Chapter 16 - alone time

2.3K 146 5
                                    

Dumaan ang mahigit tatlong buwan naging malapit na magkaibigan si Tisoy at Maine.  Kapag may mga babae na may crush kay Tisoy kay Maine nagtatanong at nagpapatulong.

Katulad na lang ng school fare. May isang babae na lumapit.

Jessica:  Hi Miss ako si Jessica, friend ka ni Tisoy di ba?

Maine:  Yah, why?

Jessica:  Pwedeng pakibigay naman oh.

Maine:  Ok!

Mayamaya dumating si Vinz at Tisoy, kamusta naman ang dedication booth at kissmark. Biglang tinatakan ni Maine si Tisoy ng kissmark sa pisngi si Tisoy.

Maine:  Bayad, limang piso.

Tisoy:  Ang daya mo, hindi naman ako tumapak sa kissmark sign ninyo eh.  

Maine:  May kissmark sign ka pa rin kaya huwag ka ng magreklamo.  Isipin mo na lang nakatulong ka sa charity project natin.

Walang nagawa si Tisoy kung hindi magbayad. Inabot ni Maine ang envelope.

Tisoy:  Ano to?  

Maine: May nagpapabigay Jessica ang pangalan, sisingilin sana kita ng bayad sa selyo pero dahil friends tayo sige na libre na yan.

Tisoy:  Bakit mo tinanggap?

Maine:  Tignan mo ikaw, gusto mo bang sabihin nila na suplada ang friend mo?  Isa pa malay mo gusto lang magpakilala ang sabi  "Miss pwedeng paki bigay."   May paki naman so bakit hindi ko pagbibigyan.

Tisoy:  Alam mo namang wala akong panahon sa mga babae.

Maine:  Well, sabihin mo yan sa kanya ok?!  Sige na magpasama ka na lang kay Vinz para may wingman ka. Ayokong mapahiya baka akalain pa non feeling friend mo lang ako.

Tisoy:  gagawin ko lang ito para hindi ka mapahiya.

Binuksan ang envelope, may dalawang ticket para sa ferris wheel.  May note.. "ride with me will you? I'll be at the hotdog stand in blue shirt and maong jeans - Jessica".  Biglang hinila si Vinz. Nakita ni Maine na kinausap yung Jessica, isinoli ang envelope at pumunta na sa booth song dedication  booth nila.  Mayamaya narinig nila ang boses ni Faye ang DJ ng booth nila Tisoy, now, here's the song Beautiful Girl.  This song is for you Ms. Maine Mendoza because to me you are very beautiful from Tiago of BSCivil Engineering.

Naghiyawan at nagtuksuhan ang grupo ng studyante sa booth sa dulo. May isang chinito na tinutulak ang mga ito. Nagkatinginan sila Vinz at Tisoy, sinilip sila Maine.  Nakita nilang palapit ang grupo ng mga lalaki. Nagkatinginan naman si Maine at Julia. Itinulak ng mga lalaki ang chinito palapit sa booth nila Maine lumabas naman ng booth si Julia nagkunyaring  naghanap ng matatatakan ng kissmark.

Tiago:  Hi, Miss Maine. I'm Tiago

Maine:  Hi, nice to meet you. Thanks for the song.  How did you know me?  Ang layo ng building niyo ah.

Tiago:  Napanood kita sa literary contest , I like your piece.

Maine:  Thanks!

Tiago: Maine, can I buy you a drink?

Maine: Walang magbabantay dito eh.

Tiago:  Please?  Kahit 5 minutes lang,  kakantyawan ako eh.

Biglang tinatakan ni Julia ng kissmark sa pisngi si Tiago.

Julia:  Sige, I'll give you five minutes with her, magbayad ka muna. 10 pesos.

Napangiti ang lalaki nagbayad ng 10 pesos. 

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon