Chapter 23 - Pagbabalik

2.2K 139 5
                                    

Nang humupa ang emosyon, pumasok sila sa loob ng bahay.  Naupo si Arturo at Rosario sa sala set tumabi si Tisoy kay Rosario. Naupo din si Aida, Cora at Alin Mameng. Binitbit ni Gusting at Kanor ang mga silya nila papasok sa sala.  Nakatayo naman sa  may bintana si Maine, Julia, Vince, Sam at Paeng.

Aida:  Anong nangyari sa yo, ang tagal kang hinintay ng pamilya mo?

Rosario:  Nakarating naman ako ng amerika sa tulong ni Melinda pero hindi na namin nakita si Denver, ang iyong ama. Nanghihinayang ako sa tulong na ibinigay niya, nandon na din lang ako sinubukan ko na ang kapalaran ko doon. Pero hindi ako nagtagumpay, uuwi na sana ako kahit na alam kong nakakahiya pero buntis non si Melinda at kambal ang kanyang anak kaya pinakiusapan niya akong manatili na lang at tutulungang ayusin ang working visa ko para ako na lang ang maging yaya ng kanyang mga anak. Si Maine, ay anak ni Melinda ako ang nagalaga sa kanya simula ng siya'y ipanganak.  Inipon kong lahat ng sinusweldo ko. Nang magdisi-otso si Maine, bumiyahe ang buong pamilya at naaksidente sila... car crash.  Pumanaw sa aksidente si ang buong maganak at si Maine lang ang nakaligtas. Binigyan ako ng separation fee ng pamilya ng asawa ni Melinda dahil nagpasya na akong umuwi. Ayaw maiwan ni Maine sa pamilya ng kanyang ama at sinabing gusto din niyang makalimutan ang lahat kaya mas gugustuhin niyang sumama sa akin.  Kaya umuwi kami sa Pilipinas.  Tatlong taon na kami sa Danao. Nakabili ako ng taniman doon, at nagrenta ng bahay.

Cora:  Bakit ngayon ka lang nagpunta dito?

Rosario:  Noon sinubukan kong hanapin ang lugar natin pero hindi ko na maalala ang mismong pangalan ng lugar. Ibang-iba na. Hanggang sa nakuntento na akong tumatanaw lang sa mga burol.  Pero si Maine ang pursigidong hanapin ito dahil iyon naman talaga ang pakay namin. Kaya ng magpasyang magaral dito sa Tagbilaran niya ginustong pumasok dahil alam niyang dito ako lumaki. Noon lang  ako nagkaron ng pagkakataong umikot sa Tagbilaran at maalala ang ilang mga tao doon. Pati na si Nana Ebeng na nagtitinda ng bibingka. Hinanap ko ang tindahan niya at siya ang nagsabi na naririto pa nga daw sa Bartolome ang magama ko.

Gusting:  Mabuti naman pala at naalala ka pa ni Nana Ebeng.

Rosario:  Oo nga ho pero mabait ang Diyos dahil mismong ang anak ko na pala ang nakahanap sa akin. Isang araw dumaan siya sa bahay at nakita niya ako, nagtanong siya ng trabaho sa akin. Kaya matagal ko na palang kilala ang anak ko ng hindi ko nalalaman. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya kahit hindi ko siya kilala at pinilit ko siyang gawin ang trabaho para sa akin.

Aida:  Nakakatuwa naman ang anak-anakan mo at ang tunay mong anak ay magkaibigan.

Rosario:  Oo nga ho, kayo kamusta naman?

Halos isang oras na nakipaghuntahan si Rosario sa mga kapitbahay.

Aling Mameng:  Masuwerte si Arturo at hindi siya sinukuan at iniwan ng anak ninyo.

Rosario:  Bakit naman ho iiwan ng anak namin ang ama niya?

Arturo:  Matagal na panahon din akong nabuhay sa galit at sama ng loob sa pagalis mo. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong nasaktan ang anak natin.  Naalala kasi kita kapag nakikita ko siya.

Cora:  Bata pa si Tisoy, pakiramdam namin ay inaalila na siya ni Arturo. 

Aida: At maraming pagkakataong nakikita namin na sinasaktan niya ito.

Napatingin si Rosario kay Arturo, nakakunot ang noo at parang nagtatanong.

Tisoy:  Katulad lang din ho ninyo kapag nagagalit kayo sa mga anak ninyo dahil hindi sila sumusunod sa inyo. Maaring nakikita ninyo na sinasaktan ako ng Tatay ko pero hindi naman ho ninyo siya masisisi, papano ho ninyo aalagaan ang isang batang hindi naman ninyo tunay na anak at mismong ang ama nito ang dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang asawa.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon