Chapter 43 - My all (Strictly for adults only)

3.5K 164 7
                                    

Nagising si Maine bandang alas kwatro ng hapon na magkayakap sila sa couch ni Tisoy. Napangiti si Maine.  Hinalikan ito sa baba. Bahagyang kumilos si Tisoy idinantay ang hita sa balakang ni Maine.  Hinalikan ito sa ilong at nagmulat ng mata.

Tisoy:  Masarap matulog kapag katabi ka.

Maine:  I did have a good sleep too. Pero mahal pwede bang magswimming na tayo sayang yong beach kung matutulog lang tayo dito.

Tisoy:  Ok, ok... pero five minutes pa please.

Niyakap ng mahigpit si Maine at isiniksik ang mukha sa leeg ng kasintahan.  Nang biglang kumatok si Sam.

Sam:  Lovebirds gising na, swimming time na.

RJ:  Istorbo ka talaga kahit kailan Samuel! Oo na babangon na!

Tumayo si Maine, wala ng nagawa si Tisoy kung hindi bumangon na din.  Magkahawak kamay sila lumabas ng kwarto  bitbit ni Tisoy ang snorkeling gear nila at bitbit ni Maine ang isang towel at ang underwater camera.

Pinuntahan nila ang mga kaibigan na nasa beach na.  Hinubad ni Julia at Diane ang shorts at shirts na suot.   Si Julia naka red na two piece si Diane na kablue.  Nauna na ang mga boys sa tubig. Hinubad ni Maine ang shorts at blouse, suot nito ang black and white stripped two piece bikini.

Julia:  Sabi ko sa yo girl, that two piece really looks good on you.

Napangiti si Maine. Sabay-sabay na naglakad ang tatlo.  Napatingin si Sam...

Sam:  That is a very beautiful scene, look guys... 

Vinz: How did we get so lucky!

Tisoy:  I know right?!

Nagtawanan sila. Lumangoy palapit sa kanila ang mga dalaga. Hinintay ni Tisoy si Maine na umabot sa harap niya tsaka siya umatras ng umatras hindi siya maabot nito. Huminto sa paglangoy at iniangat ang ulo sa ibabaw ng tubig.  Natawa si Tisoy. Naglip-out si Maine ng makitang tumatawa ito. Inismiran siya at lumangoy palayo.

Tisoy:  Mahal joke lang...

Lumangoy si Tisoy para habulin ito.  Niyakap niya ito ng abutan niya. Mayamaya nagkayayaang magpunta sa may Port at magsnorkeling.  Isang oras din silang nagsnorkel.  Tuwang tuwa sa mga magagandang corals doon at iba't ibang klase ng isda.  May nakita din silang clown fish at blue tang fish.

Maine:  ang cute si Nemo at Dora nandidito.

Kinuhanan niya ng litrato.  Nagpicture taking din sila underwater. Dalawang oras din silang naglangoy.  Bandang alas sais.

Maine:  Aahon na ako aayusin ko pa dinner natin.

Tisoy:  Mahal tulungan na kita.

Napangiti na lang ang mga kaibigan nila at nagpatuloy sa paglangoy. Nakahawak si Tisoy sa bewang ni Maine habang naglalakad.  Nanukso si Sam.

Sam:  Tisoy, ano masarap bang makahawak ng sexy?

Tisoy:  Bwiset! 

Natawa si Maine. Dinampot ang shorts at blouse.  Dinampot ni Tisoy ang t-shirt niya at ang tuwalya at ibinalabal kay Maine.  Nagpunta sila sa kusina ng resthouse.

Inilabas ni Maine ang sugpo, liempo at bangus belly.  

Tisoy:  Anong lulutuin mo Mahal pa maiayos ko yung mga gulay na kailangan mo. 

Maine:  Magsisigang na lang ako ng bangus belly tapos, garlic buttered shrimp at inihaw na liempo.

Inilabas ni Tisoy ang kalamansi, kangkong, labanos, sitaw, kamatis at bawang. Nagpabalik balik sa kusina ang dalawa.  Ilang beses na muntik magkabungguan natatawa na lang.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon