Chapter 11 - Father and son

2.6K 139 5
                                    

Paguwi ng bahay, idinrawing niya ang kainan nila Rosario sa isang bond paper at ang mga kabinet, lamesa at bench at inilagay niya ang mga sukat nito.  Ipapakita niya sa Tatay Arturo niya.  Unang beses niyang kakausapin ang ama tungkol sa trabaho.  Ang totoo kinakabahan siya baka isipin kasi nito na pinipilit niya itong magtrabaho.   Malakas na kinausap nito ang sarili, "Ano ba naman kasi ang naisip mo Tisoy, bakit mo sinabing karpintero ang Tatay mo. Papano kung hindi pumayag si Tatay magalit pa yon. Naku naman Tisoy baka mabugbog ka na naman eh. Saan ka kukuha ng gagawa niyan?  Ikaw lang itong gustong maghanap ng trabaho pati si Tatay idinamay mo pa!  Sayang naman kasi, kayang-kaya ni Tatay ito, magaling siyang karpintero. Sayang din yung kikitain dito malaki-laki din yon. Ang dami mo pa kasing arte Tisoy eh, hindi ka na lang nagsorry kay Maine eh di sana wala ka ng pinoproblema pa."

Ang hindi alam ni Tisoy, kanina pa nasa labas ng pinto ang Tatay niya at narinig nito ang mga sinabi niya. Bigla itong pumasok ng pinto.

Arturo:  Sino bang pinagagalitan mo at ang lakas ng boses po?  Bakit nandidito ka? Naglakwatsa ka na naman? Mabuti-buting may trabaho ka kasama ni Samuel eh. Lalo na ngayon yang si Gusting akala mo kung sinong may maipagmamalaki. Mayabang ang hayop! Sabi ba naman sa umpisa ka lang daw naman magaling pupusta daw siya kahit isang taon hindi mo matatapos.   Mana ka daw sa Nanay mo.  Magsasawa ka din. Mapapagod din sa hirap. Kapareho daw ng asawa at anak niya na lumayas na lang.  Igaya pa tayo sa kanya, nakakainit ng ulo!

Tisoy:  Huwag ho ninyong pinakikinggan ang mga sinasabi nila Tay.  Mas mana ho ako sa inyo. Pinakikinggan ninyo yung si Mang Gusting eh palaging lasing yon.  Wala ho sa katinuan ng isip yon. Nagkagalit ho kayo eh papano ho yan hindi na kayo sasama sa kanya sa trabaho niya sa taniman?

Arturo:  Naku hindi na!  Teka nga hindi mo pa ako sinasagot, sino bang pinagagalitan mo?

Tisoy:  Sarili ko ho Tay.  Naipasubo ko ho ata kayo Tay. Pero kung ayaw ho ninyo ok lang. Maghahanap na lang ako ng ibang karpintero.

Arturo:  May nakuha kang trabaho?

Tisoy:  Pasensya na ho kayo Tay, nanghinayang ho ako sa kikitain eh.  May bagong lipat ho kasi kaming kaibigan yun ho bang malaking bahay sa tabi ng BISU doon ho sila napalipat. 

Arturo:  Yung dating kainan nila Mr. Manalo na nasa Amerika na. Si Aling Rosing ang nagbabantay don.  O bakit?

Tisoy:  Ayos ka Tay, kilala mo ba lahat ng tao dito?!  Anyway, yon nga ho. Gusto hong gawing tindahan ng gulay at kainan yon.  Chef ho kasi yung anak at may taniman sila sa Danao pero lumipat don dahil magpapasukan na.  Eh narinig ko hong kailangan ng karpinterong gagawa ng mga kabinet, lamesa at silya nila. Nabanggit ko ho na karpintero ang Tatay ko.  Sayang ho Tay eh.  Eto po yung itsura ng lugar,  tapos eto po yung lalagyan ng gulay, glass display bar, lamesa at silya. Magaling ho kayong karpintero Tay, alam kong kayang kaya ninyo yan pero kung ayaw nyo hong gawin naiintindihan ko ho.  Maghahanap na lang ho ako ng gagawa at mangongomisyon na lang ako.

Tahimik na tinignan ni Arturo ang mga drawing.  Hanga siya sa kamay ni Tisoy, kung pwede nga lang architecture ang ipakuha niya dito eh hindi lang nila kakayanin.   

Arturo:  Pumunta ka muna kay Ninong Caloy mo alamin mo ang presyo ng mga ililista ko dito para mapresyuhan natin yan.  Matagal na akong hindi namimili ng materyales. 

Tisoy:  Talaga ho Tay?

Arturo:  Tama ang ginawa mo, malaki ang kikitain natin dito.  Ilang lamesa at bangko ba?

Tisoy:  Apat lang ho munang animan bali walong bench at dalawang apatan na lamesa po at walong silya.  Tapos varnish finish na lang.  Para hindi nalalayo sa kulay ng bahay nila.  Tay, huwag naman hong tagain ang presyo at baka mamahalan.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon