Chapter 64 - Choices

3.6K 142 4
                                    

Sa Bartolome na nanirahan si Maine at Tisoy matapos ang kanilang Civil Wedding. Masaya ang naging pagsasama nila bilang magasawa. Si Maine ang nagluluto at si Tisoy naman palaging may oras para makipaglaro or turuan si Adie. At inilaan nila and Friday night para sa kanilang alone time. Nagdedate sila. Kumakain sa labas, nanonood ng sine or namamasyal sa iba't ibang resort sa Bohol. Makalipas ang anim na buwan ikinasal si Maine at Tisoy sa simbahan at dahil natapos na ang Adie's Bed and Breakfast doon ginawa sa beach front nito ang reception.

Mas lalong tumibay ang pagsasama nila. Kapag linggo magkakasama silang nagsisimba kasama si Arturo at Rosario at kumakain sa labas. Maganda ang naging takbo ng negosyo para kila Arturo at Rosario. Naging maalwan din ang naging takbo ng mga negosyo nila Tisoy at Maine. Ilang beses na silang lumuwas ng Maynila para bisitahin ang furniture store at condominium units na pinarerentahan.

Isang araw nasa Adie's bed and breakfast sila Maine, Julia at Diane. Nasa siyam na buwan na ng pagbubuntis si Diane at malapit ng manganak.

Maine: Alam ninyo parang masarap ang manggang hilaw na may bagoong.

Diane: Oo nga, magpabili tayo kay Mang Rene.

Nagpautos nga sila at ng makabalik ito. Ihinanda ang manggang hilaw at bagoong sa isang plato. Sarap na sarap si Maine sa pagkain. Maya-maya may isang amerikanong customer ang lumapit sa kanila may hawak itong sigarilyo.

Julia: I'm sorry Sir, but we have designated smoking areas on the side of the building.

Amerikano: I'm so sorry.

Humithit muna ito at nagbuga ng usok bago tuluyang umalis. Nalanghap ni Maine ang usok at naduwal ito. Nagmamadaling tumakbo papunta sa lababo at tuluyang nagsuka. Nagkatinginan sila Julia at Diane. Nang bumalik si Maine...

Diane: Maine, regular ba ang menstrual period mo?

Maine: Hindi, irregular ako eh. Nagkaron ako last month pero konti lang, bakit?

Julia: Kasi nagsuka ka, unang beses ba yan?

Maine: Come to think of it. Sinisikmura ako, magiisang linggo na parang laging nalalamigan ang sikmura ko. Pero ngayon lang ako nagsuka, naamoy ko yung usok ng sigarilyo naduwal ako eh.

Diane: Noong buntis ka kay Adie, may naramdaman ka bang ganyan?

Maine: Hindi, wala. Kaya nga akala ko non, napupuyat lang ako sa pagiisip kaya ako inaantok at nahihilo eh. Kung merong pagkakapareho noon at ngayon, noon hindi ba galit ako kay Tisoy at naiinis ako kapag naiisip ko siya. Ngayon madalas akong mainis sa kanya, minsan nagbibiro lang siya pero inis na inis ako pinapaalis ko.

Julia: Yung manggang hilaw, mahilig ka talagang kumain niyan?

Maine: Hindi, pero parang nagcrave lang ako. Tapos gustong gusto ko yung manggang hinog at cheesecake ng starbucks, dalawang gabi na ngang nagpapabili ako kay Tisoy eh.

Diane: Sabi mo nagkaron ka last month pero konti lang. Eh the month before that?

Maine: Hindi, tsaka ngayong month na to, hindi pa rin eh patapos na ang buwan.

Julia: Hindi kaya buntis ka?

Natahimik si Maine. May mga dumating na ilang customer kaya naputol ang pagkukwentuhan nila. Bandang alas sinko ng hapon, nakita ni Maine at Julia na naglalakad-lakad si Diane sa beach. Maya't maya itong tumitigil at parang hawak ang balakang. Nilapitan ito ni Maine at Julia.

Maine: Diane, ok ka lang?

Diane: Ok lang ako, mukhang naglalabor pain lang.

Julia: Ano?!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon