Chapter 65 - Fatherhood

3K 149 14
                                    

Makalipas ang dalawang oras, dumating sa kwarto si Dra. Sanchez.  Napatayo si Tisoy...

Tisoy:  Kamusta ang Misis ko Doktora?

Dra. Sanchez:  Ligtas na siya... nasa recovery room na siya at nagpapahinga.  Pag nagising siya ipapalipat ko na siya dito.

Nakahinga ng malalim si Tisoy.  Nakatingin sa kanya si Dra.  Sanchez.

Tisoy:  Bakit po?

Dra. Sanchez:  It is amazing how Maine, managed to deliver your baby ng normal.  When you are enducing her normally mabilis na nareact ang katawan niya pati ang baby ninyo hindi na mapigilang lumabas. Isa lang ang iniisip ko... ramdam ng anak ninyo ang pagmamahal ninyo. 

Ngumiti si Tisoy.  Tumingin ng derecho si Tisoy kay Dra. Sanchez.

Tisoy:  Mahal ko ang anak ko, pero mas mahal ko ang misis ko Doktora.  Kung nagkataon baka nagkasala ako sa anak ko dahil pipiliin kong huwag siyang mabuhay sa mundo para mabuhay ang kanyang Ina. Dahil sa bawat pagkakataon na kakailanganin kong mamili, ang missi ko ang pipiliin ko.

Dra. Sanchez:  Naiintindihan ko... maniwala ka it is always the choice. Kaya hindi ikaw ang unang muntik ng magkasala sa anak.  Pero mahal ni Maine ang anak ninyo at nararamdaman ng mga bata sa sinapupunan ang pagmamahal na yon, kaya hindi niya kayo binigyan ng pagkakataong mamili. Congrats Alden!

Tisoy:  Salamat po Doktora!

Inilipat si Maine sa kwarto tyempong karga ni Tisoy ang baby girl nila.  Inilagay niya ito sa tabi ni Maine at hinalikan ang asawa sa noo.

Tisoy:  Kamusta ang pakiramdam mo?

Maine:  Ok naman.  Medyo makirot kasi napunit daw eh 8.4 si baby.

Rosario:  Ang laki nga niya eh.

Arturo:  At ang cute, cute. Mahahaba ang mga daliri pati hita.

Rosario:  May nakahanda na ba kayong pangalan para sa kanya?

Maine:  Wala pa nga ho...

Tisoy:  Ako meron... sabi ni Doktora nararamdaman daw ng mga bata sa sinapupunan ng ina ang pagmamahal at kaya siya nagpumilit na lumabas dahil ramdam niya na mahal natin siya kaya hindi niya tayo binigyan ng pagkakataong mamili.  Kaya ang gusto kong pangalan niya ay "Amor" spanish term for the word love.

Maine:  Ang ganda mahal... lagyan natin ng second name na Daine, galing sa pangalan nating dalawa.

Rosario:  Amor Daine Richards

Arturo:  Maganda para pareho sila ni Adie  na AD at ang palayaw Amie.

Maine:  Oo nga po Tay, cute ng nickname.

Tisoy:  Amie,  huwag kang magalala, aalagaan ka ni Papa ng mabuti.  Mamahalin kita ng sobra-sobra at lalaki kang kasing ganda at tapang ng Mama mo.

Dumating ang mga kaibigan nila Tisoy at Maine.  May dalang mga prutas at bulaklak.

Sam:  Ayos... may lalaki at babae ka na Tisoy! 

Diane:  Oo nga, sana kami din... babae na susunod.

Vinz:  Teka muna bago ka makadalawa, magpapakasal muna kami ni Julia.

Maine:  Talaga?  bakit nagpropose ka na ba?

Itinaas ni Julia ang kamay, suot nito ang engagement ring.

Diane:  OMG! ang saya nito. Congrats sa inyo!

Tisoy:  Congratulations, matutuloy na din ha... akala ko wala na kayong balak eh.

Julia:  Naiinggit ata sa inyo eh, kayo may mga anak na, ayun biglang nagpropose.  Nagulat nga ako eh.

Nagtawanan sila.

Sam:  Ibig sabihin ba niya pagkatapos ng kasal, magaanak kayo agad.

Vinz:  Syempre naman sisiguraduhin kong makakabuo agad... alangan namang kayo lang.

Lalo silang nagtawanan.

Diane:  Kami gusto namin, apat na kids eh.

Sam:  Kayo Maine?

Maine:  Kung ilan ang gusto ni Tisoy, kahit isang basketball team pa.

Tisoy:  Ok na ako sa dalawa, tutal may isang lalake at babae na naman ako.

Julia:  Ayaw mo ng malaking pamilya?

Tisoy:  Malaki naman na ang pamilya namin, nandyan kayo at ang mga magiging anak niyo.  Mahilig ako sa mga bata pero ok na talaga ako sa dalawang anak.

Sam:  Bakit naman?

Tisoy:  Nitong mga nakaraang araw nakita ko kung papano napakahirap para kay Maine ang manganak. Muntik pa kaming umabot sa baka kailanganin kong mamili.  Ayoko ng magkaron ng ganong pagkakataon hindi ko na kakayanin.   Kaya tama na sa akin si Adie at Amie.  Kapag namimiss namin ang mga baby eh di manghihiram na lang kami sa inyo.

Vinz:  Aba, oo naman Ninong anytime!

Masayang nagkwentuhan ang mga ito, habang kalong ni Tisoy ang anak at nakaupo sa tabi ni Maine sa kama.  Humilig si Maine sa balikat ni Tisoy at bumulong...

Maine:  Masaya ka Mahal?

Tisoy:  Sobra-sobra... dahil ikaw at ang mga anak natin ang kaligayahan ko.



---------   the end -----------




















Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon