Chapter 25 - ulterior motive

2.3K 149 2
                                    

Naging maayos at masaya naman ang mga dumaan na araw at linggo sa buhay nila. Kapag tanghali at break sa school tumutulong si Tisoy sa Roma's at doon din dumederetso pagkatapos ng klase.  Kaya araw-araw silang magkakasamang gumagawa ng assignment at nagaaral.  Kapag may dumadating na customer si Tisoy sa griller at prepation si Maine naman ang nagluluto.  Umuuwi lang si Tisoy kapag magsasara na.  Si Arturo naman kapag walang ginagawang trabaho nagpupunta sa Roma's at tumutulong sa pagbabantay.  Kaya madalas inaabutan ito nila Tisoy doon. Katulad ng gabing yon. 

Tisoy:  Mano po Tay, Nay.  Kanina ka pa Tay?

Arturo:  Oo, walang magawa sa bahay.  Boring!

Tisoy:  Wow! Nabobored ka na ngayon Tay ah.

Arturo:  Oo nga eh, kaya naisip ko baka pwede kong hiramin yung computer mo Maine at panoorin yung ilang mga video na sinasabi ng Nanay mo.  

Maine:  Ay opo Tito, eto po... teka icoconnect ko lang sa internet.  Ayan... tapos punta tayo sa youtube.com tapos type natin wood work.  Ayan Tito, lahat yang mga video na yan puro tungkol sa woodwork kapag hindi ninyo gusto pili lang kayo ulit ng iba, iclick niyo lang yung mouse. Eto po headset para marinig ninyo ng maigi ang sinasabi.

Nakaupo sa cashier si Rosario napangiti lang ito at katabi niya si Arturo.  Tahimik na nanood at nakinig si Arturo. 

Tisoy:  Don na ho kaya kayo sa salas ni Nanay para makapagpahinga naman ho siya.  Kami na ho ang magbabantay dito.  Wala naman ho akong assignment eh.

Maine:  Oo nga Ma, ako naman reading assignments lang.  Sige na po doon na kayo sa loob. 

Pagpasok sa loob, ipinatong ni Arturo ang laptop sa mesa naupo ito.  Si Rosario naman isinandal ang katawan sa couch at itinaas ang paa sa lamesa.

Arturo:  Rosario, sa palagay mo ba kakayanin ko yung seminar?  Nakakahiya kasi eh baka yung mga umattend don mayayaman at magagaling.

Rosario:  Kung mayaman hindi na magtatrabaho, malamang ang mga makakasabay mo mga kapwa mo karpintero o kaya mga baguhan sa pagkakarpintero.  Arturo,  wala kang dapat na ikabahala, seminar yan at magbabayad ka naman.  Maaring marami kang hindi alam pero kaya ka nga aattend di ba.  Hindi ka din dapat mahiya, magaling ka, marunong kang makipagkapwa tao at gwapo pa.

Arturo:  Rosario, halatang halatang binibola mo ako.

Natawa si Rosario.

Rosario:  Hindi kita binobola, naalala mo ba pinagaagawan ka nung mga kaklase natin nung high school.  Nagaway pa nga sila Carol at Belinda ba yon. Tapos sa inis ko sabi ko, pinagaagawan ninyo eh ako naman ng gusto ni Arturo.  Pulang pula ang mukha mo sa hiya ng marinig mong sinabi ko yon eh.

Arturo:  at ang yabang mo naman porke alam mong totoo na ikaw ang gusto ko.

Narinig ni Tisoy na nagtatawanan sila, nilingon niya ang mga ito mula sa pinto galing sa kainan. Nakita siya ni Maine.

Maine:  Kung may sasabihin ka na namang hindi maganda tungkol kay Mama ayokong marinig.

Tisoy:   Wala naman eh, naisip ko lang kung masaya na si Tatay ok na din. Maaring unconventional ang pamilya namin at least masaya naman.

Napangiti si Maine at bumalik na sa pagbabasa.

Arturo:  Rosario, totoo bang sasamahan mo ako kung sakali?  Alam mo namang kahit kelan hindi ako lumayo sa lugar natin kaya parang kinakabahan ako eh.

Rosario:  Oo sasamahan kita. Gusto mo tignan natin kung meron tayong makita sa internet. Akina, maghahanap ako.  Oh eto merong Biyernes,  Sabado at Linggo.   Yung Biryernes - Basics: Marking & Measuring, Handtool Techniques, Sawing Techniques, Shaping, Joinery and Finishing,  3,500 with free book and 3 meals;  Yung Sabado naman - Design: Designing by foot, hand and eye and how to use the versatile Chisel. Hands on training on using the chisel by Jeff Miller, 5,000 with free chisel,  book written by Jeff Miller and 3 meals; Tapos yung Linggo - Advance: Learning how to make contemporary furnnitures: Folding and collapsible and Learning how to build big projects like a Deck. 3,500 with free book and 3 meals

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon