Chapter 34 - Pinusuan na

2.7K 164 7
                                    

Kinabukasan maaga silang nagising para sa island hoping, helmet diving at snorkeling .  Nagpahanda si Arturo ng mga tubig, softdrinks at beer sa isang cooler na pinuno ng tube ice.   Umorder din si Rosario ng vendo lunch - may pasta, rice, salad, roast chicken at fish fillet para sa 12 tao at 12 na BBC burgers.

Alas otso ang alis ng banka, pero alas syete pa lang bihis na si Maine.  Sinigurado niyang kumpleto ang laman ng canvas bag niya.  May sunblock spray, after sun lotion, shawl, underwater camera, wallet, cellphone at shades.  Lumabas siya sa veranda ng suite nila at naupo don habang pinanonood ang dagat.  Nagulat siya ng biglang may nagpatong ng buri hat sa  ulo niya.  Nilingon niya kung sino, si Tisoy ang gwapo sa suot na board shorts at blue  na BBC shirt at naka nike cap na  blue.  Nasa veranda naman ito ng suite nila.

Maine:  Hi, Kamusta ang tulog mo?  Mukhang nalasing kayo kagabi ah.

Tisoy:  Oo nga eh, si Sam kasi eh. Pero naihatid naman kita di ba?  Yun na lang kasi ang natatandaan ko.

Maine:  Oo naman, hinatid ninyo kami tapos ipinasunod ninyo sa waiter yung iniinom ninyo sa kwarto ninyo.  Pati naman si Tito Arturo at Armando nakisali, sinundo na nga ni Mama at Tita Selina bandang midnight eh.  Nakakatawa kayong magusap kapag lasing.

Tisoy:  Did I do anything stupid or said something?  Nakakahiya...

Maine:  Besides sa paulit-ulit mong sinasabi na maganda ako at mabango wala naman. 

Ang lakas ng tawa ni Maine.

Tisoy:  Hindi ba imbento yon?

Kinuha ni Maine ang cellphone at pinapanood sa kanya ang video na kinuhanan kuha ng nagdaang gabi.

Nakaupo si Tisoy sa isang bamboo set at nakaupo si Maine sa pagitan ng hita niya, nakayakap ang dalawang braso niya kay Maine at kausap niya ang mga kaibigan. Si Sam naman nakaakbay kay Diane at si Vinz yakap si Julia.

Tisoy:  Oh bakit Sam, totoo naman ah si Maine ang pinakamaganda at amuyin mo kahit nakainom na mabango pa rin. 

Inamoy niya ang balikat at buhok ni Maine.

Sam:  Oo nga ang kulit mo Tisoy

Vinz:  Syempre bro, you love your own alangan namang sabihin mong si Julia ang pinakamaganda eh di sinapak kita.

Pulang-pula ang mukha ni Tisoy habang pinanonood ang video.

Tisoy:  Hala, sorry hinaharass ata kita.  Papano nakunan yan? 

Maine:  Hindi naman, ano lang you were extra sweet and super clingy. Pupunta lang ako ng banyo sinamahan mo pa ako eh sumusuray ka na nga. Kukuhanan sana tayo ng picture ni Diane napindot niya yung video.

Napakamot sa batok si Tisoy ibinalik ang cellphone kay Maine. Hinaplos niya ang pisngi ni Tisoy.

Maine:  Ang cute mo pag nahihiya ka nagkukulay kamatis ang pisngi mo oh.  Question though, yung isinayaw mo ako nung sweet pero I'm yours yung tugtog alam mo pa ba?

Tisoy:  Oo naman, maaga pa yon eh, iniinggit ko pa nga si Sam at Vinz non eh.

Maine:  puro ka kasi kalokohan eh.

Tisoy: Hindi yon kalokohan, I really wanted to dance that close to you kaso yung banda naman puro dance songs ang tinutugtog. Kaya sabi ko to hell with the song basta isasayaw kita ng sweet.

Maine:  In fairness, I like what you said nung tanungin ka ni Tito bakit ganon ang sayaw natin.

Tisoy:  Alin? Yung "we're dancing to the tune of our hearts"?

Maine:  yah that one, sounds sweet.  Ay, thank you sa hat pala ang cute may yellow ribbon pa.

Tisoy:  You're welcome!

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon