Chapter 37 - memories

2.7K 154 5
                                    

Natapos na ang second sem, magaganda ang mga grades ni Tisoy at Maine.  Si Tisoy may dalawang grade na uno at si Maine tatlo kasama na ang English.   Unang araw ng bakasyon, inalis nila ang mga balikbayan boxes na nasa dulo ng garahe na nagsilbing bodega.  Mga personal na gamit ng pamilya ni Maine na naiwan sa kanya.Inilagay iyon lahat sa isang gilid sa salas.

Dahil bakasyon, madalas na magkasama si Maine at Tisoy, kung hindi sa pagbabantay sa Roma's, nasa bahay naman sila nila Tisoy sa Bartolome at ipinagluluto sila ni Maine ng pagkain habang gumagawa sila ni Arturo ng woodwork at nakikipagkwentuhan ito kay Aling Mameng o kaya nakikipaglaro sa mga bata.  Minsan sinasamahan si Diane na magbantay ng shop.

Sinimulang ipagawa ni Arturo ang area ng garahe para maging showroom ng mga woodworks nila ni Tisoy.  Halos araw-araw ng buong linggo na yon busy si Tisoy sa paggawa ng mga woodworks na natapos nya ay ang letter M na magazine rack, triple coin keeper, ballpen holder at ang table magazine rack. Siya ang nagdesign, si Mang Arturo ang bumuo at siya ang nagfinish. Enjoy si Tisoy sa ginagawa at gusto na niyang matapos ang mga ito dahil kinukulit na siya ni Maine. Excited na itong makita ang mga designs niya.

Naalala pa niya ang paguusap nila noong isang araw na dinalaw niya ito.

Maine:  Bakit kanina pa kita hinihintay ang tagal mo naman.

Tisoy:  Sorry Mahal, kasi tinapos ko pa yung pagiisis nung magazine rack eh.  Gusto kong lumabas yung totoong kulay ng kahoy, di ba sabi mo mas maganda kapag ganon. 

Maine:  Oo, basta dapat ang finish ng woodworks mo yung kaparehong kulay ng ginamit mo na kahoy.

Tisoy:  Alam mo Mahal kapag nakita mo yon, alam na alam mo agad na ikaw ang inspirasyon ko ng gawin ko ang design na yon.

Maine:  Talaga?

Tisoy:  Oo nga, pustahan pa tayo.

Maine:  Lalo tuloy akong naexcite eh. Mahal sige na patingin na lang kahit hindi pa tapos.  

Niyakap pa siya nito at naglalambing

Tisoy:  Mahal, mas maganda kapag nakita mo yung ready na siyang ibenta.  Nagmamadali ka bibili ka ba?

Maine:  Ganon?!  Hmp!  Ako yung inspirasyon tapos bibili pa ako.  Akala ko pa naman yung unang gawa sa akin.

Nagpapadyak ito at tinalikuran siya.  Cute na cute si Tisoy sa kanya kapag nagmamaktol itong parang bata. Niyakap niya ito.

Tisoy:  Joke lang Mahal, tampo ka naman agad, syempre sa yo yung first piece.

Maine:  Topo topo barega, wala ng bawian yon!

Tisoy:  Kanino mo natutunan yang salitang yan?

Maine:  Eh di kila Nitoy at sa mga bata sa Bartolome, si Buboy kasi ang hilig bawasan yung taya niya sabi ni Nitoy sabihin ko daw yon para hindi na niya mabawi kung ano ang inilagay niya.

Tisoy:  Ikaw pati mga bata pinapatulan mo sa mga laro nila.  

Maine:  Mahal, masaya kaya. Tinalo ko si Buboy nung isang beses inubos ko ang dragon ball Z cards niya.

Tisoy:  Eh nasan na yung mga cards?

Maine:  Nakay Buboy na ulit isinoli ko, kawawa naman eh.

Tisoy:  Sabi ko na nga ba eh, hindi mo matitiis si Buboy.

Maine:  Oo nga pero nanalo pa rin ako.  Sabi nga ni Nitoy kaya daw gustong gusto akong kalaro ni Buboy kasi ibinabalik ko din.

Natawa si Tisoy.  Nakita siya ni Mang Arturo na tumatawang magisa.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon