Chapter 48 - Coincidence?

2.3K 151 8
                                    

Linggo ng umaga bumalik sa BGC sila Arturo at Tisoy sakay ng shuttle ng hotel.  Naisip ng magama na doon na bumili ng damit at sapatos na isusuot para sa kasal nila Sam at Diane. Madali silang nakabili ng sapatos pero nakailang ikot na sila wala silang makitang tindahan ng mga barong.

Tinawagan ni Tisoy si Atty.  Fernandez para makibalita.

Tisoy:  Hello Atty.  may balita na ho ba?

Atty. Fernandez:  Tatawagan na nga sana kita, nakausap ko na ang kliyente ko.  Naidraft ko na ang contract, iemail ko na sa yo ngayon.  Basahin mo at balitaan mo agad ako kung may gusto kang idagdag at baguhin kasi kung mapafinalize ito ngayon pwede ninyo siyang mameet mamaya for dinner kung available kayo.

Tisoy:  Ah sige ho, hintayin ko ang email ninyo at tatawagan ko kayo agad kapag nabasa ko na.  Atty. nasa BGC ho kasi kami may mabibilhan ho ba ng mga Barong dito?

Atty. Fernandez:  Parang wala akong alam na mabibilhan dyan sa BGC pero sa SM Aura meron Onesimus Store.  Sumakay na lang kayo ng taxi at magpahatid sa SM Aura.  Kung maayos na ang contract kahit doon na din lang tayo magmeet for dinner sa SM Aura para hindi na kayo pabalikbalik pa.

Tisoy:  Sige po, Atty. salamat.  Babasahin ko ho ang kontrata pagdating namin don at tatawagan ko kayo.

Pagdating nila sa SM Aura, nagyaya munang magkape si Tisoy sa Starbucks at binuksan ang email niya.  Binasa ang contract, mukha namang ok na lahat.  Ipinabasa niya kay Arturo. Wala din namang makitang mali si Arturo sa contract.  Napansin ni Arturo ang pangalan ng Kliyente ni Atty.  Fernandez.  Jenna Mae I. Frasier.

Arturo:  Tisoy, babae ang kasosyo natin sa A&M.

Tisoy:  Ho?

Arturo:  Eto oh ang pangalan, Jenna Mae I. Frasier.  Parang pinoy ang pangalan pero ang apelyido americano.  Hindi kaya pareho kayong GI Joe baby?

Tisoy:  Tatay talaga!  Malay ho ninyo americano ang ang asawa.

Arturo:  Malay mo dalaga, aba eh may tsansa pa ata akong magkaapo.

Tisoy:  Tay, kung magkakaapo kayo sisiguraduhin kong si Maine ang ina kaya wag kayong magilusyon dyan.  Tsaka akala ko ba totoo ang tunay na pagibig eh bakit biglang parang gusto ninyo kalimutan ko na ang asawa ko.

Arturo:  Asawa mo?  Sino si Maine?  Kailan pa?

Itinaas ni Tisoy ang kamay niya para ipakita ang wedding ring.

Tisoy:  At hanggang suot ko ito walang babaeng papatol sa akin.  Kuha mo Tay?!

Arturo:  Ikaw naman binibiro lang kita.  Syempre hihintayin natin ang manugang ko.  Tayo pa ba?

Tisoy:  Isa pa Tay, tama na yang pagbibiro ninyo bigla tuloy akong nagdalawang isip dito sa business deal na ito.   Babae pala ang kanegosyo, huwag na lang ho kaya?

Arturo: Ano ka ba naman, babae lang natakot ka na?

Tisoy:  Ayoko hong maging malapit sa kahit na sinong babae kahit pa business ito. Ayokong pagdating ng araw pagisipan ako ni Maine na monkey business lang ito.

Arturo:  Katulad ng inisip mo tungkol sa kanya at sa abogado niya?

Hindi umimik si Tisoy.

Arturo:  Sige na, para sa ikatatahimik mo ako na ang makikipagcontrata sa Jenna na yan.  Tawagan mo na si Atty.  Fernandez at ipalagay mo sa pangalan ko ang contract.

Tinawagan naman ni Tisoy si Atty. Fernandez.

Tisoy:  Atty. ok naman ho yung contract pero sa pangalan ho ng Tatay ko hindi sa akin para ho mas legal tsaka ang A&A ho kasi sya din ang proprietor and owner since the contract is with A&A at A&M dapat ho pangalan niya.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon