Chapter 51 - Ang paglalahad

2.8K 154 10
                                    

Bumalik si Tisoy at Maine sa reception tapos na ang paghahagis ng bouquet at si Julia ang nakasalo nito si Vinz naman ang nakasalo ng garter. 

Tinawag na sila Diane at Sam para magpalipad ng kalapati. Tinuktok ni Tisoy ng kutrasa ang baso niya at sumunod naman ang lahat, walang nagawa sila Sam kung hindi pagbigyan ang hiling nila.  Hinalikan nito sa labi si Diane.  Masaya ang kabuoan ng reception. Hanggang sa traditional dance.   Magkakabit ng pera sa damit ni Sam at Diane ang mga kamaganak at kaibigan nila.   Walang gustong magsimula.  

Maine:  Simulan na natin baka walang lumapit eh.

Tisoy:  Sige.

Dinukot nito ang wallet, naglabas ng tatlong libo. 

Tisoy:  Pwede na ba to?

Maine:  Oo naman, tulungan mo ako ha, marami akong one dollar dito igawa natin ng sash si Diane at korona si Sam.

Tisoy:  Sige, sige.

Tumayo silang dalawa at nagpalakpakan ang lahat. Inilabas ni Diane ang mga one dollar niya.  Nangantyaw si Vinz. 

Vinz:  Yon oh, ibang klase kayong dalawa dollars talaga ! Nagtawanan ang mga bisita. Iginawa ni Maine ng sash si Diane tapos iginawa nila ni Tisoy ng korona si Sam.  Isinuot ni Tisoy ang korona sa  ulo ni Sam. 

Sumipol si Paeng at sumigaw... "Samuel ang gwapo mo sa korona mong yan, mukha kang state side!"

Tawa ng tawa si Maine at Tisoy.  Nakangiting pinanonood sila nila Arturo at Rosario.

Arturo:  Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti ang mata ni Tisoy 

Rosario:  Ang gwapo niya at ang ganda ni Maine, bagay talaga sila.  

Pinagdikit dikit ni Tisoy ang tatlong libo at ginawang kurbata ni Sam.  Si Maine naman pinagdikitdikit ang tatlong libo at ipinatong sa ulo ni Diane na parang head band.  

Samuel:  Sige lang pagtripan lang ninyo kaming dalawa basta libo ang halaga.

Natawa si Maine at Tisoy.  Uupo na sana, ng sabihin ng emcee na ang mga nagsasabit kailangang sumayaw kasabay ng bride and groom.  Walang nagawa si Tisoy at Maine. Hinawakan  ni Tisoy ng isang kamay ang bewang ni Maine, ipinatong naman ni Maine ang dalawang kamay sa balikat ni Tisoy, kinuha ni Tisoy ang isang kamay ni Maine at hinawakan at sumayaw sila.  Tumayo naman si Arturo at Rosario, nagsabit ng tig-isang libo.  Nagsunuran na ang ilang kamaganak at mga Ninong at Ninang. 

Tahimik na sumayaw ang dalawa.  Nagiisip pareho kung anong sasabihin at sabay silang nagsalita...

Maine:  Alden...

Tisoy:  Maine...

Maine:  Mauna ka na

Tisoy:  Hindi, ladies first.

Maine:  Ang ganda pa rin dito no?

Tisoy:  Oo nga eh sabi ni Sam, nilagyan daw ng lamp post yung ibabaw ng concrete wall kaya maliwanag diyan sa beach kahit sa gabi.

Maine:  Alam mo ba kung sino ang nakabili nito?

Tisoy:  Hindi eh.  Ang alam lang namin taga US.  Dito ka ba nakastay, eto ang resthouse na binabantayan ni Mang Rene eh.

Maine: Ah oo.

Tisoy:  Maine, anong plano mo? Are you staying? I mean sa bahay nila Nanay?

Maine:  Malamang, pero kailangan kong bumisita sa Maynila kasi may negosyo ako doon at may condo unit din na pinaparentahan.

Tisoy:  Pero hindi ka na babalik sa states.

Maine:  Hindi na, wala na akong babalikan don.  Siguro kapag ikinasal na ako at naghoneymoon para makilala ng Uncle ko ang mapapangasawa ko.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon