Chapter 62 - Unconventional

3.3K 136 4
                                    

Apat na araw bago tuluyang gumaling si Tisoy.  Sa loob ng apat na araw na yon si Maine ang nagalaga sa kanya.  Araw-araw na dumadalaw ang mga kaibigan ni Tisoy na sila Sam at Diane, Vinz at Julia, Paeng at pati si Badong.  Nung ikaapat na araw, naguwi si Arturo ng pito-pito, sabi ng mga matatanda mabisa daw ito para sa mga nagkasakit para hindi mabinat.  Pinakuluan ito ni Maine kasama ang talbos ng bayabas.  Isinama sa tubig na pampaligo ni Tisoy.  Inayos ni Maine ang damit nitong bihisan at tsaka tinawag para maligo.  Nasa kwarto non sila Rosario, Arturo at Adie.

Maine:  Oh, ready na yung pang paligo mo.

Binuksan ni Tisoy ang pinto ng banyo.  Nakita niya ang nakalatag na mga dahon-dahon sa sahig  pinipigil ni Maine ang matawa.  

Tisoy:  Ano to?  Nay naman hindi naman ako nanganak eh.  

Rosario:  Hindi lang yan para sa mga nanganak ginagawa yan para hindi ka mabinat.  Bilisan mo pumasok ka na sa loob at sayang ang usok.

Tisoy:  Nay naman eh yung tubig nito kulay brown eh, malinis ba ito?

Rosario:  Oy, Alden  gusto mong kutusan kita, papasok ka at maliligong magisa o ako ang magpapaligo sa yo.

Maine:  Adie, look at Papa, matigas ang ulo oh.

Adie:  papa, you have to follow Lola and Mama, good for you.

Tisoy:  Oy Mendoza, panay ang ngiti mo dyan lagot ka sa akin mamaya.

Walang nagawa si Tisoy kung hindi  ipaligo ang tubig na may pinakuluang pito-pito at talbos ng bayabas.

Kinabukasan, bumalik na sa pagtatrabaho si Tisoy.  Makalipas ang ilang araw ipinatawag siya sa munisipyo. May trabahong ipinagagawa si Mayor. Habang kausap si Mayor may naglalaro sa isip ni Tisoy at isinangguni ito kay Mayor.  Paguwi nito dumerecho siya sa Roma's.  Nasa salas ang kanyang magina.

Adie:  Papa!  Papa! 

Tisoy:  Hi Baby!

Yumakap si Adie kay Tisoy at nagpabuhat. Humalik naman sa pisngi ni Maine si Tisoy.

Tisoy:  Ang bango naman ng baby ko.

Maine:  ako ba o si Adie?

Tisoy:  syempre pareho kayo.

Adie:  Adie and Mama took a bath na Papa.

Tisoy:  Aba mukha dumederecho na ang pagsasalita mo ah.

Maine:  Marami na siya nakukumpleto na sentences ng hindi siya nabubulol.  Pakinggan mo... Adie, tawagin mo na si Papa lunch time na.

Adie:  Papa, kain na po.

Maine:  Adie, what's your name?

Adie:  My name is Alaine Dennis M. Richards po.

Tisoy: Wow!

Maine: How old are you baby?

Adie:  I am 3 years old... ay mali Mama

Maine:  Tama baby, you are still 3 pero after 5 days 4 ka na.

Tisoy:  Birthday niya sa linggo?

Maine:  Oo

Tisoy:   Hindi ka magpapaparty?

Maine:  Hindi na siguro, sa dami ng nangyari nawala na sa isip ko eh.  Magluluto na lang siguro tsaka bibili ng cake.

Tisoy:  Baby, anong gusto mo sa birthday mo?

Adie:  Mcdo Papa and balloons

Tisoy:  Eh di pupunta tayo sa Mcdo tsaka bibili ng balloons.

Adie:  Yehey! Mama you heard that?

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon