Chapter 19 - TLC (tender loving care)

2.4K 146 4
                                    

Samantala sa bahay nila Tisoy, binanlawan ni Maine ang face towel sa malamig na tubig na may yelo na nasa planggana na ipinatong niya sa lamesang katabi ng hinihigaan ni Tisoy.

Maine:  Alden, pupunasan kita ha.

Pinunasan niya ang mukha at ulo ni Tisoy, umungol ito. Pagkatapos ang leeg at batok naman.

Binanlawan ulit ang face towel.

Maine:  I'll take your shirt off para mapunasan pati ang katawan mo.

Nang mahubad ang t-shirt ni Tisoy, namula ang mukha ni Maine.  Hinaplos niya ng basang tuwalya ang katawan nito. Umungol ito na parang nasasaktan. Tinuyo niya ng bath towel ang dibdib at tyan. Itinagilid ang katawan ni Tisoy at pinunasan ang buong likod at tinuyong muli ng malaking tuwalya.  Binanlawan ang tuwalya at pinunasan ang kamay at buong braso hanggang sa balikat.   Kinagat ni Maine ang labi niya hindi kasi niya mapigil na manggigil sa biceps ng binata. Napabulong sa sarili, "nagkakasala ako nito eh."  Nagsign of the cross at bumulong, "sorry po ."  Nang matapos sinuotan ng  bagong t-shirt si Tisoy.  Binanlawan muli ang tuwalya at pinunasan naman ang binti at hita nito. Pagkatapos pinilit gisingin si Tisoy.

Maine:  Tisoy, gising ka muna, kailangan mong punasan ang sarili mo at magpalit ka ng jogging pants.

Nagising naman si Tisoy at kilala niya ang boses na naririnig niya. Ayaw niyang imulat ang mata. Nahihiya siya kay Maine. Pero humiga siya ng maayos. inilagay ni Maine ang tuwalya sa kamay niya nagpunta ng kusina at inilaga ang luya.  Naginit din siya ng langis na pinigaan ng kalamansi para maipahid sa likod, dibdib at lalamunan nito. Nang matapos magpunas at magpalit ng jogging pants ni Tisoy habang nakahiga. Inilagay ang basang tuwalya sa planggana. Inayos ni Maine ang kumot niya.  Kinuha ang palanggana pinalitan ang tubig at nilagyan ulit ng yelo. Naupo siya sa tabi ni Tisoy, binanlawan ang tuwalya, piniga at inilagay sa noo ni Tisoy.  Isinalang sa kaldero ang dalang lugaw para uminit.  Naglagay sa mangkok ng lugaw ng mainit na ito. Ipinatong sa malaking pinggan at  dinala sa  mesa sa harap ni Tisoy. 

Maine:  Maupo ka muna, sabi ng Tatay mo, tinapay lang daw ang kinain mo. Papano kang lalakas non tsaka hindi ka pwedeng uminom ng gamot na gutom ka. Dinalhan kita ng lugaw, kumain ka muna.

Hinawakan ni Maine ang pinggan, inunahan ni Tisoy si Maine na hawakan ang kutsara pero nanginginig siya.

Maine:  Ako na kasi, huwag ka ng umarte dyan, ngumanga ka na lang  at kumain.

Sinubuan siya ni Maine.

Tisoy:  Galit ka ba?

Maine:  Hindi, naiinis lang.

Tisoy:  Eh bat ganyan ang mukha mo? Ang sagwa ng itsura mo.

Maine:  Gusto mong ibuhos ko itong lugaw sa yo?

Tisoy:  Huwag ka na kasing sumimangot eh.  Hindi bagay sa yo nakakainis ang itsura mo.

Maine:  Ano na naman? Nakakamukha ko na naman ang ex mo?  Ayaw mo non eh di parang siya ang nagaalaga sa yo.

Tisoy:  Hindi bale na lang, hindi ko kailangan ng magaalaga sa akin kung mukha niya lang makikita ko.

Tumayo si Maine, at tatalikod na. Hinawakan ni Tisoy ang kamay nito,

Tisoy:  Joke lang, wag ka na kasing mainis lalo akong magkakasakit kapag ganyan ang itsura mo eh.

Maine: Papanong hindi maiinis, sinabi ko sa yo nung inabutan tayo ng ulan ideretso mo ng ligo hindi mo ginawa.  Sinabi ko din sayo ipahinga mo ang katawan mo, huwag mong abusuhin pero sige ka pa rin.  Pupunta ng airport, magto-tour tapos paguwi tutulungan  mo pa ang tatay mo. Gabing-gabi ka ng natutulog tapos gigising ng maaang maaga para magsimba.  Bakasyon nga sa skwela para makapagpahinga eh.   Ikaw sige pa rin. Ano bang akala mo ikaw si Superman? Man of steel? O Ironman na hindi tinatablan ng sakit. 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon