Chapter 22 - Katotohanan

2.6K 156 8
                                    

Hindi lang ang pasko kung hindi pati bagong taon ay naging masaya sa buhay nila Tisoy at Maine.  Dumayo ang mga taga Danao sa bahay nila Maine at doon mismo nagbagong taon sa Roma's ang pamilya ni Julia at ang mga tao sa taniman ni Rosario.  Kila Tisoy naman katulad ng nakaugalian isang medya noche sa kalsada kasama ang mga kapit bahay ang naganap. Nagpaputok din sila ng kanyong gawa sa kawayan kung tawagin ay Bumbong. Nilalagyan ito ng kalburo para pumutok.  

Matapos ang putukan bandang ala una ng madaling araw si Maine naman at Julia ang dumayo sa lugar nila Tisoy. May dalang mga pangpremyo para sa mga bata at matatanda dahil magpapalaro sila doon.  Pumarada si Julia sa harap ng tindahan ni Aling Mameng.  Sinalubong sila ni Vinz at Tisoy.  Lumapit naman sila at nagmano kay Arturo.

Arturo:  Mabuti naman at nakarating kayo dito sa amin. Kain na muna kayo.

Maine:  Tay, busog pa ho kami pero kung may dessert yun ang gusto ko.

Aling Mameng:  Eto tikman ninyo itong leche flan ko.

Diane:  Maine, eto oh gumawa ako ng graham cake.

Julia:  Oy Diane favorite ko yan. Pahingi kami.  Pinaupo ni Tisoy si Maine at Julia sa tabi ni Arturo at niyaya naman nila sa tabi nila si Diane.

Tisoy:  Mga kapitbahay, mga bata kaya sila nandidito kasi may mga palaro kami para sa inyo.  Marami silang dalang papremyo, may mga gamit sa bahay para sa mga matatanda at merong mga laruan at damit para sa mga bata. 

Vinz:  at meron ding cash na papremyo.

Naghiyawan ang mga ito.  Dumating ang kapatid ni Vinz tulak ang isang videoke machine sa kariton.  Ibinaba ito sa tapat ng bahay nila Tisoy at ikinabit ito ng extention. Kinuha ni Tisoy ang mic.

Tisoy:  Mga kaibigan ho namin sila at gusto ho nilang mapasaya kayo ngayong bagong taon.  Si Maine at si Julia.

Nitoy:  Kuya di ba jowa mo si Ate Ganda.

Tisoy:  huwag kang maingay Nitoy pag nalaman niya break na kami

Nagtawanan ang mga tao. Inabot ni Tisoy ang mic kay Maine.

Maine:  Maganda at maligayang umaga ng bagong taon po sa inyo.   Sana po magustuhan ninyo ang dala namin para sa inyo at sana po magenjoy kayo sa mga palarong inihanda namin.

Julia: Marami po kaming dalang papremyo kaya sana po sumali kayong lahat.

Nagpalaro na sila Tisoy at Vinz habang nanonood at nagaassist lang si Maine, Julia at Diane, sila ang nagsasabi kung sino ang panalo.  Nagsabit ng mga mansanas sa sampayan nila Arturo sila Maine, Diane at Julia habang naglalaro  ng  trip to jerusalem ang mga bata.  Pagkatapos trip to jerusalem naman para sa mga magaasawa. Nanalo ang magasawang Kanor at Brenda ang premyo electric kettle. Tapos naglaro naman ng stop dance ang mga bata nanalo si Nitoy ang premyo one hundred pesos. Naglaro naman nang paper dance ang magaasawa, bawat isang paris may isang counterpart na bata.

Arturo: Dapat sa paper dance kasali kayo Tisoy at Maine, tyaka Vinz at Julia.  Kami ni Diane ang magpapalaro. 

Nangantyaw ang mga kapitbahay sumangayon sa sinabi ni Arturo.  Kaya wala silang nagawa kung hindi sumali. Nung pangatlong tupi na ng papel nakaapak na si Maine sa paa ni Tisoy at magkayakap na sila.  Ang lakas ng hiyawan at namumula si Maine at Tisoy. Pagapat na tupi binuhat ni Tisoy si Maine ganon din ang ginawa ni Vinz pero sumobra ang paa niya kaya natanggal sila.  Sa panglima na tupi sumalabay si Maine kay Tisoy pero naout balance na si Tisoy kaya natalo din sila. Nanalo si Mang Bano na malaki ang katawan at ang asawa nitong si Celia na maliit na payat pa.  Ang premyo, flat iron.  Kung ano-anong mga palarong pambata at matanda ang ginawa nila.  Mga laruan, damit at pera ang premyo para sa mga bata.  At puro gamit pang bahay tulad ng isang set na pitcher at baso, set ng pinggan, magagandang klase ng kawali o kasirola, bread toaster at rice cooker ang premyo. Masayang masaya ang mga taga Bartolome. Habang nagpapalaro sila Tisoy, kinausap ni Arturo si Maine at sinabing birthday nito sa a dos at bente sinko anyos na ito at gusto niyang ipaghanda ito. Nagusap sila ng walang kaalam-alam si Tisoy.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon