Chapter 40 - Naive

2.6K 151 15
                                    

Ikatlong linggo ng Mayo, may dumating na sulat para kay Rosario at Maine, mula sa kapatid ng Tatay ni Maine.  Binuksan ito ni Rosario at binasa.

Arturo:  Oh, kanino galing yan?

Rosario: Sa Uncle ni Maine.  

Iniabot ni Rosario ang isang print out na kalakip ng sulat.

Arturo:  Invitation to attend a hearing ito, tungkol sa pagaari ng mga magulang ni Maine. Bakit mayaman bang talaga ang magulang niya?

Rosario:  Board Member ang Daddy niya sa isang Television Network doon,  may mga binili ring itong mga stocks at kanila din ang bahay na tinitirhan nila.  Kung hindi pakikialaman ng mga kapatid ng Daddy ni Maine ang mga property may tsansang sa kanya maiaward ang buong kayamanan ng magulang niya.

Arturo:  Eh di kailangan niya talagang umuwi.  Ikalawang Biyernes ng Hunyo ang petsa ng hearing dapat magpabook na kayo ng ticket.

Rosario:  Papano ang Roma's?

Arturo:  Eh di ako na muna ang bahala.

Tumahimik si Rosario... halatang nagaalala.

Arturo:  Bakit Rosario?  Anong problema?

Rosario:  Kapag sumama ako, mapipilitan akong hintaying maasikaso ni Maine lahat ng kailangan niyang asikasuhin, ang alam ko hindi madaling ayusin ang ganong papeles.  Baka matagalan, hindi ko pwedeng iwan ang Roma's ng matagal.

Arturo:  Mabuti pa kausapin mong mabuti ang anak-anakan mo, at siya mismo ang magdesisyon.

Makalipas ang isang oras dumating si Tisoy at Maine galing sa Bartolome.

Maine:  Hi Ma, Tito!  Maaga ata kayong nagsara?

Rosario:  Wala naman kasing tao at sumasakit din ang ulo ko.  Isa pa kailangan ko kayong makausap.

Maine:  Bakit Ma?  May problema ba?

Tisoy:  Nay, tungkol ho saan?

Arturo:  Maupo na tayo don sa salas, para makapagusap tayo ng mabuti.

Naupo naman sila, nakaupong magkatabi si Tisoy at Maine sa tapat ni Arturo at Rosario.

Rosario:  May sulat ka galing sa US.

Iniabot ni Rosario ang envelope, binasa ni Maine ang address na pinanggalingan ng sulat. 

Maine:  Galing kay Uncle Brenan.

Binuksan ni Maine ang sulat, dalawa ang papel isang sulat kamay at isang print out ng computer.  Iniabot niya kay Tisoy ang print-out at binasa ng malakas ang sulat ng Uncle niya. Nang matapos basahin, tumingin kay Tisoy.

Tisoy:  First  Friday ng June ang hearing, pasukan na yon ah.

Rosario:  Yan na nga, pero kailangan mong puntahan yan kung hindi baka maiaward sa gobyerno ang perang pinaghirapan ng mga magulang mo.

Maine:  Enrollment na ho eh, ibig sabihin hindi ako mageenroll?

Arturo:  Maine, ang alam ko sa ganyan, matagal ang proseso ng pagaayos niyan kung sakaling sa iyo iaward ang lahat ng pagaari ng magulang mo. Maaring abutin ng taon, pero depende syempre sa magiging desisyon mo.

Natahimik si Tisoy.  Hinawakan ni Maine ang kamay nito.

Maine:  Ayokong umalis Ma.

Rosario:  Ayaw din naman namin na umalis ka, pero papano yung mga pagaari ng magulang mo. Kung gusto mong ibigay sa mga Uncle mo ang mga yon kakailanganin mo pa rin umuwi para asikasuhin ang transfer of rights.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon