Chapter 9 - Tulak ng bibig

2.1K 125 4
                                    

Sa byahe pabalik ng Danao tahimik pa rin si Maine.

Julia: Girl kausapin mo naman ako nabobored na ako eh.

Maine:  Sorry bad trip lang talaga ako.

Julia: Saan o kanino?

Maine: Don sa mestisong bangus

Julia: bakit eh di ba pinahiram ka pa niya ng pen, binigyan ka pa niya ng hopia

Maine: Oo nga eh akala ko din ok na at least mabait kami sa isa't isa. I actually thought we can be friends.

Julia: anong nangyari?

Maine: ayon tinanong ako kung may gusto daw ba ako kay Vinz o kay Sam. Sinabi ko hanga ako sa pagka gentleman ni Vinz at cool kse si Sam.  Tanong ko kung sakali man na crush ko sila anong pakialam niya sabi ba naman mga kaibigan niya yon ayaw niyang mapahamak.

Julia:  Mapahamak? Sa yo?

Maine: Mismo! Ano ba tingin niya sa akin?!  Naghahanap ng lalaking mabibiktima? BS siya!

Julia:  sorry ha kung hindi naman dahil sa kin...

Maine: hindi girl wala kang kasalanan gago lang talaga yung bestfriend ng bf to be mo. Sabi pa kilala daw niya ang mga tulad kong taga Maynila. Imagine itype cast niya lahat napakajudgemental talaga!  Mukha ba akong bar girl na naghahanap ng fafa? Nakakainis!

Samantala sa airport, tahimik din si Tisoy dahil si Vinz nagagalit.

Vinz:  Ano bang nangyari? OK  naman kayo nung una? Sabi mo ok na hindi mo aawayin.

Tisoy: Hindi ko naman talaga inaway may tinanong lang ako, nagalit na.

Sam: Anong tinanong mo?

Tisoy: kung may gusto siya sa yo o kay Sam?

Vinz:  Ano?!

Binatukan ni Sam si Tisoy. 

Tisoy: Sam ha nakakasakit ka na.

Sam:  Aba eh dapat talaga sa yo sinasaktan.  Anong kagaguhan  ang naisip mo at tinanong mo si Maine ng ganon. Ano ba ang tingin mo sa kanya katulad ng babae don sa kambingan.  Gago ka pala eh matino at disenteng babae yon.

Tisoy:  Inisip ko lang naman kayo eh, ayokong matulad kayo sa akin. 

Vinz:  Tisoy, nagiisip ka pa ba ha?  Eh para mo ng inisulto ang pagkatao ni Maine sa ginawa mo, kaya naman pala  si Julia bigla na lang nagpaalam na aalis nahalata na may dinaramdam yung matalik na kaibigan niya.

Sam:  Ano bang pumasok ka kukote mo at kung ano ano ang tinanong mo sa kanya?  May basehan ba ang tanong mo?

Tisoy:  Bakit, feeling close naman talaga siya sa yo ah. Unang usap niyo pa lang para na kayong magkapatid sa closeness?!

Sam:  kasi ako nakita ko kung gaano kabait na kaibigan at kung gaano siya cool kasama. Madami na akong babaeng nakilala, paimportante, pademure hindi naman.  Si Maine cool, astig, matapang, hindi natatakot makipagbasagan kahit kanino.  Hindi pikon.  Parang one of the boys.  Nakakatuwa siya.

Vinz:  Eh ako bakit mo siya tinanong.

Tisoy:  Eh kasi ilang beses ko na siyang nahuling nakatingin sa yo, nakangiti parang nagdedaydream kapag inaalalayan mo si Julia o inaalagaan.

Vinz:  Hindi man lang pumasok sa kukote mo na baka masaya lang siya para sa kaibigan o natutuwa siya sa nakikita niya na pagaasikaso ko sa bestfriend niya ha?  Ewan ko ba sa yo Tisoy.  Wala namang ginagawa sa yo yung tao eh.

Tisoy:   Anong magagawa ko eh kapag nakikita ko siya, mukha ni Maimai ang nakikita ko eh.

Sam:  Nampotah naman... si Maimai na naman.  Eh hindi nga siya si Maimai!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon