Chapter 54 - Father & Son

4K 170 9
                                    

Naging busy si Tisoy at Maine na ayusin ang magiging kwarto nila sa Bartolome.   Ipinalinis ang mga aircon sa kwarto. Inayos din ang maliit na kwarto sa ibaba. Pati na ang kwarto ni Maine at Julia na ipapagamit nila sa kaibigan nito.  Kaya araw-araw silang magkasama. 

Kitang kita ang pagiging sweet ni Maine kay Tisoy. Nandiyang igawa ng sandwich dalhan ng iced cold water at punasan ng pawis.  Si Tisoy naman ganon din, kapag darating sa bahay may dalang hopiang munggo, bibingka ni Nana Ebeng o Starbucks Coffee Jelly at madalas may tatlong dilaw na bulaklak na kasama.

Umaga ng Sabado ang dating ng mga kaibigan ni Maine kasama ang anak at Yaya nito. Si Mang Rene at Maine ang susundo sa kanila. Gusto ni Tisoy na ipagdrive si Maine pero ayaw nito.  Ang sabi tulungan na lang niyang magluto ng seafood na pinamili nila si Nanay niya.  Kaya wala ng nagawa si Tisoy. Alas diyes ang dating ng flight.

Bandang alas onse, huminto sa tapat ng Roma's ang Van at ang kotse ni Maine.  Sakay ng Van ang magasawang Craig at Jenna at sakay naman ng kotse si Atty. Fernandez, si Yaya at si Adie.

Pinagbuksan ni Rosario ng pinto sila Maine.

Maine:  Ma, this is Atty. Craig and his wife Jenna at si Atty. Fernandez.

Rosario:  Hello, come in.

Maine:  Si Yaya Flor at syempre ang baby ko si Adie.  Adie, bless to Lola and what will you say?

Nagmano si Adie kay Rosario, humalik sa pisngi at yumakap.

Adie:  elo, Lola.

Rosario:  Oh my God ang cute ng apo ko!  Arturo! Nandito na ang apo natin!

Nakatayo sa salas si Arturo, Sam, Vinz, Julia, Diane.  Si Tisoy naman nasa Roma's at nagbabantay.

Maine:  Tay, natatandaan po ba ninyo si Atty.  Fernandez at Jenna?

Arturo:  Oo naman, A&M Furnitures. 

Jenna:  Pasensya na ho kayo napagutusan lang ako na humarap sa inyo.

Maine:  Si Jena ang kasosyo ko sa A&M furnitures.  This is Atty. Craig asawa ni Jenna, si Yaya Flor at ang baby ko si Adie.  Sila naman ang mga kaibigan namin. Sam, Vinz, Julia at Diane.

Arturo:  Maupo kayo.  Have a sit.

Naupo naman silang lahat.

Craig:  You don't have to translate Tatay, I can understand tagalog.  It's just hard to speak it. Pero magandang umaga po (slang na sabi ni Craig)

Arturo:  mabuti naman kung ganon at baka maubusan ako ng english.

Nagtawanan sila.  Biglang pumasok si Tisoy.

Tisoy:  Nay, isinara ko na ho yung kainan at baka dumating na sila... 

Natigilan si Tisoy. Napatingin sa mga tao doon.  Unang tumayo si Atty. Fernandez, tumayo din si Jenna at Craig.  Nakipagkamay si Atty. Fernandez at nagbeso si Jenna.

Atty.  Fernandez:  Nice, to see you again Alden.

Jenna:  Hi Alden! This is my husband Craig.

Lumapit si Craig, kinamayan at inakbayan si Tisoy.

Tisoy:  Hi everyone... surprised to see you here.

Yaya:  Sir Alden?

Tisoy:  Yaya?... Adie?... 

Yaya:  Kaya naman pala kamukha mo at gustong gusto ka ni Adie eh...

Hindi makapagsalita si Tisoy... nakatingin kay Maine.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon