Chapter 14 - First Day, First Date?

2.6K 140 1
                                    

Unang araw ng klase, excited at kinakabahan si Tisoy.    Excited dahil sa wakas, makakapagcollege na siya.  Kinakabahan kasi naiisip niya, "first year college at 24 years old, malamang siya ang pinakamatanda sa klase."  Bumangon siya at walang imik na naupo sa harap ng lamesa at nagtimpla ng kape.

Arturo:  Oh ano at tahimik ka dyan, hindi ba dapat excited ka at papasok ka na?

Tisoy:  Excited naman ho, kaya lang... malamang Tay ako ang pinakamatanda sa klase.

Arturo:  Oh eh ano ngayon, mas may advantage ka kasi mas marami kang experience sa buhay. Huwag mong isipin  yan,  wala sa idad yon.  Basta magaral kang mabuti at galingan mo. Ang nakakahiya yung sa idad mong yan bumagsak ka, kaya gagalingan mo.  

Ngumiti na si Tisoy.  Nagmamadali ng kumain at naligo. Dadaanan siya ni Sam pupunta sila sa Airport, dating gawi. Tapos idadaan siya nito sa BISU dahil 9:30 pa naman ang unang klase niya. Alas nueve eksakto ng ibaba siya ni Sam sa gate ng BISU. Nagpunta siya sa harap ng building nila at naupo sa isang bench na nakaharap sa building. Nagtext siya kay Vinz at sinabing doon niya ito hihintayin. Kinuha niya ang sketch pad at lapis at sinimulang idrawing ang building na nasa harap niya.  Sinundo ni Vinz si Julia at kasabay nilang naglakad papasok si Maine.

Julia:  Si Tisoy ba nasa BISU na?

Vinz:  Oo kanina pa. Excited eh!

Julia:  Ano kayang itsura ni Tisoy suot ang mga damit na binili natin no?

Vinz:  Malamang gwapong gwapo. Eh kahit ordinaryong uniporme nga nung high school ang suot non ang daming nagka-crush sa kanya eh.

Maine:  Heartrob ang dating?!

Vinz: Totoo yon.  Kahit mahirap, matalino kasi siya, mabait at matulungin. Kung hindi dahil walang pangbayad ng tuition malamang nakagraduate yon sa tamang edad.  Kaso ilang beses tumigil dahil hindi nakakapasok bukod sa walang pera, masakit ang katawan dahil bugbog sarado sa Tatay niya.

Maine:  Ha?  Binubugbog? Bakit?

Vinz: Sasabihin ko sa inyo pero dapat parang wala kayong alam, gusto ko lang maintindihan ninyo ang pagkatao ng bestfriend ko. Yung Tatay na sinasabi niya hindi niya totoong Tatay. Amerikano ang Tatay niya kaya nga Richards eh.  Pero ok na sila ngayon. Natauhan na yata yung Tatay-tatayan niya kahit nga sa amin,  mabait na.

Julia:  Mabuti naman kung ganon.

Samantala engrossed si Tisoy sa pagda-drawing ng may biglang bumati sa kanya.

Diane:  Tisoy? Ikaw ba yan?

Tisoy:  Oy Diane! Dito ka din pala?

Diane:  Oo, pero doon sa kabilang building ang accounting eh. Buti nakapasok ka na.

Tisoy:  Oo nga eh, salamat sa tulong mo sa Coop ha. 

Diane:  Wala yon, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong magkakapit bahay. Balita ko ok na kayo ng Tatay mo?

Tisoy:  Oo ayos na, nagsawa na ata.

Malakas na natawa si Diane.

Tisoy:  Magisa ka lang?

Diane:  Hindi, ayan ang mga kaklase ko.

Tisoy:  Hello ladies!

Diane:  Tisoy, mga kaklase ko, si Beng at Carol.

Inabot ni Tisoy ang kamay sa mga dalaga at yon ang dinatnan nila Vinz. Napangiti na si Maine ng makita ang suot ni Tisoy. Yung long sleeves na V-neck shirt na sinabi niyang maganda sa jag ang suot nito.  Naisip ni Maine, "hindi naman yon kasama sa binili nila.  Binalikan niya kasi sinabi kong maganda?  In fairness bagay sa kanya."

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon