Chapter 30 - #nadevelopna

2.6K 153 7
                                    

Simula noon, mas naging magiliw si Maine at Tisoy sa isa't isa.  Laging magkaholding hands kapag naglalakad at ang tawagan nila naging crush na.  Katulad ng gabi na yon, kausap ni Tisoy sa cellphone si Maine.

Tisoy:  Crush, narinig ko yung kwentuhan ng mga kaklase mo kanina pagdaan ko.  Sino yung Edwin?

Maine:  Eh di classmate namin.  Crush naman eh ang yabang non, feeling gwapo.  Wala yon. Huwag mong pinapakinggan yung mga kaklase ko.  Wala lang mapagusapan yon.

Tisoy:  Crush, bakit sabi nila nililigawan ka daw non.

Maine:  Kasi nga nagpapapansin kanina sa klase, inaayos ko yung projector para sa presentation ng group namin lumapit at nagprisintang siya na daw magaayos. Crush, alam nilang lahat na hindi ako nagpapaligaw.

Tisoy:  Ah ok, Crush, nagtatanong lang naman ako.

Maine:  Cute mo crush. Pag may nagsabi na manliligaw ikaw unang makakaalam.

Tisoy:  Promise yan Crush ah, sige na naistorbo ko pa paggawa mo ng assignment.  Tapusin mo na yan para makatulog ka na. Let me know pag hindi ka antukin tatawagan kita.

Maine:  Ok Crush, later.

Pinindot ang end call at ibinaba ang cellphone sa lamesa.  Niligpit ang mga gamit at inilagay sa loob ng bag.  Biglang nagsalita si Arturo na nakaupo sa sofa.

Arturo:  Crush talaga ang tawagan ninyo?

Nagulat si Tisoy.

Tisoy:  Kanina ka pa diyan Tay?

Arturo:  Medyo lang naman, narinig ko lang naman paguusap ninyo. Bakit kasi nakaspeaker phone ka.

Tisoy:  akala ko ho ako lang magisa eh.  Kamusta ho ang pagbisita ninyo kila Ninong?

Arturo:  Ok naman, si Armando pala high blood na.  Natuwa naman sila at nakita nila ang Nanay mo.  Pinababalik ako ng Ninong mo para magtrabaho don. Magfo-foreman sa mga karpintero dahil marami siyang gustong ipaayos. Kahit daw hanggang matapos lang lahat ng trabaho don kasi nga sabi ko gumagawa ako ng furnitures at magbubukas ng showroom.

Tisoy:  Aba, ok naman yon Tay.  Marami ka naman ng nagawa para sa showroom.  Yung mga finishings kaya ko na yon. Wala naman ho atang trabaho kapag sabado't linggo eh di sabado't linggo natin gawin yung mga furnitures.

Arturo:  Yon nga din ang inisip ko kaya pumayag na din ako. Malakilaki din yung inalok niyang arawan na sweldo, libre pa pagkain at makakasama ko pa siya.  Sabi nga ni Selina kunyari lang naman daw yon na kinukuha akong foreman, gusto lang daw non lagi akong nandon.  Kaya lang hindi na ako makakatulong sa Roma's kaya bahala ka ng tulungan don araw-araw ang Nanay mo.

Tisoy:  Opo Tay, huwag kayong magalala, yung apo ni Nana Ebeng kinuha ni Nanay na cook. May printout naman ng recipe si Maine kaya madali lang yon.  Tapos, pwera kay Red at Bong na waiter, kinuha din ni Nanay si Nitoy na runner at dishwasher.  Nakausap kasi niya si Nanay Cora medyo hirap sa paglalako si Nitoy hindi pa siguradong may benta araw-araw kaya ayon kinuha ni Nanay para regular na may kita si Nitoy.

Arturo:  Mabuti naman pala kung ganon.  Teka nga muna, iniba mo na naman ang usapan eh. Ano na bang lagay ninyo ni Maine.  Hindi ka na nagkwento eh.

Tisoy:  Presidente ka ba ng fansclub ng love team namin Tay?

Arturo:  Sagutin mo na lang ang tanong ko! Damuho ka!

Natawa si Tisoy.  Naupo sa tabi ng ama.

Tisoy:  Umamin na ho ako na crush ko siya, gusto ko siya ganon.  Tapos sabi niya gusto din daw niya ako... pero hindi kami magkasintahan.  Parang sinusubukan lang ho namin kung kakayanin namin.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon