at Maine naman nang tumatao sa Roma's.

Makalipas ang isang buwan, dumating si Tisoy at Vinz sa Roma's nagbibihis pa sila Maine at Julia.

Rosario:  Napaaga ata kayo?

Tisoy:  Maaga hong nakakumpleto ng pasahero Tita at tiba-tiba sila Sam at Paeng puro foreigner ho ang nakuha naming pasahero.

Rosario:  Mabuti naman kung ganon.  Hindi ba kayo napapagod na dalawa sa ginagawa ninyo? Maagap kayong gumigising, nagpupunta sa airport tapos pumapasok pa sa eskwela.

Vinz:  Napapagod din naman ho Tita pero kung yung pagod ho ang iisipin namin wala ho kaming mararating.

Tisoy:  May mga pangarap ho kami, medyo mataas at yon ang inspirasyon namin para magsikap. Energy drink at kain lang ho ang katapat ng pagod, Tita.

Rosario:  Ikaw talaga, may sagot ka sa lahat ng bagay. 

Tisoy:  Hindi ho Tita.  Kasi kung may sagot ako sa lahat eh di sana alam ko kung nasan ang Nanay ko at kilala ko sila ng Tatay ko.  Pero hindi ko man ho masagot ang mga tanong na yan dalangin ko na lang na sana maayos sila at nabubuhay ng masaya.

Rosario:  Napakabuti mong tao Tisoy. Kaya yung Tatay mo na nagpalaki sa yo dapat  proud siya sa kung ano ka ngayon. At sigurado akong kapag nalaman ng tunay na magulang mo ang lahat ng ginawa mo sa buhay mo magiging proud na proud sila sa yo.

Ngumiti si Tisoy.

Tisoy:  Sana nga ho Tita.

Rosario:  Oo nga pala, eto oh.

Inabot kay Tisoy ang isang envelope, na may lamang apat na libong piso.

Tisoy:  Tita, ano naman ho ito?

Rosario: Aba eh di isang buwang sweldo mo sa pagwe-waiter at minsan cook pa sa gabi.

 Malungkot na napaupo si Tisoy at ipinatong ang envelope sa lamesa.  Yun ang tagpong inabutan ni Maine at Julia.

Tisoy:  Tita Rio, kung ano man ho ang ginagawa ko pag tanghali at sa gabi kapag nandidito ako, kusang loob ko hong ginagawa yon dahil gusto ko kayong tulungan.  Kaibigan ho ang turing ko sa anak ninyo hindi ho ako naghihitay ng kapalit sa pagtulong ko.  Akala ko ho naiintindihan ninyo yon. Tita, binabayaran ho ba ninyo ang pakikipagkaibigan ko?

Rosario:  Hindi naman sa ganon Hijo, naalala ko lang noong una tayong magkakilala sabi mo naghahanap ka ng regular na trabaho para may pangbaon at pangbili ka ng gamit.  Kaya naisip ko lang since regular ka naman ding tumutulong eh di swelduhan na lang kita para may kita ka naman.

Tisoy:  Kaya nga ho ako sumasama kila Sam eh para may kita pa rin.  Tsaka kung kailangan ko ho, ako pa ho ang magsasabi sa inyo.

Rosario:  Pasensya ka na Tisoy, gusto ko lang ding makatulong pero tama ka hindi mapapantayan ng halaga ang pagtulong mo.

Kinuha ni Rosario ang envelope at isinilid sa bulsa. Nakita ni Maine na parang may namumuong luha sa mata ni Tisoy. 

Maine: Let's go na guys, baka malate tayo. Bye Ma!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon