Chapter 60 - Insecurities

3.5K 167 8
                                    

Puspusan ang pagtatrabaho ni Tisoy ng mga sumunod na linggo.  Gumigising siya ng maaga para sumundo sa airport ng mga guests ng BBC.  Tinanggap din niya ang pagpapagawa ng bagong mga silya at lamesa si Kate para sa river cruise niya pati na ang buffet table na korteng bangka. Patapos pa lang yon, tumanggap na naman siya ng order ng silya at lamesa para sa isang seafood restaurant.  Desidido si Tisoy na dagdagan ang ipon niya, kaya ng lumapit ang isang bagong resort at alukin siyang idesign ang bagong hotel at cottages pumayag siya dahil malakilaking halaga ang inialok nito.

Pero araw-araw simula alas syete ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi itong nagtatrabaho. Umuwi sa Roma's para mananghalian at makalaro sandali si Adie at sa gabi naman dumadaan para makipagkwentuhan kay Maine hanggang bago magalas diyes.  Paguwi sa bahay, ginagawa ulit ang designs ng hotel.  Mahigit isang buwan na ganon si Tisoy hanggang matapos ang designs at mabayaran siya.

Nagtataka na si Maine.  Isang gabi habang hinihintay na dumating si Tisoy, hindi na napigilan ni Maine na tanungin si Arturo.

Maine:  Tito, madami ho bang trabaho sa pagawaan?

Arturo:  Oo Hija, panay ang tanggap ni Tisoy eh, nagdagdag na nga kami ng dalawang tao tapos nagoovertime pa rin mga tao para masiguradong aabot sa deadline.  Tapos may ginagawa pa siyang designs para sa isang Resort.  Hindi ko nga alam kung nakakatulog pa ba siya eh.

Maine:  May kailangan ho ba siyang pera bakit hindi na lang ho magsabi sa akin?  Pwede ko naman siyang pahiramin.  Hindi yung pinapatay niya ang katawan sa kakatrabaho.

Arturo:  Ewan ko ba don.  Sabi nga ni Kanor, nung birthday ni Mayor, kinuha siya para magperform pumayag naman siya at alas  tres na ng umuwi. Nung tanungin ko sabi malaki daw kasi ang bayad sa kanya.

Maine:   Nagaalala na ho kasi ako,  baka mamaya magkasakit na sa sobrang kakatrabaho eh. Kapag  umuuwi dito para mananghali ang bilis kumain hindi ko alam kung nabubusog ba siyang talaga o masabi lang na kumain siya. Pag tinanong naman sabi para daw mas marami ang oras ng pakikipaglaro niya kay Adie.  Sa gabi naman pilit kong pinapauwi ng maaga pero ayaw, kasi yun lang daw ang time na magkasama kami.

Nang gabing yon paguwi ni Tisoy mula sa pagdalaw kay Maine, sinundan ito ni Arturo. Nagtataka si Arturo ibang daan ang tinahak nito.  Nagulat siya ng magpark ito sa isang restaurant.  Bumaba na bitbit ang gitara. Nabasa niya sa karatula sa labas.

"Tagbilaran's Acoustic Singer - Alden Richards  at 10pm every night."

Nagpark si Arturo sa di kalayuan.  Lumapit sa gwardiya at nagtanong. 

Arturo:  Kailan pa ho nagsimula yang singer ninyo?

Gwardiya: Magdadalawang linggo na ho. Dinadayo nga ho kami dito, palagi kaming puno hanggang alas dos ng madaling araw.

Arturo:  Alas dos? 

Gwardiya:  Oho, 10pm to 2am ho kasi ang show niya. Magbebreak lang ho ng 15 minutos kada isang oras.  Magaling ho talaga siya at natutuwa ang mga turista dahil lahat ng irequest nila alam niya kaya malakas din ho siyang kumita ng tip.

Arturo:  Oo nga magaling siya, mabuti nakita ko ang karatula ninyo gustong gusto siya ng anak ko eh.

Gwardiya:  Mabuti po napadaan kayo kasi ngayong buwan lang siya magpeperform dito.

Arturo:  Ganon ba?  Hindi bale bukas na bukas dadalhin ko dito ang anak ko.  Salamat ha.

Gwardiya:  Sige po.

Lulan ng kotse, tahimik na nagiisip si Arturo.  Dumerecho siya sa Bartolome at hinintay ang pagdating ni Tisoy.  Nagulat si Tisoy ng makita ang sasakyan sa harap ng bahay.  Kinabahan na siya alam niyang magtatanong ang Tatay niya.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon