Chapter 45 - LDR

2.3K 137 10
                                    

Isang araw, naunang nagonline si Maine.  Nagulat siya na hindi online si Tisoy.  Pero naisip naman niya na baka late lang ito ng uwi. Makalipas ang 45 minutes nagonline ito at nagvideo call.

Excited at masaya ang mukha nito ng bumati kay Maine.

Tisoy:  Hi Mahal!  Sorry nalate ako galing kasi ako sa try-out ng sports club eh.

Maine:  Ok lang, dumating ka naman eh.  Oh kamusta ang try-outs?

Tisoy:  Mahal, pasok  kami ni Vinz sa basketball team.

Maine:  Wow naman! Ang galing ninyo. 

Tisoy:  Excited na nga kami ni Vinz eh. Kasi kasama sa training ang mga exhibition game kalaban ang varsity team ng school.   Sabi kapag 3rd year daw kumukuha sila ng mga kapalit ng mga gagraduate na mula sa varsity team. Malay mo, makapasok ako sa varsity some day. Astig yon!

Maine:  Oo nga, next year pwede ka na.  Ang galing mo Mahal!  Pero mahal baka naman mapabayaan mo ang academics mo niyan?

Tisoy:  Hindi Mahal, hindi pwede yon kasi may grade requirements din sa varsity kaya kailangan balance lahat.

Maine:  Mabuti naman kung ganon.

Lumungkot ang mukha ni Tisoy. 

Maine:  Oh bakit?

Tisoy:  Kaya lang mahal ang training namin after class.  Kaya 10pm na ang uwi ko. Mas magiging maikli na ang time natin na magkausap.  Huwag na lang kaya akong sumali?

Maine:  Ano ka ba naman, ok lang yon eh basta magkakausap pa rin tayo.  Kung pagod ka na paguwi mo magleave ka lang ng message o kaya naman paggising mo na lang sa umaga tayo maguusap.   Meron ka namang skype sa phone mo eh.

Tisoy:  Sigurado ka?  Ok lang sa yo?

Maine:  Oo naman.

Tisoy:  Sige, tsaka kahit nasa byahe ako pwede naman kita tawagan sa skype eh.

Ganon nga ang ginawa nila.  Kapag pagod na sa gabi si Tisoy tatawag lang siya para maggoodnight o kaya magiiwang ng message at gumigising ng alas sais ng umaga, alas tres ng hapon naman yon sa LA para magkita at magusap sila sa skype.

Minsan, tumawag si Tisoy ng umaga,  nagkataon na nasa bahay ng Uncle niya si Maine, ipinakilala ni Maine si Tisoy.  Mabait naman ito pati na ang anak at asawa nito.  Mukhang masaya naman si Maine kasama ang dalawang batang pinsan na babae kasi parehong teenager. Tinuturuan ni Maine na magmake-up habang nanonood si Tisoy.

Minsan naman pagtawag ni Tisoy nagto-tour siya kya ipinakita niya sa mga pinsan ni Maine ang pinuntahan niya. Maayos naman at kahit papano naging masaya ang pangalawa at pangatlong buwan ng pagkakalayo nila.

Dumating ang pang-apat na buwan, naging busy si Tisoy sa dami ng term papers na ginagawa dahil magfa-finals na. Nagoonline naman ito sa gabi habang gumagawa ng term paper kaya  madalas nasa video screen nila ang isa't isa... Si Maine ang kwento ng kwento at si Tisoy nakikinig lang habang nagtatype ng term paper niya. Nang dumating naman ang review time ng finals nagkaron ito ng mga group study sa bahay ng kaklase kaya halos isang linggong hindi nakapagonline sa gabi.  Kapag nagoonline naman sa umaga, si Maine naman ang busy sa mga meetings nito sa mga possible buyers ng  stocks at property niya. Kaya halos hindi sila makapagusap ng maayos.

Pagdating ng November, sportsfest sa BISU. Ginawa ang Exhibition League ng sports club. Sports Club basketball team kalaban ang School Varsity Basketball Team.   Dahil parehong gwapo at magaling magbasketball sila Vinz at Tisoy. Naging popular sa mga kababaihan ng BISU. May mga ilang babae ang nagpapictures kasama ng mga ito. Dahil marami sa kaklase nila Julia at Maine noon ang nasa FB ni Maine, nakita niya ang ilan sa mga litratong yon.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon