Chapter 20 - Paguusap

2.1K 134 3
                                    

Nang mga sumunod na araw kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Arturo. Laging nagiisip. Minsan hindi na nakatiis si Tisoy at kinausap ito.

Tisoy:  May problema ho ba kayo?

Arturo: Ang Nanay mo

Tisoy:  Ho? ano hong tungkol sa kanya?

Arturo:  Ang ibig kong sabihin... naisip ko lang kapag nagbalik siya eh di gugustuhin niyang makita at makilala ka.

Tisoy:  Ok lang naman ho yon hindi ba, babalik naman siya dito sa atin eh di magkakasama na tayo.

Arturo: Papano Tisoy kung ayaw na ng Nanay mong tumira dito?  Papano kung ikaw lang pala ang binalikan niya?

Tisoy:  Tay, kasal siya sa inyo.  Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, asawa ninyo siya.

Arturo:  Tisoy, dalawangpu't apat na taon na.  Sampung taon nga lang na hindi nagsasama madali ng ipa-anull ang kasal.  Lalo na kung may pambayad.

Tisoy:  Papaano ho ang pangakong sinumpaan niya sa harap ng Diyos? Babalewalain niya? Ganon ho bang klaseng tao ang Nanay ko?

Arturo:  Hindi naman... pero maraming nababago ang panahon Tisoy.  Isa pa anak, kung sakali ayokong ipilit ang sarili ko kung ayaw na niyang ipagpatuloy pa ang naging usapan namin noon.

Tisoy:  Ang usapan ninyo, pakakasalan ninyo siya para tulungan na ginawa ninyo at ginagawa ninyo hanggang ngayon.  Nung umalis siya ang sabi niya hahanapin niya ang Tatay ko para humungi ng tulong at babalikan niya tayo.  You keep the end of the bargain so she has to keep her end too.

Arturo:  Papano kung may asawa na siya at may anak na.

Tisoy:  Eh di don na lang ho siya sa pamilya niya.  Tama na sa akin na nakilala at nakita ko siya. Tay, hindi na ho ba ninyo mahal ang Nanay?

Arturo:  Sana nga anak hindi na eh.  Sana nga nabura na ng panahon ang pagmamahal ko sa kanya...

Tisoy:  Pero hindi... alam kong hindi dahil ang pagmamahal mo sa kanya ang kaisa-isang dahilan kung bakit mo ako inalagaan , pinalaki at tinuruang maging mabuting tao.  At dahil ikaw ang bumuhay sa akin, ikaw ang magulang ko.  Kung hindi ka niya babalikan, wala siyang anak na babalikan dito.

Arturo: Tisoy, Nanay mo yon, siya ang nagsilang sa yo.

Tisoy:  Yun lang ho ang naging kontribusyon niya sa pagkatao ko.

Arturo:  Tisoy, baka naman isipin ng Nanay mo tinuruan kitang magalit sa kanya.

Tisoy:  Kapag nagkita kami kahit hindi ko sabihin makikita niya sa pagkatao ko ang lahat ng itinuro mo sa akin. Ang isang natutunan ko sa yo Tay ang magmahal ng totoo, tapat at wagas. Natutunan ko sa yo ang pagmamahal na hindi sumusuko. Mahal kita Tay, kahit noon kahit gaano kasakit ang mga latay ng sinturon mo sa katawan ko hindi ako sumuko dahil yon ang alam ko sa pagmamahal.  At kahit hindi mo sabihin alam kong mahal mo ako dahil kahit kaylan hindi mo ako itinaboy. Mahal kita Tay, kaya kahit sa harap ni Nanay hindi kita kayang sukuan.

Nayakap ni Arturo si Tisoy at tuluyan itong naiyak.

Tisoy:  Tay kung hindi kayang ibalik ni Nanay ang pagmamahal mo.  Ako, hindi ko lang ibabalik, hihigitan ko pa. Kaya kahit ipagtabuyan mo ako Tay hindi ako aalis sa tabi mo. Kahit bugbugin mo ako ng paulit-ulit hindi kita iiwan.

Parang batang paslit na umiiyak na din si Tisoy, yakap ng mahigpit ang kinikilalang ama.

Samantala sa bahay nila Maine.

Maine:  Ma, ano nang plano mo?

Rosario: Pupuntahan ko yung lugar may nakausap na akong magtatricycle alam niya ang Bartolome.

Beyond the  HillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon