Chapter 8 - #angsagot

2.4K 122 4
                                    

Dumating ang araw ng examination nila sa Bohol Island State University (BISU).  Alas otso ng umaga ang simula ng exam at 7:50 na ng magpark ng sasakyan sa parking area ng BISU sila Julia at Maine.  Nagmamadaling bumaba ang dalawa ng sasakyan.  Siniguradong bitbit ang envelope ng permit nila at na nakalock ang kotse at nagtatakbo na papunta sa building kung saan nandon ang examination room.  Pagliko nila sa corridor nabunggo si Maine ng isang babae, nalaglag ang envelope nito at lumabas ang lahat ng laman.

Babae:  Sorry Miss, pasensya ka na malelate ako sa exam ko.

Maine:  And I wouldn't be?  Julia, go ahead just save a seat for me.

Tumakbo na si Juilia, habang pinupulot ang gamit niya.  Nang masigurong nandon ang permit niya at resibo, tumakbo na at sumunod kay Julia.   Room 16... huminto sa pagtakbo si Maine ng mapatapat sa pinto ng room.  Humihingal na inilinga niya ang mata sa loob ng kwarto at nakita si Julia na kumakaway sa kanya.   Pumasok siya  at naupo sa upuan na nasa unahan ni Julia.  Pinilit kumalma, inayos ang upo at tumingin ng derecho sa harapan.  Mayamaya, narinig nilang nagsalita ang Proctor na nakaupo sa silya sa harap ng lamesa sa unahan.  

Proctor:  Good morning everyone! Isa-isa kayong lumapit dito, dalhin ang examination permit at resibo, starting from the first chair on the right.

Tumayo ang lalaki na nasa upuan at lumapit sa lamesa sa harap.  May kung anong isinulat sa isang papel at inabutan ng ilang pirasong papel ang lalaki, sumunod naman ang nasa katabi nito hanggang nakalapit silang lahat ng nandon sa loob ng room at mabigyan ng test paper.

Proctor:  Isulat ninyo ng malinaw ang pangalan ninyo. Wala dapat ibang gamit sa lamesa ninyo kung hindi and test paper at ballpen.  Ibaba ninyo sa sahig ang iba pang gamit at siguraduhing sarado ang mga cellphone ninyo.  Kapag narinig ninyo ang buzzer sabay-sabay kayong magsisimula kaya iayos na ninyo ang mga gamit ninyo.

Sumunod naman lahat, ibinaba ang mga bag at iba pang gamit sa sahig.  Binuksan ni Maine ang envelope para kunin ang ballpen niya at ibalik ang permit pero wala don ang ballpen niya.  Humarap siya kay Julia.

Maine:  Jules, nawawala yung ballpen ko baka nahulog kanina nung mabunggo ako. 

Julia:  Papano yan? Iisa lang din ang ballpen ko eh.

Humarap si Maine sa Proctor, tahimik na nagisip si Maine, tatayo na sana at manghihiram ng ballpen nang biglang nagsalita ang lalaki sa tabi ni Julia.

Tisoy:  Here, may extra ballpen ako.

Nilingon ni Maine kung saan nanggaling ang boses.  Nagulat siya ng makita si Tisoy at sa tabi nito kumaway si Vinz.

Tisoy:  Sige na, panda lang yan pero sigurado akong sumusulat yan.

Napaisip si Maine, "himala, kinausap ako!" 

Maine:  Sure ka, baka kailanganin mo later.

Tisoy:  Oo ok lang talaga, sige na gamitin mo na.

Maine:  Thanks!

Nginitian niya si Tisoy.  Inayos na ulit ang upo, sumandal sa upuan at hinintay ang pagring ng buzzer hudyat para sa pagsisimula ng oras.  Natahimik ang buong kwarto,  naglalakad-lakad naman ang bantay nila.  Dumaan ang oras ng hindi nila namamalayan na dalawang oras na pala ang nakalipas.  Tumunog ulit ang buzzer, hudyat para sa pagtatapos ng oras.  Kinuha ng lalaki ang mga test paper nila at ipinatong sa mesa.

Proctor:   We will have a 30 minute break.  Yung mga may dalang pagkain pwede ng dito kumain, yung wala naman.  Lumabas lang kayo dyan sa corridor sa dulo ng corridor sa kanan may nagtitinda ng pagkain.

Tumayo si Vinz at naupo sa bakanteng silya sa tabi ni Julia.   Inilabas ang dalawang choco cupcakes at softdrinks na dala.   Inilabas ni Tisoy ang plastic ng hopiang munggo at bote ng tubig. Si Julia naman dalawang Chocolate chiffon cake at juice. Si Maine isa isa silang inabutan ng tuna salad sandwich with lettuce.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon