Chapter 44 - Letting go

2.9K 143 4
                                    

Lulan ng Van sina Arturo, Rosario, Tisoy, Julia, Diane, Sam at Vinz para ihatid si Maine sa Airport.

Vinz:  Oh huwag mong kalimutan ang pasalubong ko gusto ko CK na pabango, paborito ni Julia yon.

Maine:  Oo na!

Sam:  Maine, ano nga ulit ang size ng shirt ko at pants?

Maine:  Large at 34, any color huwag lang red shirt.  Kabisado ko na Sam.

Nagtawanan sila.  Alam ni Maine, kinukulit siya ng mga ito para huwag siyang malungkot.

Arturo:  Ako kaya anong mahinging pasalubong?

Sabay-sabay na sumagot si Tisoy, Vinz at Sam ng "Viagra!"

Ang lakas ng tawanan nilang lahat.

Arturo:  Mga damuhong ito, hoy! baka mas marami pa akong nagagawa sa inyong tatlo!  Hindi ba Rosario?

Hinampas ni Rosario si Arturo.  Lalo silang nagtawanan.

Diane:  Ako walang hihinging pasalubong basta dapat paguwi mo may dala kang light blue na gown para isuot  sa kasal namin.

Maine:  Got that Diane!

Julia:  yung sa akin alam mo na girl.

Vinz:  Ano yon?

Maine:  Secret

Tisoy:  Alam ko na yan... lace underwear o kaya edible 

Kinurot ni Julia si Tisoy.  Tawa sila ng tawa.  Kung pakikinggan sila iisipin mong masaya silang lahat, lalong lalo na si Tisoy pero ang totoo, naninikip ang dibdib nito kaya panay ang inom ng tubig.

Tisoy:  Mahal, pagdating mo don, tumawag ka ha.  At lagi akong magoonline kaya anytime icheck mo lang kung online ako or leave a message kung anong oras ka magoonline. Tapos magpunta ka sa Doctor mo magpacheck up ka.

Maine:  Opo.

Rosario:  Anak, kapag kailangan mo ng tulong magpasabi ka lang madali naman kitang mapupuntahan ha.  Kapag hindi ka sigurado sa kung anong dapat gawin make sure you talk to your lawyer or humingi ka ng advice the Uncle mo.

Maine:  Opo Ma.

Arturo:    Pipilitin naming ayusin ang papeles ni Tisoy at susubukang makakuha ng Visa para madalaw ka niya doon kung sakaling magtatagal ka.

Maine:  Salamat po Tito.

Inakbayan ni Tisoy si Maine at hinimas ang braso nito at ngumiti.

Maine:  Mahal, magaral kang mabuti ha.  Dapat maraming Uno na grades ha.

Tisoy:  Pangako Mahal, lalo na ngayon sa pagaaral na lang naman at sa negosyo ko ibubuhos ang oras ko.

Maine:  Alagaan mo si Mama at si Tito ha.

Tisoy:  Opo

Hanggang makarating sila ng airport panay ang bilin nila sa isa't isa.  Ibinaba ni Sam at Vinz ang gamit ni Maine.  Isang malaking maleta at knapsack ang dala nito.   Mahigpit ang pagkakahawak ni Maine sa kamay ni Tisoy. Dahil kilala sila Tisoy sa Airport, nakapasok naman sila sa loob hanggang sa waiting area.  Naupo sila doon at hinintay na matapos ang pagcheck-in ni Maine.

Panay lang ang kwentuhan nila habang naghihintay ng boarding time.  Makalipas ang isang oras narinig na nilang inannounce na  boarding na ang flight na sasakyan ni Maine. Isa-isa ng lumapit ang mga kaibigan niya sa kanya nagpaalam at yumakap.

Lumapit si Arturo.

Arturo:  Magiingat ka. Balitaan mo kami ha.

Yumakap si Maine.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon