Chapter 18 - Paghahanap

2.2K 144 4
                                    

Bawat araw na dumaan, nagiging mas lalong malapit si Tisoy at Maine sa isa't isa. Magkatulong sa lahat ng assignment at project sa eskwela.  Alam na nila ang ayaw at gusto ng isa't isa.  Si Maine, bilib sa sipag, tyaga at prinsipyo ni Tisoy; nagustuhan niya ang pagiging totoong tao nito lalo na hindi naging hadlang ang kahirapan para ipagpatuloy ang mga pangarap niya at saludo siya sa kabutihan at kabaitan ng puso ni Tisoy.  Samantalang si Tisoy naman, nakita na hindi naman talagang namimili ng kaibigan si Maine.  Nakita niyang kahit laki sa amerika malayo ito sa pagkaliberated ng mga tao doon at  kahit mayaman ito, simple lang na tao at hindi materialistic.  Higit sa lahat, may pagkasentimental.

Lumipas ang dalawang buwan, Disyembre na at magsisimula na ang simbang gabi kinabukasan. 

Rosario:  Maaga kayong matulog at simbang gabi na. Alas sinko ang Misa sa Baclayon.  Dapat alas kwatro gising na kayo at kinse minutos ang byahe papunta doon.

Maine:  Opo Ma.

Rosario:  Sasabay bang magsimba ang mga kaibigan ninyo?

Julia:  Doon na po tayo magkikitakita.

Maine:  Ma, bakit sa Baclayon ninyo gustong magsimba? Eh may mas malapit na simbahan naman. 

Rosario:  Kasi doon kami nagsisimba ng Mama mo noon.  Doon din namin nakilala ang Papa mo, ang bestfriend ko at ang ama ng anak ko.

Maine:  So iniisip mo po, na baka sakaling nandito pa ang bestfriend ninyo at magsisimba siya doon?  Bakit ho ba hindi na lang natin puntahan ang dating bahay ninyo?

Rosario: Ang totoo nak, sa laki ng ipinagbago ng lugar na ito, hindi ko na alam kung saan. Hindi din naman ako palalabas noon kaya ni hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng lugar. Nung isang araw sinubukan kong sumakay ng jeep baka mapadaan sa lugar na pamilyar sa akin pero wala.  Gusto ko sana siyang makita bago siya magbente sinko anyos.

Maine:  Magbebirthday na ho ang anak ninyo?

Rosario:  Oo sa Enero.  Hindi ba sumakay na kayo sa River Cruise?  Pwede bang  samahan ninyo ako? Ang natatandaan ko kasi may parte ng River na dinadaanan ang lugar namin.   Baka kapag sumakay tayo at makilala ko yung lugar pwede tayong magtanong kung anong lugar yon.

Maine: Sige ho, minsan ho sasakay tayo,  gusto ninyo sa weekend.

Magkakasabay nga na umaattend ng simbang gabi si Rosario, Maine at Julia sa Baclayon. Nagsisimba din si Tisoy kasama si Arturo, Vinz, ang Nanay at Kapatid ni Vinz, Sam at Paeng. Laging nagpapaiwan si Arturo sa labas ng simbahan.  Kaya kahit magkakatabing nauupo ang grupo ni Maine at grupo ni Tisoy kahit minsan hindi pa nagkikita si Arturo at Rosario.

Hanggang isang araw sa labas ng simbahan nauna ng umuwi sila Tisoy.  Dumaan naman para bumili ng bibingka sila Rosario.

Rosario:  Dati may nagtitinda ng bibingka dito si Aling Ebeng, napakasarap ng bibingka niya. Hindi ko lang alam kung pumupwesto pa sila dito sa labas ng simbahan.

Mayamaya, narinig nila ang isang babae, "Nay, huwag mong kalimutan nagpapabili ng bibingka si Lola kay Nana Ebeng."  Nagmamadali si Maine na nilapitan ang babae at tinanong kung saan ang bibingkahan ni Nana Ebeng.  Itinuro ito ng babae sa kanila. Iniwan ni Rosario si Maine at Julia sa sasakyan at sumama sa babae para puntahan ang tindahang sinasabi nito.

Nang makita ni Rosario ang matanda, napaiyak ito. Isang babae ang lumapit sa kanya at nagtanong kung bakit?

Rosario:  Siya na ba si Nana Ebeng yung dating nagtitinda ng bibingka na nakalamesa lang sa may simabahan?

Babae:  Oho, Lola ko ho. Kilala ba ninyo siya?

Rosario:  Oo kilala ko siya pwede ko bang lapitan?

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon