Chapter 46 - Waiting...

2.2K 138 7
                                    


Dumaan ang isang buwan, wala pa rin.  Hindi pa rin nakikita ni Tisoy na nagoonline si Maine. Tinanong niya si Rosario kung tumatawag ba ito. Sabi ni Rosario hindi na nga daw tumawag pa sa kanya. Ang huling balita niya may buyer na yung bahay. Dumaan ang anim na buwan na walang balita sila Rosario kay Maine. Kahit sa mga social media accounts nito hindi ito naguupdate.

Si Tisoy naging malulungkutin, sinisisi ang sarili sa nangyari sa kanila ni Maine. Ilang beses ng umuwi ng lasing na lasing. Nagalit si Rosario...

Rosario: Ano ba naman ang ginagawa mo sa sarili mo Alden? Kahit magpakalunod ka sa alak hindi mo maibabalik si Maine dito!

Tisoy: Kasalanan ko 'to Nay, kung hindi ko siya inaway hindi siya titigil ng pakikipagcommunicate sa atin. Namimiss ko na siya Nay, nagaalala na ako baka kung ano ng nangyari sa kanya.

Rosario: yun naman pala eh bakit hindi ka gumawa ng paraan para makita siya, hindi yung nagpapakalasing ka wala namang naitutulong yan sa yo. Kung hindi ka gagawa ng paraan Tisoy baka tuluyan ng mawala sa yo si Maine.

Natauhan naman si Tisoy. Pagdating ng bakasyon, lumuwas ng Maynila. Inasikaso ang mga papeles niya at kumuha ng passport. Nang magkaron ng passport, sinubukang mag-apply ng Visa papuntang america pero na denied naman. Maghihintay na naman siya ng ilang buwan para makapagapply ulit.

Samantala, si Maine naman nanatili sa hospital ng apat na buwan, naayos naman nila ng abogado ang halos lahat sa mga kailangang ayusin kahit na nasa hospital siya. Nabenta niya ang bahay at lahat ng mga stocks na naiwan ng ama. Nagpasyang umuwi sa Pilipinas, nagkataon namang pupunta ng Pilipinas si Craig para sa kasal niya. Pinay ang girlfriend ni Craig taga Maynila. Naisip ni Maine, mas mabuting sa Maynila na siya manganak para magiging madali ang pagaayos ng papeles nito dahil Pilipino ang Ama at gusto din niyang asikasuhin ang pagkakaron ng mga investment sa Maynila kaya sumabay siya kay Craig na umuwi ng Pilipinas.

Nagstay sa isang hotel si Maine habang nasa Maynila, pero mabilis din namang nakabili ng fully furnish na condo unit. Isang two bedroom condo ang nabili niya.  Nakiusap naman si Craig na kung maaari pagkatapos ng kasal magrenta sila ni Jenna sa unit ni Maine.  Kaya ng maikasal  sila Craig, sa condo unit ni Maine sila ngstay ni Jenna habang nasa Maynila si Craig para ayusin ang mga papeles ni Jenna para maisama niya ito sa States. Kaya ng manganak si Maine, si Jenna at Craig ang kasama nito. Isang baby boy ang naging anak ni Maine. Masayang masaya siya dahil ang anak, kamukhang kamukha ng ama. 

Natuwa naman si Jenna na alagaan ang anak ni Maine, practice na din daw niya habang wala pa silang anak ni Craig.  Alaine Dennis  ang ipinangalan ni Maine sa anak, Adie ang palayaw nito.  Dahil may nagaalaga naman kay Adie, naasikaso ni Maine ang investment na gusto niyang gawin. 

Isang araw nagulat si Sam, may tumawag sa kanya inirefer daw ni Maine, gusto daw kasi nitong bumili ng beach front property at sinabi sa kanya ni Maine na may alam si Sam.  Ibinigay naman ni Sam ang contact number ng property sa Pamilacan.  Nakamusta din niya si Maine, ang sabi ng lalaking kausap niya maayos naman ito sa Amerika, nagkasakit kaya nabed ridden ng ilang buwan pero ok na ngayon. Itatanong pa sana niya kung paanong mako-contact ito pero naputol na ang linya.

Nagmamadali si Sam na puntahan si Tisoy.

Sam:  Tita Rio, may balita na po ba kayo kay Maine?

Rosario:  Wala pa nga eh.  Bakit?

Sam:  Si Tisoy ho?

Tisoy:  Bro, kamusta anong balita?

Sam:  Tisoy, may tumawag sa akin nirefer daw siya ni Maine dahil gusto niyang bumili ng beach property at ng kamustahin ko si Maine ang sabi niya,  nagkasakit daw si Maine at kinailangan ng complete bed rest.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon