Chapter 50 - Ang pagkikita

2.8K 151 5
                                    

Sabado ng umaga... nagising si Maine.  Dumungaw sa bintana ng resthouse. Ang nasa isip... "Maya-maya lang mapupuno ng tao ang beach front na ito at isang selebrasyon ang magaganap. Kasabay nito ang muli nating pagtatagpo mahal ko."  

Kinikilig na kinakausap ang sarili...

Maine:  Ano kaya ang istura niya mamaya, siguro ang gwapo gwapo niya kapag nakabarong? Naku Mendoza pigilan  mo ang sarili mo, kailangan magpakipot ka ng konti.

Mang Rene:  Mam, sino bang kausap ninyo?

Maine:  Mang Rene naman eh nagulat ho ako sa inyo.

Mang Rene:  Umakyat lang ho ako para sabihing nandyan na yung magaayos ng reception ng kasal.

Maine:  Sige ho, papasukin niyo na.

Alas kwatro ang kasal, dumating ang isang make up artist at hair stylist sa resthouse bandang alas dos. Alas tres kinse, nakaayos at nakabihis na si Maine. Bitbit ang isang puting handbag bumaba ito ng salas.  

Maine:  Manong, alis na ho tayo.

Mang Rene:  Wow Mam, hindi ko kayo nakilala, ang ganda ninyo, mukha kayong artista.

Naglakad na parang model si Maine at nagpose sa harap ni Mang Rene.

Maine:  Bagay ho ba?

Mang Rene:  Bagay na bagay ho, pero mas bagay kung nakatrahe de boda kayo at kayo ang ikakasal kay Sir.

Maine:  Huwag kang magalala Manong, pasasaan ba at darating din tayo diyan.

Mang Rene:   Tiyak hong mabibighani lalo si Sir sa ganda ninyo.

Napangiti si Maine. Huminga ng malalim at umusal ng dasal.  "Lord kayo na ho ang bahala sa amin."

Labing limang minuto bago magalas kwatro dumating si Maine sa Pamilacan Church.  Sa pinakadulo ng Parking Area niya pinagpark si Mang Rene para walang makapansin sa kanya. Nakita niya ang mga kaibigan sa harap ng pinto ng Simbahan.

Maine:  Mang Rene magpakita na kayo doon, alam niyo na pakinggan ninyo ang paguusap nila at itext ninyo ako.

Mang Rene:  Sige ho Mam.

Napangiti si Arturo at Rosario ng makita si Mang Rene.  Bumati si Mang Rene sa lahat at tinapik si Tisoy sa balikat.

Mang Rene:  Easy ka lang Sir... darating yon.

Tisoy:  Kinakabahan ho talaga ako, hindi ko alam kung dahil darating siya o dahil hindi ako siguradong darating siya.

Julia:  Basta ako naniniwala na darating siya.  Never pang sumira sa isang pangako si Maine.

Pinindot ni Mang Rene ang call at tinawagan si Maine.  Sinagot naman ni Maine pero walang sumagot pero narinig niya ang paguusap ng mga kaibigan.

Tisoy:  Sam, mauuna pa ata akong  maiyak sa yo eh.

Sam:  Puso mo Tisoy, cool ka lang.  Huwag kang kabahan pati ako kinakabahan eh.

Vinz:  Oo nga kita ninyo pati si Diane tuloy hindi na mapakali sa pagkakaupo sa loob ng bridal car.  Hon, samahan mo nga muna si Diane.

Arturo:  Ano ba naman kayo bakit mukha kayong ninenerbyos na lahat dapat masaya kayo.

Rosario:  Oo nga Samuel, ngumiti ka.

Natatawa si Maine sa mga kaibigan.  Pinindot ni Maine ang end call at tinawagan si Julia.

Maine:  hello Jules!  Huwag kang titili.

Jules:  wait ispeaker phone kita nasa loob kami ng bridal care ni Diane.

Maine:  Hi Diane, this is it girl! 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon