Chapter 33 - Sweetness Overload

2.8K 145 5
                                    

Lumabas si Julia at Diane ng banyo pareho ng nakaswimsuit. Si Julia nakayellow na two piece, si Diane naka blue na two piece pero parehong nagsuot ng shorts.

Julia: Maine, bihis ka na. May sunblock ka ba?

Maine: Ah oo, nandyan sa bag, ok magbibihis lang ako.

Pagkabihis ng kanyang two piece, nagspray siya ng sunblock sa buong katawan at nagsuot ng puting lace beach top na takip hanggang kalahati ng legs niya. Inilagay niya sa isang clear resealable na plastic ang cellphone, wallet at susi ng suite nila. Inilagay ang mga ito sa isang canvas bag at binitbit ang video cam niya. Binitbit din niya ang isang malaking plastic na canvas bag na may mga lamang goggles at kung ano-ano pa.

Pagpunta nila sa lamesa ng pagkain nandon na si Arturo at Rosario at ang mga boys.

Sam: Ang dami mo namang bitbit Maine?

Maine: I was really hoping na makakasama kayo kaya bumili ako ng giveaways ko sa inyo para sa birthday ko.

Kumuha siya ng isang plastic, may laman itong goggles at snorkling mask at tube. Binigyan niya ng tigisa ang mga kaibigan pwera si Tisoy. Nagpasalamat ang mga ito at biglang nagtakbuhan.

Tisoy: Tignan mo itong mga ito parang nakawala sa kural.

Nagtawanan sila Arturo at Rosario.

Isinuot ni Maine ang black and white na aquashoes niya at iniabot ang isang plastic kay Tisoy.

Maine: Tignan mo nga kung kasya sa yo.

Nagulat si Tisoy pero kinuha ang plastic may laman itong aqua shorts, shirt at shoes. Kulay black ang blue ito.

Tisoy: Ang dami naman nito?

Maine: Isukat mo na ang dami pang reklamo eh. Bilis na!

Wala ng nagawa si Tisoy kung hindi ang bumalik sa kwarto nila at magpalit.

Tisoy: Maine, eto na. Tay, Nay... ano bagay ba?

Rosario: Bagay na bagay... nak maganda pala ang katawan mo eh.

Nilingon ni Maine si Tisoy, napangiti ito.

Arturo: Nak, baka mapagkamalan kang artista!

Iniabot ni Maine ang snorkeling gear at goggles kay Tisoy.

Arturo: Kumpleto ah.

Tisoy: Ikaw ang may birthday, eh bakit ako ang binibigyan mo ng kung ano-ano?

Maine: Kung ayaw mo eh di huwag. Hubarin mo na at iwanan mo na lang dyan!

Sinimangutan niya si Tisoy at naglakad na papunta sa beach.

Arturo: Tinanong niya ako kung may pangligo ka daw, sabi ko pwede naman na ang ordinaryong t-shirt at short.

Rosario: Naisipan ka niyang ibili dahil nung naikwento namin na baka nga magpunta tayo dito, narinig niya sabi ni Vinz at Sam, sa wakas daw magagamit na nila ang wet suit nila. Tinanong niya ako kung meron ka daw kayang wet suit, sabi ko malamang wala. Nagtanong kung ok lang daw kaya na ibili ka niya tutal magagamit mo naman ng maraming beses para sa yo din naman daw yon. Para hindi ka magkasun burn at hindi masugatan sa mga bato ang paa mo. Kahit kay Julia nga hindi niya yan ipinakita eh.

Arturo: Nagtanong siya dahil ayaw niyang isipin mo na hindi niya gusto kung ano ang isusuot mo.

Tisoy: Hindi ko naman ho iniisip yon, nagulat lang ho talaga ako. Sige ho susundan ko na at baka kung ano na naman iniisip non. 

Inabutan ni Tisoy si Maine na ibinaba sa isang beach chair ang bag nito at hinubad ang lace top. Suot ni Maine ang isang black and white striped na two piece bikini.  Bumagay ang pahalang na stripes nito sa slim na katawan ni Maine.  Nagspray ng sunblock sa braso, leeg, dibdib, tyan at hita. Bahagyang napahinto si Tisoy, pinagmasdan ito sandali. Napalunok si Tisoy.  Lumapit siya dito ng maupo ito at ipatong ang sunblock sa lamesa na nasa tabi ng beach chair.  Kinuha niya ang sunblock.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon